2

2.5K 30 0
                                    

Tulad nga ng sinabi ko kay Sole kagabi, nilinis ko ang apartment. Pag gising ko wala na sya kaya alam kong pumasok na sya sa karindirya.

Hindi naman gaanong makalat ang apartment. Sadyang hindi lang nakalagay sa tamang lagayan ang mga gamit.

Tinignan ko ang orasan at 7 pa lang ng umaga. Minadali ko na ang pag lilinis dahil hahanap nga ako ng panibagong trabaho.

Makalipas ang ilang oras tapos na ako sa lahat ng ginagawa ko. Papasok na sana ako sa banyo ng may makita akong picture. Pero hindi ko na iyon pinansin dahil baka private.

Naligo na ako at nag bihis ng disente at presentable tignan. Nakakahiya naman kung hahanap ako ng trabaho pero madumi ako tignan. Baka walang tumanggap sa'kin.

"Tao po.." rinig ko sa labas. Hindi ko naman alam kung sino yon pero pinag buksan ko ng pinto.

"Ano po yon?" Takang tanong ko. Mukhang mayaman ang lalaki. Maayos tignan. Tinignan ko ang likod nya at nakita ko ang kotse nya na naka park sa labas.

"Dito ba naka Tira si Sole Sartori?" Tanong nito.

Hindi ko alam kung si Sole ang tinutukoy nya, baka iba naman na Sole ang sinasabi nya.

"Sole?" Takang tanong ko. Hindi ko alam ang lastname ni Sole kaya naman baka nga iba talagang Sole. Hindi ko naman kase tinanong last name ni Sole.

"Oo, yung babaeng matangkad na maputi." Sabi nito. Hindi ko gaanong nakita si Sole dahil sa pagod at madilim na rin.

"Hindi ko kilala sinasabi mo eh, baka sa ibang apartment sya." Sabi ko. Totoo naman ang sinasabi ko, ayoko naman sabihin na may kasama akong Sole dito dahil baka masamang tao sya at ipahamak nya si Sole.

"Ganon ba? Sige, salamat." Sabi nito at tumalikod na. Sumakay sa mamahaling sasakyan pagkatapos ay nilisan ang Lugar namin.

Sino naman kaya yung lalaking yon? Baka kamag anak ni Sole? Hayaan na nga.

Pumasok ako sa loob at tinignan ang sarili sa salamin. Nang nakitang ayos naman na, lumabas na ako ng Apartment. Pero bago yon tinignan ko kung may nakasaksak pang wire. Nang makitang wala naman, umalis na ako.

Hawak ko ang mga papel na kailangan sa pag hahanap ng trabaho, Hindi naman siguro ako mahihirapan mag hanap ng trabaho dahil nakatapos naman ako ng High school.

Habang nag lalakad ako nakakita ako ng karatula sa kabilang daan. Kailangan ko pa tumawid para makita ng maayos 'yon.

*BEEP!! BEEP!! BEEP!!*

Mabilis akong tumilapon sa lakas ng pagka bundol sa'kin. Medyo nahirapan ako huminga dahil ang bandang sikmura ko ang natamaan.

"Miss, miss gumising ka" rinig kong sabi ng lalaki.

Hindi ako sumagot dahil nahihirapan rin ako. Nanlalabo na ang paningin ko. Pinipilit kong tignan kung sino ang lalaking naka bunggo sa'kin ngunit nandidilim na ang paningin ko.

"Yes boss." Rinig kong sabi nito at namalayan ko na lang nasa ere na ako. Buhat ng taong hindi ko naman kilala.

Naramdaman kong pinahiga ako nito sa malambot na upuan. Pero hindi ko alam kung saan. Basta ito ay malambot.




*****

"Faster. Fuck!" I cursed. Fucking idiot.

"Boss. Baka madisgrasya po tayo kung bibilisan ko." Sabi ng driver ko.

"Wala akong pake alam. Bilisan mo dahil andoon ang bastardo kong ama." Nakakagalit dahil pinasok ng demonyo ang kumpanya ko.

"Sige po." Binilisan nga nito ang pag mamaneho. Hindi ako natatakot kahit gaano pa ito kabilis, Ang nasa isip ko lang ay paalisin ang taong hindi naman kailangan.

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now