9

1.8K 22 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil pakiramdam ko may mabigat na nakadagan sa'kin. Unti unti kong idinilat ang mata ko para tignan iyon, at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko si Caleb na nakayakap sa'kin.

Omyghad! Bakit ngayon ko lang naramdaman ito? Hindi ko naramdam noong natutulog ako.

Tinitigan ko ng maiigi si Caleb sa mukha. Pogi sya. Maganda ang hulma ng mukha, hindi nakakasawang titigan. Parang isa sya sa biniyayaan ni Lord ng taglay na kapogian.

"A-ah..C-caleb" mahina at dahan dahan Kong inaalis ang braso nya na nakayakap sa bewang ko ganon rin ang naka dantay nyang hita sa paa ko.

Umungol sya at mas idinikit pa ako sa katawan nya. Napalunok naman ako dahil wala itong saplot pang itaas at naka boxer naman sa pang ibaba.

"Ang bigat mo Caleb." Mahina Kong sabi sakanya.

"Stay Hearth." Sabi nito sa inaantok na boses.

Hearth?

"Hindi ako si Hearth, Caleb." Hindi ako nito pinansin at mas masarap pa ang tulog nya ngayon.

Napabuntong hininga naman ako at dahan dahan ko na lang pinilit alisin ang braso at hita nya sa'kin. Kahit mabigat, kinaya ko.

Nag hilamos na ako at bumaba. Gusto ko ipag luto si Caleb. I mean ang lahat ng tao dito sa mansion.

Pagbaba ko nakita ko si Tomas at Sole. Pareho silang nag iwas ng tingin sa'kin ng makita nila ako. Nailing na lang ako ng bahagya.

"Ah..Ysbel." Tomas said. May halo pa itong pangamba at parang nahihiya. "About—" I cut him.

"No worries, I understand." Naka ngiti Kong sabi. Para naman syang nakahinga ng maluwag ganoon rin si Sole.

Gusto kong itanong sa kanila kung sino si Heart. Pero baka kapag tinanong ko sa kanila kung sino si Heart isipin nila na nanghihimasok ako ng buhay nang may buhay.

"Anong lulutuin mo?" Tanong sa'kin ni Sole.

Nag labas lang ako ng ham and eggs. Mag fried rice na lang rin siguro ako.

"Fried rice, ham and eggs." Iyon lang ang sagot ko. Simple lang ang iluluto ko.

"I see. ako na mag babalat sa bawang tapos mag hihiwa.", Tumango ako sa sinabi nya.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ako mag luto, sakto naman na bumaba na si Caleb. Nakasuot ito nh fitted black short at sando. Napalunok ako dahil bakat na bakat ang abs nya at ang sandata.

"Upo kana Caleb, kakain na." Anyaya ko sakanya pero hindi nya ako pinansin.

Dumiretso sya sa lamesa at umupo. Handa na sana nya sandukan ang sarili nya ng inunahan ko. Nag lagay ako ng fried rice sa Plato nya at ng dalawang ham and eggs.

"Gusto mo kape?" I ask him. He ignored me, again.

"Ako gusto ko.", Sagot ni Tomas. Ngumiti naman ako sakanya ng timid at tumango.

Nag timpla ako ng kape ni Tomas, at kahit hindi sumagot si Caleb ay tinimplahan ko pa rin sya ng kape.

"Tomas." Tawag ni Caleb kay Tomas.

"Yes boss?" Tanong nito na may subo subo pang ham sa bibig.

"Itapon mo yang kape." Maawtoridad nitong utos.

"Bakit? Sayang naman ito kung itatapon ko." Sabi ni Tomas at hinigop ang kape. "Masarap ka pala mag timpla ng kape Ysbel." Naka ngiti nitong papuri sa'kin.

"Sige, araw araw kitang titimplahan ng kape." Naka ngiti Kong sabi sakanya.

"Yes, please." Natawa na lang kaming pareho. Makulit talaga si Tomas.

Pareho pareho kaming nagulat ng mag damot si Caleb. Binaba nito ang mga kubyertos nya at tsaka padabog na umalis sa kusina.

Tinignan ko kung ginalaw nya ang sinandok ko sakanya pero hinde. Walang bawas kahit kaunti. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ano nangyare don?" Takang tanong ko.

"Hayaan mo na sya, tara Kain na ulit Tayo." Kumain nga kami, pero ang utak ko lumilipad kung bakit hindi manlang ginalaw ni Caleb ang pagkain nya at galit na umalis.










Tanghaling tapat na noong naisipan kong ipag luto ng lunch si Caleb. Nasa work nya sya ngayon kaya balak ko sya lutuan.

"Tomas, hatid mo ako mamaya sa office ni Caleb. Hahatiran ko sya ng lunch, hindi sya kumain kanina." Sabi ko. Tumango naman ito sa'kin at focus sa cellphone. Naglalaro.

Nag luto ako ng paburito nyang sinigang na baboy. Nag hiwa na rin ako ng prutas para may Kainin sya kapag tapos na nya kumain ng rice.

Nag hiwa ako ng gulat at sa pag mamadali ay nasugat ako. Tatlong beses ako nasugat dahil matalim ang kutsilyo.

Napangiti ako ng matapos na ako mag luto at matapos ihanda ang pagkain ni Caleb. Nag timpla rin ako ng juice para kay Tomas at kape para kay Caleb

"Tara na Tomas." Tawag ko sakanya, nauna na akong pumunta sa parking area kung nasaan ang kotse. Sumunod naman ito.

Habang nag mamaneho ay iniisip ko kung magugustuhan ba ni Caleb ang iniluto ko para sakanya. Sana naman magustuhan nya. Alam Kong paburito nya ito.

Tinitignan ko ang niluto ko sa paper bag. Paulit ulit ko lang ginagawa iyon hanggang sa makarating kami sa office nya.

"Goodmorning, saan ang office ni Mr. Sartori?" Tanong ko.

"34th floor ma'am" Sabi sa'kin. Nagpasalamat naman ako at pumunta na sa elevator.

Iniwan ko si Tomas sa labas dahil ayaw nya naman sumama.

"Ma'am Ysbel." Parang naging balisa ang Secretary ni Caleb.

"Hello, asan si Caleb?" Naka ngiti Kong tanong sakanya.

"Ma'am.." kinakabahan ito.

"Yes? May meeting ba sya? Pasabi andito si Ysbel." Sabi ko.

"Ah, k-kase.." tinapik ko na lang sya sa braso at iniwan. Mukang may problema kase sya.

Hindi na ako kumatok at basta na lang binuksan anh pintuan ng office nya na sana hindi ko na lang ginawa.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mag halikan si Caleb at ang babae. Naka upo pa ito sa lap ni Caleb hang naka hawak sa leeg ni Caleb. Habang si Caleb naman ay nakahawak sa bewang ng babae at Sayang saya na hinahalikan ito.

Nabitawan ko ang hawak ko at nag likha iyon ng ingay dahilan para mahinto sila sa ginagawa nila. Nagkatinginan kami ni Caleb sa mata at wala iyong imosyon.

Hindi ko na napigilan ang sarili Kong tumakbo at iwan sila.

Bakit parang may kumirot sa puso ko? Hindi bat asawa nya ako? Ay mali..pekeng asawa lang pala.

Hindi kaya nagugustuhan ko na sya?




















:))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now