11

1.8K 21 0
                                    

Nagising ako dahil kumakalam na ang sikmura ko kaya napag desisyonan kona na bumaba.

"Buti naisipan mo na bumaba ija." Naka ngiti at may pag aalala ang tinig ni manang.

"Pasensya na po manang kung pinag alala pa kita." Sabi ko sakanya.

"Wala iyon. Halika kumain kana." Sinamahan ako nito bumaba papunta sa kusina.

May nakahain na kaya kakain na lang. Hindi na ako mag dalawang isip kaya naman kumain na ako. Iniwan na rin ako ni manang dahil may gagawin pa raw sya.

Habang kumakain ako pumasok si Sole. Nagulat ako sa prisensya nito kaya naman napahinto ako saglit. Pero noong ngumiti sya sa'kin ay nag patuloy ako sa pagkain.

"Kumain ka." Sabi ko sakanya. Umiling lang sya at pinanood ako.

"Aalis ako Ysbel." Sabi nito sa'kin.

Saan naman sya pupunta?

"Bakit?" Tanong ko.

"May kailangan ako asikasuhin. Uuwi ako ng Singapore." Naka ngiti ito. "Kasama si Tomas." Nakita ko ang pamumula ng muka nito.

Kumunot ang noo ko at tumango.

"Kailan alis nyo?" Tanong ko.

Gusto ko sumama pero alam Kong hindi pwede dahil may aasikasuhin sila.

"Ngayon." Nagulat ako sa sinabi nya. "Nakita kita dito para mag paalam. Aakyatin sana kita." Tila nahihiya pa.

Simula noong nandito ako sa mansyon na ito palagi na lang akong nagugulat. Hindi naman ako magugulatin.

"Ingat kayo Sole." Naka ngiti Kong sabi. Halatang pilit ito.

Niyakap nya ako at umalis na sila. Nakita ko pa na marami silang dala kaya alam kong matatagalan sila doon.

Tapos na ako kumain kaya naisip Kong pumunta sa Hardin. Gusto kong magpahangin.

Naka upo na ako sa upuan. Pinag masdan ko ang ganda ng Hardin. Kahit siguro paulit ulit ako pumunta dito ay Hindi ako mag sasawa.

Lumingon ako sa kaliwa at nakakita ako ng lalaki na nakatingin sa mansyon. Naka purong itim ito ng kasuotan.

Tumayo ako sa kinauupuan at nilapitan ang gate.

"Ano pong kailangan nyo?" Magalang na tanong ko. Kanina pa kase andyan ang lalaki kaya baka may kailangan sya.

"Dyan ba nakatira si Caleb Sartori?" Tanong nito sa'kin.

"Opo. Pero wala sya eh. Ano po ba sasabihin nyo? Ako na lang mag sasabi." Naka ngiti ako dito.

"Wala naman. Sino ka?" Tanong nito sa'kin.

Kumunot ang noo ko pero ngumiti rin agad. AyokO naman maging rude sakanya.

"Ysbel. Asawa ni Caleb Sartori." Gusto ko masamid sa sinabi ko. Alam ko naman na Hindi totoo na asawa nya ako. Alam ko naman na fake lang lahat pero sinabi ko pa rin iyon.

"Sige, Ysbel salamat." Aalis na sana ito pero pinigilan ko.

"Wait." Humarap ito sa'kin. "Ano pala pangalan mo?" Tanong ko.

Gusto kong malaman. Baka kase kilala ni Caleb, baka isa sa kaibigan nya.

"Martin." Naka ngiti itong inilahad sa'kin ang kamay. "Nice meeting you Mrs. Sartori." Sabay talikod.

Para akong nakaramdam ng kakaiba sakanya. Pero hindi ko naman sya pwede akusahan agad dahil hindi ko naman kilala ang buong sya. Baka ganon lang talaga sya.

Sinarado ko na ulit Ang gate. Pero bago pumasok nakita ko pang tinitigan ako nito. Nang makita nya ako na nakatingin at ngumiti ito sakanya kaya kumaway ako.

"Huy." Nagulat ako dahil sa boses ni manang.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Sinong kausap mo dyan ay kumaway ka pa?" Takang tanong nito sa'kin.

