57

49 4 0
                                    

Twitter

For Ranting 🔒 @lostandfound • 4m
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. I was so overwhelm with everything that's happening around me. Hindi ko akalain na makakasama ko ang crush ko. Ampotek! Para akong bata because of this crushy thing.

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 4m
Replying to @lostandfound
Sure, hindi naman talaga imposible na magtagpo ang landas namin ni Price since may mga mutual friends kami. Pero hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari.

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 3m
Replying to @lostandfound
Simula nang mahilig ako sa panonood ng MLBB tournaments, I had my eyes on Price na talaga. There's something about him that pulls me to like him. Plus the fact na magaling talaga siyang ML player. Kaya hindi kataka-taka na humanga ako sa kanya.

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 3m
Replying to @lostandfound
Me, messaging him dito sa Twitter ay nagpapakita kung gaano ako mag-fangirl sa kanya. Sa mga fangirls o fanboys dyan, aminin nyo, once in your life, nag-message din kayo sa mga hinahangaan nyo, which is normal naman, I guess. For me, ah. Normal siya since isang way din yun ng pagpapakita ng support sa kanila.

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 2m
Replying to @lostandfound
Sa totoo lang, hindi talaga ako umaasa na magre-reply si Price sa akin. I mean, gusto ko lang talaga na mag-iwan ng message sa kanya. But then, he did. Nag-reply siya at ito na nga, nagkasama pa kami. Grabe yung twist ng story ng buhay ko. Haha!

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 2m
Replying to @lostandfound
Price... he's a real gentleman. Noong una nga, nagkakahiyaan pa kami. Pero siya talaga ang gumagawa ng paraan for me to be comfortable with him. He's so attentive at halatang nakikinig sa mga sinasabi ko.

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 1m
Replying to @lostandfound
At nang may nakakilala sa kanya (well, he's quite popular) at humiling na magpa-picture sa kanya, nagpaalam pa siya sa akin, which is hindi naman required, pero ginawa niya.

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 1m
Replying to @lostandfound
Lalong tumaas ang paghanga ko sa kanya. Lord, tumaas din yung level ng pagka-crush ko sa kanya. 😭 Hindi ko na alam. Ewan ko na rin. Bakit kasi siya ganyan? Ang saya niyang kasama! 😭

|
|

For Ranting 🔒 @lostandfound • 24s
Replying to @lostandfound
Ang dami ko pa sanang gustong ikuwento dito about Price, pero may next time pa naman. Sarilinin ko muna yung ganitong pakiramdam.

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now