114

28 5 0
                                    

Twitter

Price123
@EXEPrice

Alam mo ba?

Hahaha!

3:03 PM

3:05 PM

Price123: Ano yun?

Wala, wala. Never mind. Haha!

Price123: Ay si Nice, nambibitin.

Wala nga lang yun.

Secret pala. Haha!

Price123: At may secret ka na rin ngayon, ah.

Oo. May angal ka?

Price123: Wala po.

Ayan, good. Haha!

Price123: Ayan hirap, eh. Pagdating sayo, lagi akong talo.

Tumigil ka na, Price Caidic. Haha!

Anyway, may tanong ako.

Price123: Galing talagang umiwas. Haha!

Okay, sige.

Hindi na ako magtatanong.

Price123: Ano yung tanong mo, Nice? Sasagutin ko ng maluwag sa aking puso.

Hahaha! Sira ka talaga.

Anyway, hindi ko tanda kung nabanggit mo sa akin kanina, pero saan mo nga ulit ako unang nakita?

Kasi sabi mo, di ba, hindi dun sa SB19 concert mo ako unang nakita. Eh, yun lang naman ang tanda ko kung saan tayo nagkita?

Price123: Sa book store.

Ha? Book store?

Saang book store?

Price123: SM North.

Wait, wait!

Anong ginagawa mo sa book store?

I mean, yes for sure nandoon ka para tumingin ng books, pero bakit ka nandoon?

Price123: Imposible bang mapadpad ako sa book store? Haha!

Hindi naman. Its just that...

Price123: Umamin ka na, Nice. Na-judge mo na ang pagkatao ko. Haha!

Wala lang kasi sa character mo! Hindi naman kita jinudge. Haha!

Price123: Sakit mo talaga, Nice.

Hahaha! Sorry na. ✌

Price123: Pero tama ka naman, hindi naman talaga ako bibili ng libro dun.

Eh, bakit ka nga nandoon?

Don't tell me, type mo si Ate Shell?

Price123: Sinong Shell yun?

Yung staff dun sa store sa SM North!

Price123: Ah, okay.

Price123: Ikaw lang ang type ko, Nice.

Price naman kasi!

Price123: Totoo naman, eh.

Ano ngang ginagawa mo dun?

Price123: Bumili ng libro.

Price123: Natalo kasi ako sa pustahan. Ang nagbigay ng dare sa akin, si Kyrone. Ibili ko raw ng pocketbooks ang kapatid niya.

Ah, kaya pala. Haha!

Galing din ni Kyrone, ah. Lowkey nautusan ka niya dun. Haha!

Price123: Bwisit na bwisit nga ako nung una, eh.

Price123: Pero okay lang. Kasi dahil dun, nakita kita. Gusto ko nga ulit bumalik sa book store nun kinabukasan.

Weh? Talaga ba?

Price123: Totoo, Nice! No stir.

Price123: That day, na-capture mo na agad ang atensiyon ko. I was smitten. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang nararamdaman ko the moment I saw you.

Price123: I swear, hindi ko talaga maipaliwanag kung ano ang naramdaman ko nang araw na yun. Hindi ka siguro maniniwala, pero bumilis talaga ang tibok ng puso ko, lalo na ng ngumiti ka dun sa staff ng store. Parang lumiwanag ang paligid after niyon. Nawala ang pagka-bad trip ko.

Price123: Gusto talaga kitang makita ulit pagkatapos ng araw na yun. Hindi ka na talaga mawala sa isip ko, kaya kahit alam kong medyo imposible na magkita ulit tayo, tinanong ko talaga si Kyrone kung may ipabibili ba ulit siya sa akin na libro. Haha! Nagbalak talaga ako na bumalik sa book store na yun.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Huhu!

Price123: Nag-iisip talaga ako ng ways para mahanap ka, Nice. Then, that SB19 concert happened.

Price123: Buti na lang talaga isinama ako nina Frency at Louisa doon. I guess, that's fate? Haha! Pinagtagpo talaga tayo.

Price123: Kaya sa sobrang saya ko, ibinili ko ng photo cards sina Frency. Ayun, tuwang-tuwa sila. Haha!

Price123: Anyway, balik ako sa SB19 concert. Nang makita ko na kasama mo si Maze, nag-chat agad ako kay Ribo para itanong kung sino ka. Buti na lang may common friends tayo. I mean, through Maze and Ribo.

Price123: Hindi ko talaga tinigilan si Ribo hangga't hindi ako nakakakuha ng info about you. That's when I learned about your messages and friend request. Kaya naman nang mag-message ka ulit sa akin, nag-reply na ako.

Price123: Sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko na papakawalan ang pagkakataon na ito. Hindi na kita pakakawalan pa.

Price naman, eh.

Price123: Its true, Nice.

Price123: Hindi ko alam kung nabanggit na sayo ni Maze, pero nag-chat siya sa akin. Itinatanong niya kung ano ba daw ang intensyon ko sayo, kung ano ang nararamdaman ko sayo.

Price123: I told her na espesyal ka sa akin. That time kasi, nalilito pa ako sa nararamdaman ko. Bago sa akin ang lahat, hindi ko yun naramdaman kahit kailan... ngayon pa lang.

Price123: Pero ngayon, I'm certain. Mahal kita, Nice. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa na mahalin kita. Siguro noong una pa lang makita sa book store? O baka nang makita kita sa SB19 concert? O nang mabasa ko na ang messages mo? O noong mas makilala at makasama na kita?

Price123: Pero ayaw ko ng isipin kung kailan ba talaga ako na-in love sayo. Ang mahalaga, mahal kita. At dahil mahal kita, gusto kitang alagaan at pasayahin. Masaya ako kapag masaya ka.

3:16 PM

Godlike Series 2: Glad You ExistWhere stories live. Discover now