1

3.4K 40 1
                                    

"Umalis ka na sa bahay ko dahil wala ka nang pakinabang. Ubos na ang pera na iniwan sayo ng nanay mo kaya wala ka ng kwenta. Dagdag palamunin ka lang dito." Sigaw ng auntie ko. Kapatid ni mama.

"Paki usap po wag n'yo ako paalisin dito. Wala po akong matutuluyan kung aalis po ako dito." Pagmamaka awa ko. Totoo naman na wala akong matutuluyan, wala akong kilalang ibang kamag anak maliban kay tita Sonya.

"Umalis kana kase, pinapahirapan mo lang si mama." Gatong ni Sunny. Anak ni tita Sonya.

"Wala po akong pera tita, Hindi mo pa po binibigay yung pera kong Hiram mo." Nahihiya kong sabi.

"Aba! At talaga namang sinisingil mo pa sa'kin yon eh samantalang ilang taon kang nanirahan dito sa bahay ko." Nang gagalaiti ito sa galit. Tinignan ko sya sa mata at napayuko ako agad dahil nakakatakot sya.

Umiiyak na ako at hirap na hirap magmaka awa ngunit bato ang puso ni tita. Hindi ito matinag at tuloy lang sa pagpapa layas sa'kin.

"Sunny" sigaw nito sa anak.

Agad namang tumayo si Sunny at lumapit sa Ina. May dala pa itong pang linis ng kuko.

"Ilabas mo ang mga damit nitong babae na to." Buo na talaga ang desisyon ni tita.

"Bakit ako pa? Pwede naman na sya na lang." Pag mamaktol ni Sunny. Tinignan sya ng masama ni Tita kaya wala syang nagawa kundi ilabas ang bagahe ko.

"Tita.." wala na akong boses sa kaiiyak. Simula kase ng umuwi sya ay ako na agad Ang pinag buntungan nya ng galit.

"Ito ang 500. Umalis kana sa bahay ko at wag na way ka na magpapakita sa'kin kahit kailan pa man. Sya sige layas." Hinagis nya sa'kin ang mga gamit ko kaya umiiyak na inayos ko ito at nilisan ang bahay.

Saan na ako pupunta nito? Napatingala ako sa kalangitan at nakitang makulimlim ito. Mukang panget ang panahon.

Hindi na ako nag tricycle. Nag lakad na Lang ako papuntang bayan dahil kung mag tricycle pa ako mababawasan ang pera ko. Kailangan ko ito tipirin. Pero hanggang saan aabot ang 500 pesos ko? Hindi ko alam.

Malayo layo ang nilakad ko at nakarating na ako sa bayan. Nauuhaw na ako buti na lang may nakuha akong tubig bago umalis. ininom ko ito ng tatlong lagok dahil kahit tubig ay kailangan kong tipirin.

"Ano na gagawin ko?" Tanong ko sa sarili. Naiiyak nanaman ako dahil hindi ko na alam ang gagawin.

Umupo muna ako sa gilid ng kalsada para magpa hinga. May Puno naman at upuan kaya kahit papaano safe na safe ako dito.

"Mag hahanap ako ng trabaho." Buo na ang desisyon ko. Mag hahanap muna ako ng trabaho, pero bago yon kailangan ko muna humanap ng matitirahan. Yung murang upahan.

Tumayo na ako at nag lakad. Matagal tagal na rin akonh nag lalakad. Tanghali na kaya kumakalam na ang sikmura ko. Hinawakan ko ito dahil nananakit na.

"Mag hintay ka lang muna dyan tiyan ko. Hindi pa tayo pwede gumastos." Pagka usap sa tiyan. Muka na akong baliw pero wala akong pake.

Ilang oras pa akong nag lakad at nahinto ako sa karindirya. Biglang mas kumalam anh tiyan ko kaya naman pumunta na ako sa karindirya.

"Ano sayo neng?" Tanong sa'kin ng matanda.

"Ah, nag hahanap po kase ako ng trabaho. Pwede po ba ako mamasukan sainyo?" Tanong ko sa matanda.

"Ay naku sakto kulang kami ngayong araw, absent kase yung isang kasamahan namin. Pwede ka ngayon." Naka ngiti nitong sabi. Agad naman akong napangiti.

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now