Wakas

2.4K 25 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo halong imosyon. Hindi ako makatulog sa sobrang Sayang nararamdaman. Kaba at saya.

Ilang araw kami nag Plano para sa kasal namin, habang namimili ng mga the best food ay tuwang tuwa na ako lalo na kapag titikman na ang mga ito. Halos maiyak naman ako noong gown na ang pinipili ko, wala ako nagustuhan kaya naman sariling design ang ginawa ko.

At ngayon, ilang minuto na lang mag bubukas na ang pintuan ng simbahan. Pinili namin ang simbahan dahil sa harap ng Dyos, mangangako kami ng asawa ko.

Nang na announced na, na kompleto na lahat, bumaba na ako. Medyo mabigat ang gown na suot ko pero parang gumaan noong buksan na ang malaking pintuan. Sa dulo, nakita ko ang magiging tunay ko na, na asawa.

Merong nag kalat na petals, iba't iba ito. Meron rin parang garden sa lalakaran. Sobrang ganda ng place.

Dahan dahan ako nag lalakad papunta sa lalaki na mamahalin ko habang buhay, sobrang saya ng puso ko na sa wakas, ang peke Kong asawa at magiging tunay Kong asawa.

Nang nasa tabi na nya ako, kahit anong pigil ko sa luha ko na tumulo, hindi ko magawa. Ito na yata ang pangalawang Masaya sa buhay ko, dahil ang pang una ay Ang anak ko.

"Ang ganda mo kahit lumuluha ka." Tinig ng mapapangasawa ko. Natawa naman ako sa sinabi nya, this past few days nagiging bolero na sya.

"Wag kang luluha, papanget ka. Baka hindi ako mag "I do" Kay father." Biro ko. Pinunasan naman nito agad ang luha.

Natawa ako kaya naman natawa rin si Sol.

"Hoy Caleb, Ikaw na bahala sa best friend ko ha? Alagaan mo yan." Sabi nito bago ako tuluyan ibigay sa mga kamay ni Caleb.

Nag lakad kami papunta sa harapan, lumuhod. Marami ang sinabi ng pare. Binasbasan kami bilang mag asawa. At ngayon, sasabihin namin ang mga pangako namin sa isa't isa.

"Noong una, inaamin ko ayoko sayo. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mahuhulog sayo.." pag amin ko. "Pero kinain ko lahat ng sinabi ko, dahil noong nakita kitang topless napa tibok mo agad puso ko, paano ba naman. Monday!" Sigaw ko kaya natawa silang lahat. Natauhan naman ako na nasa harap pala ako ng Dyos! "Ay sorry Lord, 'di mapigilan po, yummy ng asawa ko Lord! Thank you." Sabi ko kaya mas natawa sila. Kahit ang priest ay natawa rin sa turan ko.

Marami pa ako sinabi at sya naman ngayon.

"My love, my queen, my world, my baby, my everything, my Ysbel. I know, I'm a bad husband before, I'm sorry for that. But now, sa harap ng maraming tao at ng Dyos, araw araw kitang mamahalin. Araw araw Ikaw lang gugustuhin ko. Kapag may babaeng naka crop top titignan ko." Sabi nito kaya naman sinamaan ko sya ng tingin dahilan para mag tawanan Ang mga tao. "Biro lang. Ikaw lang ang gusto ko, kahit maging losyang ka na, maganda ka pa rin sa mga mata ko. Sa anak natin, masusundan 'yan mamaya. Hinding hindi kita lolokohin mahal ko, pangako ko sayo na Ikaw lang hanggang sa hindi na ako makalakad, Ikaw lang hanggang sa huling hininga ko. Mahal na Mahal kita." Sabi nito. Hindi na namin hinintay na sabihin ng priest ang "kiss the bride" nag halikan na kami bigla ni Caleb!

"I will pronounce you, husband and wife!" Sabi ng pari kaya naman nag palakpakan Ang mga tao.

Nasa reception na kami, napili namin na sa garden Ang reception tapat ng dagat at sunset. It feels relaxing.

Maraming naging ganap sa kasal namin, and now we're here at Bacolod. Binisita namin ang bagong bukas na business namin. Napili namin sa Bacolod dahil sa ganda ng Lugar.

"Ready baby?" He ask me. Sabay namin ginupit ang ribbon sa harapan ng samgy na naisipan namin i-business.

Nag yakap kaming dalawa dahil sa tagal namin na pag sasama, naging successful ito. Hindi ko rin binitawan Ang vet shop ko dahil Mahal ko ito.

Nasa ibang bansa na si Cali dahil gusto nya raw mag unwind. She's already 18 years old. My baby is 18 years old!

"Da..da.." nagulat ako dahil sa unang pag kakataon narinig mo mag salita si Cleo!

Malakas ako napa hagulgol dahil doon. Narinig naman ng asawa ko kaya agad ako nitong dinaluhan.

"Why? What's wrong? Why are you crying? You hurt?" Sunod sunod na tanong nito. Tinuro ko si Cleo kaya naman nataranta ito.

"He said, dada. Huhu" iyak ko. Nagulat naman ang asawa ko kaya nilapitan ang anak ko at binuhat. Tuwang tuwa ito.

Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang pamilya namin. Thanks God because you give me a wonderful family.

Tinigilan na ng Ama ni Caleb ang pamilya ko. Lumayo na rin kami sa kanila, wala na kaming anumang koneksyon sa kanila dahil gusto namin na maayos ang pamilya namin.

"Can you please say dada again, baby?" He ask. Natawa naman ako dahil parang hindi na ito mapakali.

"A-a-ate!" Sigaw nito kaya naman nagulat kami.

"Hey, little Cleo." Mas nagulat kami dahil sa nag salita sa likod namin. Agad ko tinignan iyon at nakita ko ang dalaga ko!

"Anak!!" Masayang sigaw ko kaya naman natawa ito.

"Hey, my beautiful mommy. How are you?" She ask. Kahit na dalaga na sya sobrang sweet pa rin. Sa'kin nag Mana. Hahaha.

"I'm good, you? How's your trip?" Tumango tango naman sya. Sinasabi na maayos naman.

Lumapit ito sa kapatid at binuhat, umalis silang dalawa at pumunta sa Veranda. Agad naman lumapit sa'kin ang asawa ko at niyakap ako.

"Ang sweet naman ng asawa ko." Sabi ko at hinawakan ang buhok nya.

"Mahal na Mahal kita misis ko." Sabi nito. Kahit na may edad na ay hindi ko maiwasan kiligin lalo na kapag sinasabi nya ang misis ko. Parang hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na asawa ko na sya.

Sobrang saya ng puso at buhay ko. May kompletong pamilya at walang gulo.

"Mahal na Mahal rin kita mister ko." Bago ko sya halikan sa labi.

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now