4

2.1K 22 0
                                    

Andito ako ngayon sa malaking bahay or should I say mansyon. Dito naka tira ang peke kong asawa.

Nakita ko si Tomas kaya naman lumapit ako sakanya.

"Tomas." Tawag ko. Lumingon sya sa'kin at nginitian ako.

"Ma'am Ysbel." Lumapit sya sa'kin. "Bakit mo?" Tanong nito.

"Ysbel na lang. Saan ang Cr dito?" Tanong ko. Kanina pa ako naiihi pero pinigilan ko. Ayokong magpa importante.

Isang linggo na ang nakakalipas mula noong ikasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala. Isang linggo na rin ako sa mansyon na ito at ni anino nya ay hindi ko nakikita. Umuuwi daw sya pero maaga rin umaalis sabi ni Tomas.

"Hahaha. Ma'am isang linggo kana dito sa bahay nyo hindi mo pa rin alam kung nasaan ang cr." Nailing nitong sabi.

"Sira, kahit na isang linggo na ako dito sa luwang ba naman nitong mansyon hindi ko makakabisado agad." Sabi ko. Naging close na kami ni Tomas simula noong gabing ikinasal ako.

"Oo nga naman. Dito ma'am, deretso ka dyan tapos akyat ka. Sa bandang kaliwa, doon ang banyo." Sabi nito.

"Ysbel na nga lang Tomas." Sabi ko at tinapik sya sa balikat. Umakyat na ako at minadaling mag banyo.

Hindi ko pa pala nakukuha ang mga gamit ko sa apartment ni Sole. Hindi ko pa rin nasasabi sakanya na kasal na ako.

Alam ko na. Magpapa maneho ako ngayon kay Tomas papunta sa Apartment namin ni Sole at kukunin ang gamit ko, isasama ko na rin sya dito sa mansyon dahil ako lang naman ang nandito kasama ang mga maids. Umaalis naman si Tomas dahil may trabaho raw sya.

Oo tama!

Bumaba ako agad at pumunta sa kusina. Alam kong andon si Tomas at nag kakape. At mukang tama nga ako dahil nakita ko sya na may hawak na kape.

"Tomas. Samahan mo ako." Sabi ko sakanya.

"Saan?" Takang tanong nito sa'kin.

"Sa dating tinutuluyan ko. Kukunin ko lang yung iba kong gamit." Sabi ko sakanya. Nag aalinlangan naman ito.

"Baka mayare ako kay boss Ysbel." Halatang tapat nga sya sa boss nya.

"Akong bahala sa Boss mo. Sagot kita." Sabi ko dito. Dahan dahan naman itong tumango. Nauna na akong lumabas at sumakay sa mamahaling sasakyan ng asawa ko.

Sumunod naman sa'kin si Tomas at pinag drive na ako. Tinuro ko sakanya ang daan papunta sa Apartment. Pero bago yon dumaan muna ako sa karindirya na pinag trabahuan ko.

"Hintayin mo ako dyan, titignan ko lang kung andito sya." Sabi ko. Tumango naman ito sa'kin. Lumabas ako ng kotse at pumasok sa karindirya.

Pag pasok ko, Puno ang loob. Mukang tiba tiba nanaman sila. Bukod kase sa masarap ang mga lutong ulam, maayos pa anh serving at kaya sa budget.

"Magandang araw po." Tawag pansin ko. Iba nanaman itong nag seserve.

"Kakain ka?" Tanong nito sa'kin. Umiling naman ako sakanya at sinabi ang pakay. "Si Sole? Hala wala na sya dito. Hindi nga namin alam kung bakit nawala sya bigla eh." Sabi nito. Napakunot naman ako ng noo.

"Hindi nyo ba alam kung saan nag punta?" Tanong ko. Nag-aalala na ako baka kung napano na sya. Sya pa naman ang tumanggap sa'kin at hindi ako pinag isipan ng masama.

"May pumasok dito lalaki naka mask. Hinila si Sole tapos ayon, Hindi na namin alam kung nasaan sya." Sabi nito. Napatulala na lang ako. "sige ha? Mauuna na ako, baka pagalitan ako. Marami pa akong hahatiran ng pagkain." Tumango ako kaya umalis na sya.

Sino naman ang nag balak manghila kay Sole?

Dali dali akong pumasok sa sasakyan at sinabi na sa Apartment kami. Baka andon lang sya.

"Dyan, ipasok mo sa iskinita." Sabi ko kay Tomas. Sinunod naman nya ang sinabi ko. "Dito na. Hintayin mo na lang ulit ako dyan." Tumango ito kaya bumaba na ako.

Binuksan ko ang gate at pumasok na. Number 15 ang room namin ni Sole kaya naman walang katok katok na akong pumasok. Bukas iyon.

Nilibot ko ang mata ko sa loob ng apartment at nakita ko na kung ano ang ayos na iniwan ko ito ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Mukang hindi nga sya umuwi.

Dumiretso ako sa taas ng double deck dahil andoon ang gamit ko. Kinuha ko ang mga yon at bumaba na. Lalabas na sana ako ng sakto naman na pumasok si Tomas.

"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"Bang tagal mo. Kinakabahan na ako baka may nangyare na, malalagot ako kay boss nito." Hindi ko naman sya sasabihin sa boss nya.

"Kargo kita kaya wag kang kabahan. Kung magagalit sya, edi magagalit rin ako." Kahit na takot ako sakanya.

"Tara na." Sya na ang nag buhat ng dala ko at lumabas. Sumunod naman ako sakanya pero bago yon tinignan ko muna ang loob at sinarado ang pinto.

Saan naman nag punta si Sole? Sana ayos lang sya.

Tinatahak na namin ang daan pauwi sa mansyon. Nang makarating na kami sa mansyon parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil may dalawang magarbong sasakyan ang naka park sa garage.

Tinignan ko ang dalawang sasakyan at hindi ito familiar sa'kin. Siguro may bisita kaya ganon.

"Andyan pala sila ma'am at sir." Sabi ni Tomas. Napatingin naman ako sakanya. "Ama at Ina ni Boss." Napatango na lang ako kahit na dinadaga na ako sa kaba.

Ano sasabihin ko kapag nakita nila ako? Mag papanggap ba akong katulong? Sasabihin ko ba na asawa ako ng anak nila? Pero paano ko sasabihin yon kung peke ang lahat at hindi ko kilala ang anak nila.

"Wag mong sasabihin na peke ang kasal nyo ni boss Ysbel." Mukang nabasa nito ang nasa utak ko.

"Bakit? Eh peke naman talaga. Hindi ko nga kilala ang boss mo eh." Sabi ko sakanya. Pinag papawisan na ako kahit na bukas naman ang aircon ng sasakyan.

"Basta wag mong sasabihin. Sabihin mo ikaw ang asawa ng anak nila." Pag tatapos nito sa usapan at bumaba na ng sasakyan. Binag buksan ako nito at inalalayan bumaba.

Bakit naman ayaw nya ipaalam ko sa mga magulang ng boss nya na peke lahat? Bahala na nga.

Basta ang alam ko hinding hindi ko magugustuhan ang boss nya. At hinding hindi ko mamahalin ang boss nya.













:))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now