CHAPTER 2

5.1K 181 4
                                        






——— L I V I N G H E L L ———



"Lady Livinghell, would you like to join us for lunch?" Naka labas na kami ng cafe at nasa parking lot na ng mag salita itong si Rune, hindi nalang ako sumagot at papasok na sana sa kotse ko ng biglang mag salita itong si Klyne para gatungan ang pinsan na ikina tuwa nito



Hindi naman yata halatang pinag tutulungan ako nang dalawa no? Tuwang tuwa pa ngang nakikita akong naiirita, pero dahil nga ako si Livinghell at gutom na'rin ang mga alaga kong dragon sa tyan at para na din maka libre ay nilingon ko sila.



"I agree, let's have lunch together, Livinghell. There's no problem with you joining us, right?" Tumaas ang isang kilay ko ng matunugan ang pang aasar ni Klyne, hindi narin masama na makasabay silang dalawa kumain kase kahit papaano matututo akong mag karoon ng pasensya diba? Nginitian ko silang dalawa na ikina bigla nila.



"Of course, there's no problem with eating with you, Young Master Fournier, and especially with you, Young Master Conláed." Hindi naka takas sa mata ko ang pamumula ng dalawang tenga nilang dalawa.



'Anong nangyari sa dalawa at mukang nilagnat yata bigla.'



"Y–Yeah! You're right, so, let's go?" Pag–aaya ni Rune habang iwas na iwas ang paningin sakin, akma nya akong pasasakayin sa Lamborghini nyang sasakyan ng bigla akong umangal.



Syempre aangal ako kasi dala ko ang baby ferrari nitong si Livinghell, alangan naman iwan ko ito dito, takot ko lang sa demonyo nyang kaluluwa.



"Young Master Fournier, I have my car with me, so it's better if I just follow along." Hindi na umangal ang dalawa ng sumakay na ako sa kotse at unang lumabas sa parking lot.



Unang lumabas ng parking lot si Klyne na kulay green ang Lamborghini at pangalawa si Rune na blue naman ang Lamborghini, hindi naka lagpas sa paningin nang mga tao'ng naka tingin sa kotse nang dalawa, syempre hindi mag papatalo ang kotse ni Livinghell no.



Na una na ang dalawa habang ako sumusunod sa kanila hanggang sa huminto kami sa harap ng malaking 'Gold Gate'.



Pag pasok ng kotse namin sa loob naka hilera ang mga mythic guard na may malalaking katawan habang may hawak na baril, well, kung ikukumpara ko ang galing nila sa pakikipag laban talo parin sila ng mga mythic guard nitong si Livinghell.



Pagka labas ko sa kotse gulat na tumingin sa akin ang mga mythic guards katulad ng dalawang mythic guard kanina na bantay sa gate.



"Where are the manners?" Nata–uhan sila nang biglang malamig na nag salita si Rune sa tabi ko habang tumawa nalang si Klyne sa gilid ko.



Sabay–sabay silang nag siyukoan at binati kami ng sabay "Welcome back, Young Master Fournier, and Young Master Conláed, and also for our Lady Grianzy." U–huh! 'Our' huh? Tama ba pag kakarinig ko o sadyang nag o–over react lang ako na bini–big deal ang lahat?



"Good, let's go, Livinghell, so you can eat." Sumunod nalang ako sa dalawa. Ay! mali, ako pala ang sinusundan dahil ako ang nasa unahan, ano nga ba ang ginagawa ko sa unahan at ako ang sinusundan ng dalawang animal na to?



Naguguluhan kong nilingon ang dalawa na huminto narin sa pag lalakad "What's wrong? Why did you stop, Hella?" Umarko pataas ang kilay ko nang marinig ang tinawag nya sakin, Hella? Saan galing yun.



Aba! Mukang balak akong isama sa collection ng gago at may sariling nickname sakin.



"What did you call her?" Kunot nuong tanong ni Rune sa pinsan na si Klyne na ngayon ay naka ngiti na nang wagas. "Hella, since her name is Livinghell, I preferred to call her Hella."



Dangerous ResurrectionWhere stories live. Discover now