10

1.8K 24 0
                                    

Nag kulong ako sa kwarto. Tatlong araw akong hindi lumalabas. Kinatok na ako ni Tomas at Sole pero hindi pa rin ako patinag.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kung simula pa lang alam ko na—na peke ang lahat. Walang ano mang katotohanan.

Ngayon, alam ko na kung bakit ako nasasaktan. Ayoko lang tanggapin.

"Get the key!" Kinabahan ako sa narinig. Kilalang kilala ko ang boses na iyon.

Tumayo ako sa kama at pumasok sa cr. Alam kong mabubuksan nila ang kwarto dahil may duplicate na susi kahit na kinuha ko ang susi.

"If you don't want to open this fvcking door I will open this on my own." Kumalabog ng malakas ang pinto kaya mas natakot ako.

Isiniksik ko lalo ang sarili ko sa banyo. Gusto ko na lang umalis sa Lugar na ito. Gusto ko sila iwan, hindi ko sila kilala.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto. Nakapasok na sya.

"Nasaan ka Ysbel!" Kahit pagalit ang sigaw nya sa pangalan ko, hindi ako makaramdam ng takot. Parang ang sarap pakinggan ng boses nya lalo na kapag pangalan ko ang binabanggit.

"Please Ysbel. Common, lumabas kana." Narinig ko ang boses ni Tomas. Para itong naaawa sa'kin.

"Pwede ba? 'wag nyo sya pilitin. Umalis na kayo at ako ang kakausap skanaya." Rinig ko ang boses ni Sole.

Tinignan ko kung may bintana sa banyo pero ang malas ko dahil may bintana nga pero mataas. Hindi ako makaka alis.

"No." Matigas na sabi ni Caleb.

"What the F Caleb? After what you did to her, Ikaw pa may gana mag sabi nyan? You're stupid." Galit na sabi ni Sole.

Hindi ko alam kung ano na nangyayare sa kanila. Ang alam ko lang ay tatakas ako. Hindi na ako mamamalagi rito.

Kung gusto nya ng anak, sa ibang babae sya. Doon sya sa babae nya. Sa higad na nakakandong sakanya. Bagay sila, parehong mabaho.

"Caleb. Let's go." Alam kong boses iyon ni Tomas.

Narinig ko ang mga yabang papalayo kaya naman medyo kumalma na ako. Alam ko umalis na sila.

Tatayo na sana ako ng marinig ko ang katok mula sa pintuan ng banyo. Agad na dinaga ang puso ko sa pag aakalang si Caleb iyon. Pero nag kamali ako dahil narinig ko ang boses.

"Ysbel? Si Sole ito. Please labas kana, hindi ka pa kumakain oh. Labas kana mag uusap Tayo." Naluha na lang ako sa lambing ng boses nya.

Dahan dahan ako tumayo at binuksan ang pinto. Nanginginig pa ako dahil sa kaba at takot. Agad ako nitong niyakap ng mabuksan ko Ng tuluyan ang pinto.

"I missed you. Bakit ka ba nag kukulong?" Sabi nito.

Mas lalo pa akong naluha.

"Hindi ko na kaya Sole." Pinunasan nito ang luha ko at tinitigan ako.

"Alam ko ang nangyare sayo Sole. Simula pa lang, kahit hindi mo pa ikinuwento sa'kin, alam ko na." Sabi nito. Agad naman ako napatingin sakanya. May nabasa akong awa.

"B-bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Gusto ko magalit sakanya. Gusto ko sya sumbatan, pero para saan pa andito na.

"Dahil kapag sinabi ko sayo, papatayin ako." Napayuko ito.

"Ano bang klaseng pamilya sila Sole? Sabihin ko sa'kin." Niyugyog ko sya kasabay ng pag tulo ng luha ko. Nag uunahan ang mga ito.

"Kilala mo ba ang Ina mo Sole?" Tumango ako. Kilala ko sila. Sinabi sa'kin ni Tiya.

"Nasaan sila?" Tanong pa nito.

"Wala na, namatay na sila Sole. Nagkasakit ng malala kaya nawala." Sabi ko. "kwento sa'kin ni Tiya." Yumuko ako.

"Hindi sila namatay sa sakit Sole." Naka ngiti ito sa'kin.

