13

1.8K 31 4
                                    

Umiiyak nanaman ako habang papunta sa nakita Kong Parke malapit sa kompanya ng asawa ko.

Nakita ko nanaman sya may kasamang ibang babae, naka blonde mahaba ang buhok. Maganda ang pangangatawan. Alam Kong talo ako kase in the first place wala lang naman ako sa buhay nya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Tomas. Naka ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag ka.

"Hello, Tomas?" Hindi muna ito sumagot agad. Narinig ko pa na parang pagod sya at hinihinhal.

Anong nangyare sakanya? Napagod ba sya sa kompanya na hinahawakan nya ngayon kasama si Sole?

"H-hello— oh shit.. Ysb—" bigla na lang namatay ang tawag. Ano yon? Ang weird ng narinig ko.

Hindi ko na lang sya ginulo at tumunganga nanaman habang umiiyak.

Anong gagawin ko kung malakas na ang tama ko sa asawa ko? Hindi ko na napigilan bugso ng nararamdaman ko. Alam ko pinigilan ko, pero hindi ko nakaya. Sadyang hulog na hulog na ako sakanya.

Sana hindi na lang ako napadpad kung saan nila ako nakita. Maayos naman ang buhay ko ngayon, pero yung puso ko hindi maayos.

Paano nya nagagawa ang ganoon kung may asawa sya? Alam ko peke ang lahat lahat, pero hawak ko ang last name nya. May karapatan ako, pumirma ako.

Nag ring ang cellphone ko kaya naman mabilis kong sinagot. Nag babakasali ako na si Tomas iyon. Tumawag sa'kin dahil napatay nya kanina.

"Hello?" Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

Baka naman hindi ako narinig. Lalo na basag Ang boses ko.

"Hello? Kung wala kang sasabihin ibababa ko na ang tawag." Sabi ko. Nag salita naman sya. Siguro natakot.

"Remember me?" Nangunot ang noo ko.

"Hinde." Sabi ko.

"Tingin ka sa harapan mo." Sinunod ko ang sinabi nya at nanlaki ang mata ko ng namukaan ko kung sino iyon.

Tumakbo ako papunta sakanya at yumakap. Hindi ko alam pero napahagulgol ako ng malakas.

"Are you okay?" He ask.

"No. He hurt me, he hurt me." Paulit ulit Kong sinasabi at binibigkas.

"Come here, libre kita ice cream." Sabi nito. Tumango naman ako sakanya at sumama. Dumiretso kami sa isang mini store.

"Kuha kana, kahit ano at Ilan. Ako mag babayad." Naka ngiti nitong sabi. Tumango naman ako at kinuha ang Pinaka mahal.

Syempre libre nya kaya susulitin kona. Masarap pa naman kapag libre. Walang gastos, busog ka pa.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Somewhere. 'yong nakakalimutan mo ang problema mo." Sabi nito sa'kin.

Wala naman ako problema na mabigat. Pero siguro consider na mabigat na problema yung masaktan sa pag-ibig.

Dinala ako nito sa dagat. Papalubog na rin kase ang araw. Sobrang ganda. Hindi nakakapagod panoorin kung paano lumubog ang araw.

"Paano mo nalaman ang Lugar na to?" Tanong ko sakanya habang dinidilaan ang ice cream. Kanina ko pa kinakain ito pero hindi pa rin nauubos. Inaalok ko naman sya na dumila rin pero tumatanggi sya.

"Dinala ako dito ng importante sa buhay ko.  She said, once I have a problem just look at the sunrise at least kahit hindi nawala, napagaan naman kahit papaano ang nararamdaman ko." Mahaba nitong sabi at naka tingin na rin sa araw na papalubog habang naka kita.

"Who?" Curious na tanong ko.

"Secret." Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman natawa sya. "My sister." Sabi nito sa'kin. Tumango tango naman sya.

"I adore your sister. She's brave and strong!" Tatango tango pa ako.

"Yes. She's a strong independent woman." Naka ngiti pa ito at kitang kita sa muka kung paano nya ipag malaki ang ate nya.

"Where is she?" I ask.

"She's somewhere.  But now? I know where she is." Sabi nito. Nakita ko pa na kumislap ang mata nya.

