75

62 5 0
                                    

Twitter

Price123
@EXEPrice

Hala, Priceee!

I'm sorry, hindi agad ako naka-reply.

I mean, hindi naka-reply ng ilang araw.

Ano kasi, naging busy lang. Bukod sa may editing akong tinapos, tinapos ko na rin yung manuscript na medyo matagal ko ng sinusulat, kaya yun.

Gusto ko kasing pag nag-start ang season next week, wala na akong mga pending na gagawin. Para makatutok talaga ako panonood sa games nyo.

8:31 PM

8:32 PM

Price123: Nag-alala ako sayo, Nice.

Price123: Pero at least ngayon, alam ko ng okay ka.

Hala, sorry talaga. 😭

Sa sobrang tutok ko sa ginagawa ko, wala talaga akong nakausap sa nakalipas na ilang araw maliban sa kapatid ko.

Price123: Baka naman pinagod mo nang sobra ang sarili mo? Kumain ka naman ba sa tamang oras?

Yes, lods.

Dinadalhan ako ng kapatid ko ng pagkain.

Price123: Buti naman.

Price123: Natapos mo naman na ba yung mga ginagawa mo?

Yep. Hahaha!

Actually, kaninang tanghali ko pa natapos yung mga ginagawa ko. Ngayon lang ako naka-message kasi umalis kami ng mga pinsan ko. Naiwan phone ko sa bahay. 😅

Price123: Saan kayo galing?

Nagpa-tattoo! 😍

Price123: That's a very nice tats, Nice. I'm glad na natupad mo na rin yung isa sa mga gusto mo talagang gawin.

Thank you, Price.

Actually, hindi nga ako prepared dun. Haha! Bigla na lang akong nahila ng mga pinsan ko. Magpapa-tats daw sila, sumama raw ako.

Eh, ayoko pa nung una, kasi wala akong budget, plus di nga ako ready. Kaya nang makarating kami sa shop nung tattoo artist na kakilala nila, sobrang kabado na ako. Hahaha!

Price123: How did it go?

It went well!

Masakit, pero tolerable naman yung pain. Kabado lang talaga ako kasi mababa talaga ang pain tolerance ko.

Price123: Pero kinaya mo. I'm proud of you, Nice.

Thank you, lods. 💙

Ikaw, kumusta pala?

Malapit na ang opening ng MPL. Excited na ako na i-cheer kayo.

Price123: Okay naman. Naghahanda na sa paparating na season.

Kaya nyo yan! Hoping and praying na inyo ulit ang kampeonato this season.

Price123: Sana talaga.

Price123: Anyway, nood ka ng opening game, ah. Isama mo ang kapatid at mga pinsan mo. Ako na ang bahala sa tickets nyo.

Huy, seryoso ba yan, lods?

Balak ko talagang manood ng live. Ako na bahalang humanap ng tickets namin!

Price123: Nah, its okay, Nice. Basta cheer nyo kami, okay?

Hala, nakakahiya kaya!

Price123: Wag kang mahiya kung ang puso mo ay dakila.

What? Hahaha!

Huy, lods! Kelan ka pa naging makata? Hahaha!

Price123: Turo yun sa akin ni Kelra. Tsk!

Hahahaha!

Ang cute mo, lods.

Price123: Mas cute ka, eh.

Okay, thanks sa compliment, lods.

Price123: Aba, marunong ka ng sumagot, ah.

Syempre. Haha!

Price123: How about cofee? Pwede ka bang magyayang magkape bukas?

Niyayaya mo akong magkape?

Price123: Yes. Kasi di na kami makakalabas ng bootcamp pag nag-umpisa ang season, unless may importanteng gagawin.

Price123: So, anong sagot mo?

9:04 PM

9:11 PM

Price123: I'll take that as a yes.

Price123: See you tomorrow, Nice. Don't worry, susunduin kita sa bahay nyo para di ka na mahirapang mag-commute.

Price123: I'll be there at 2 PM.

9:14 PM

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now