Anong ibig nya sabihin?

"Hindi kita maintindihan Sole." Sabi ko. Gulong gulo na ako.

"Si Caleb, may alam ka ba sakanya?" Sabi nito. Umiling ako. Totoong wala akong alam sakanya bukod sa pangalan.

"Caleb is a drug lord, Ysbel." Napasinghap ako sa sinabi nya. "He fvcks women." Naka ngiti ito sa'kin ng malungkot.

Kung marami na sya naikama bakit hindi na lang isa sa naikama nya ang pinakasalan nya? Bakit ako pa?

Kaya ba nagulat sya noong nalaman nya na Virgin pa ako?

"Caleb is one of sa most powerful drug lord around the world, Ysbel." Sabi pa nito. "And his trust buddy is Tomas." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako. Akala ko ba magkapatid ang dalawa?" Tanong ko.

"Ysbel, I don't know how to explain—" nahinto sa pag sasalita si Sole ng pumasok si Caleb.

"Enough Sole. Umalis kana at mag uusap kami." May diin ang bawat salita nito.

"Don't hurt her Caleb." Tinignan ni Sole si Caleb ng masama pero parang wala lang sa lalaki ito.

"Ysbel, pagka tapos nyo mag usap mag pahinga ka." Dahan dahan naman akong tumango.

Niyakap ako ni Sole bago sya lumabas ng kwarto.

Nilock nito ang pinto. Kinabahan nanaman ako dahil wala na akong kasama dito. Maliban sa akin at kay Caleb, ay wala na.

"What's wrong with you women?" Hindi galit. Ngunit may diin na pagkakasabi nito.

Hindi ko sya sinagot, wala akong balak sagutin sya.

"I'm asking you." May diin pa rin. "What's wrong with you?" Hindi ko pa rin sya kinikibo.

Sino ba sya para kibuin ko? Wala sya sa buhay ko.

Parang gusto ko masamid sa sinabi ko. Alam ko naman sa sarili ko na meron na sya sa buhay ko.

"Wag mo ako galitin Women." Naririnig ko na ang hininga nya. Mabilis ito, lalong bumibilis.

Ano bang ikinagaganyan nya? Hindi ba wala naman syang pakealam sa'kin, bakit pa sya gumaganyan sa harap ko.

"I said. What's wrong with you?!" Nagulat ako dahil bigla na lang itong sumigaw.

Napatalon pa ako sa pagkaka upo. Inangat ko ang paningin ko sakanya at nakita kong masama na ang timpla ng muka nito. Nakakunot ang noo at ng gagalaiti sa galit.

"Umalis kana, Caleb." Dahan dahan kong sabi.

"Manang told me na hindi ka kumakain." Sabi nito. Medyo mahinahon na.

"Ano naman sayo kung hindi ako kumakain? Umalis kana dito." Pero hindi nya ako pinansin.

"Nag kakaganyan ka ba dahil sa nakita mo?" Tila natatawa ito. "dapat nga wala kang pakealam sa nakita mo dahil hindi naman kita gusto." Pinamuka nya sa'kin ang mga salitang iyon.

Hindi ako nag salita.

"I can fvck girls if I want." Sabi pa nito. "At wala kang pakealam doon, sino ka ba sa akala mo?" Takang tanong nito sa'kin.

Hindi ako sumagot.

"I don't care if you hurt, bakit? Dahil wala naman akong pakealam sayo." Sabi pa nito. "Don't die. Bibigyan mo pa ako ng anak." Sabi nito sa'kin.

Alam ko naman na hindi nya ako mahal, alam ko naman na wala lang ako sakanya. Alam ko lahat yan, ako lang ang bob— dahil nahulog na ako sakanya.

Narinig Kong bumukas ang pinto kaya alam kong umalis na sya. Narinig ko ang pag andar ng sasakyan at pag alis. Tuluyan na akong naluha.

Sa pagod ko ay tuluyan na akong nakatulog.



























A/N: Huhu, hindi ako satisfy sa UD ko now. Parang kinda boring sya. Snsoqhslsbw8agalab yung imagination ko nawawala, hindi kase ako nilambing. HAHAHAHAHA ems.

:))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now