"Ah, kilala nyo po ba si Martin?" Tanong ko Kay manang.

"Martin? Hindi. Sino ba yan?" Tanong rin nito sa'kin.

Anong lagay manang? Mag tatanungan na lang Tayo ganon?

"Kilala nya si Caleb manang, baka isa sa kaibigan ni Caleb." Tumango na lang sya kaya nagpaalam na ako na aalis.

Pumasok na ako sa mansyon dahil naisipan ko na pumunta sa bar.

Hindi ko alam pero parang gusto ko mag enjoy ngayon. Tinignan ko ang oras at nakitang 6 na ng Gabi. Sakto.

Isinuot ko ang fitted height waist ko na dress at tsaka ako nag heels ng color red. Hindi sa'kin itong damit at heels. Nakita ko lang sa cabinet kaya sinuot ko. Hiramin ko muna, ibabalik ko naman.

Nag ayos na ako ng muka. Hindi ako marunong mag make up kaya naman nag polbo at lipstick lang ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas. Hindi ako gumawa ng ano mang ingay dahil baka mahuli ako.

Lumabas na ako ng pinto at agad na napatago dahil nakita kong dumating ang kotse ni Caleb.

Nakita Kong lumabas ito at may kasamang babae. Iba nanaman, hindi iyong babae na kasama nya noon sa office nya.

Pag labas nilang dalawa agad nag lapat ang mga labi nila. Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa nakikita.

Pinigilan Kong maluha. Tinignan ko pa ulit sila at nakita kong ganon pa rin ang ginagawa nila.

Agad akong tumakbo palabas ng gate. Alam Kong nakita nila ako pero wala na akong pakealam.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang Lugar na pupuntahan ko. Alam naman iyon ng driver dahil may kahahatid lang raw sya doon.

Tulala ako habang papunta sa Bar. Para bang gusto ko na lang saksakin ang sarili ko. Bakit ba nagustuhan ko sya? Sabi ko hindi ko sya magugustuhan. Kinain ko rin pala ang sinabi ko.

"Andito na po tayo ma'am." Sabi ng driver.

Inabutan ko ito ng pamasahe ko at tsaka nagpasalamat. Pumasok na ako sa loob ng bar.

Halos mahilo ako dahil sa paiba ibang ilaw at mga tao na nag sasayawan. Maingay rin at magulo dahil sa mga nag sasaya na tao.

Dumiretso ako sa counter at sinabi ang order. Maya maya lang ay umiinom na ako. Gusto ko magpakalasing. Gusto ko malimutan ang nakita ko kanina.

"One more." Sabi ko sa barista. Tumango naman ito ata agad na nilagyan ang baso ko. Nilagok ko ito agad. Masakit sa lalamunan pero hindi ko na lang pinansin dahil gusto ko malasing at makalimot.

"One shot of black martin." Rinig ko ang boses ng lalaki. Tinignan ko ito kaya nginitian nya ako.

Tumaas lang ang kilay ko at umiwas ng tingin.

"You're drunk Ms." Sabi nito.

"I'm not." Mataray na sabi ko. Alam Kong lasing na ako.

"Ang ganda mo." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Let's dance." Hinila ko sya sa gitna kaya naman natatawa syang sinabayan ako sa pag sayaw.

Sigaw ako nang sigaw habang sumasayaw. Nararamdaman ko na may humahawak na sa pwetan ko pero wala akong pakealam.

"Let's go somewhere?" Mapang akit na sabi ng lalaki. Tumawa lang ako kaya naman napakagat sya sa bibig.

Hihilahin na sana ako nito ng makita Kong natumba sya, narinig ko ang hiyawan ng mga tao kaya naman natatawa ako sa kanila. Enjoy na enjoy sila.

"What the hell is wrong with you?!" Parang naka rinig ako ng pamilya na boses. Pero malabo naman na sya iyon dahil bago ako umalis kitang kita ko nakikipag tukaan sya sa babae nya.

Bago ako matumba sa hilo naramdaman Kong may sumalo sa'kin.

"Get out."

























:)))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now