Tumango na lang ako at umupo sa gilid ng dalampasigan. Walang nag sasalita sa amin, ang maririnig lang ay ang hampas ng tubig dagat, mga sayawan ng Puno, at nag kakantahang ibon.

Nang maubos ko na ang ice cream ko bigla na lang ako sinabuyan ng tubig nitong lalaking kasama ko. Sinamaan ko sya ng tingin dahil tatawa tawa pa sya.

"How dare you!" Sigaw ko at binuhusan rin sya ng tubig. Natatawa ako dahil ang panget nya.

Tumakbo ang ng mabilis dahil babawi sya sa'kin. Kailangan Kong takasan sya dahil bubuhusan nya ulit ako.

"Hahaha habol weak." Sigaw ko habang tumatakbo. Tawa ako nang tawa dahil hanggang ngayon ay hindi ako nito mahabol.

"Andyan na ako." Sigaw naman nya at mas bumilis ang takbo nya. Kinabahan naman ako bigla dahil baka mahuli nya ako.

Sa sobrang bilis ng takbo ko bigla akong nadapa. Hindi naman gaanong masakit dahil pino ang buhangin.

"Ayos ka lang?" May nabasa akong pag aalala sa mata nya.

Tinitigan ko sya. Sana ganyan rin si Caleb sa'kin.

"Oo ayos lang." Sabi ko sakanya. Tinulungan nya akong tumayo. Tinignan nya ang tuhod ko at pinagpag. Inayos nya ang portura ko.

"Hindi kase nag iingat. Patingin nga ng likod mo, talikod." Sabi nito. Sinunod ko naman ang utos nya.

"Ano?" Tanong ko. Nag seryoso ito kaya kinabahan ako. "May problema ba?" Kinakabahan akong tanong.

"Meron." Seryoso nitong sabi. Lumalapit sya sa'kin ng dahan dahan kaya naman dahan dahan rin akong lumalayo.

"Anong gagawin mo?" Kinakabahan Kong tanong.

"Ito." Agad ako nitong hinawakan kaya napa sigaw ako. "Taya." Bigla itong tumawa ng malakas kaya napa padyak ako.

"Ang daya daya mo! Humanda ka sa'kin." Sigaw ko. Ako na ngayon Ang humahabol sakanya habang sya ay patawa tawa naman na tumatakbo.

Napahinto lang ako sa pag takbo ng mamataan ko ang lalaki na masamang naka tingin sa aming dalawa.

Kinabahan ako ng mas makita ko ang galit na galit na mata nito. Agad naman tumakbo pabalik Ang lalaki na kasama ko. Nilagay ako nito sa likod nya.

"Sino ka?" Tanong nito. Hindi sumagot ang asawa ko at naka tingin lang sa'kin. Hindi pinansin ang lalaki.

"Sumama ka sa'kin. Uuwi na tayo Ysbel." Sabi nito. Umiling ako sakanya kaya mas nagalit sya.

"Sino ka?" Pag uulit ng lalaki.

"Tara na Ysbel." Hinila ako nito pero inalis ko ang kamay nya. "Uuwi na tayo, alam mo kung paano ako magalit." Sabi pa nito.

"Pare, 'wag mong pilitin kung ayaw sumama sayo. Ako na mag hahatid sakanya pauwi." Sabi ng kasama ko.

Bigla na lang ako napasinghap dahil sinuntok ni Caleb Ang kasama ko.

"Wala kang karapatan sabihin sa'kin yan. Akina ang asawa ko." Sabi nito.

Parang gusto ko na agad sumama sakanya dahil narinig ko ang sinabi nya na asawa ko. Pero alam ko, alam ko na wala lang 'yon sakanya. Na ginamit nya lang para sumama ako sakanya.

Bigla na lang ako hinila ni Caleb hanggang sa makapasok ako sa sasakyan nya. Sigaw pa ako nang sigaw pero wala na talaga.

"Sleep. You need to rest, papagurin kita." Sabi nito at biglaan akong kinabahan.





















A/N: papagurin 🤸 ang 🤸 beshy 🤸 mo 🤸

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now