5

2K 21 0
                                    

Nasa likod lang ako ni Tomas pag pasok ng mansyon. Natatakot ako humarap sa mag-asawa na Sartori. Halatang kagalang galang. Tapos ako parang napulot lang ng anak nila sa kalsada.

"Wag ka sa likod ko, dito ka sa tabi ko." Sabi ni sa'kin. Umiling naman ako kaya napatawa sya. "Hindi ka naman kakainin ng mag-asawa." Sabi nito.

"Ayoko." Sabi ko at humawak sa polo nya dahilan kung bakit bigla itong nagitla at namula. Parang kinakapos pa ng hininga kaya binitawan ko ang polo nya.

"Goodmorning madame, sir." Magalang na sabi ni Tomas pagkatapos ay nag vow.

Anong gagawin ko? Mag vow rin ba ako tulad ng ginawa nya? Hindi ko alam. Pero sa huli yumukod na lang rin ako para mag bigay galang sa mag-asawa.

Pag taas ko ng ulo saktong nag tama ang mata namin ni Mrs. Sartori. Bigla nanaman akong dinaga sa kaba. Kung kanina medyo kinakabahan lang ako, ngayon naman malalang kaba na ang namayani sa'kin.

"Who's that young lady beside you Tomas?" Naka ngiting tanong ng ginang sa'kin.

Tumukhim si Tomas at tsaka ako tinignan pagkatapos binalik ang tingin sa Ginang at nag salita. "She's Ysbel madame." Naka ngiti ito.

"Ysbel. Sweet name." Sabi nito at tumango. Tinignan ako ng Ginang tsaka nag salita. "Hi Ysbel." Anong sasabihin ko?

Should I say hi too?

"A-ah, goodmorning po madame." Kahit na kinakabahan ngumiti ako ng kaunti. Tinignan ko si Tomas na nag pipigil ng tawa.

"So, Ysbel. You're?" Anong ako?

"She's your sons wife madame." Proud na sabi ni Tomas. Naka ngiti pa ito ng malapad. Parang hindi nya alam kung paano ako naging asawa ng boss nya.

Agad na tumukhim ang lalaki sa gilid ng Ginang. Sa tingin ko ito ang ama ng asawa ko kuno.

"Kailan pa kayo kasal?" Tanong ng Ginoo.

Ako ba ang tinatanong nya? Malamang. Ako lang naman ang babae sa harapan nila bukod sa asawa nya.

"L-last week pa po sir." Magalang ang pananalita ko. Nakaramdam ako ng awkward ng bumaba ang tingin nya sa tiyan ko.

"You're pregnant?" Deretso ang pagka sabi nya kaya nagulat ako. Paano ako mabubuntis? Virgin pa ako.

"No sir. I'm still a v-v-virgin." Halos sumabog ako sa hiya. Hindi ko akalain na sasabihin ko iyon sa harap ng kagalang galang na tao.

Hindi napigilan ni Tomas na tumawa kaya naman binigyan sya ng masamang tingin ni Mrs. Sartori. Natahimik ito. Tumikhin muna dahil nag pipigil pa rin sya ng tawa.

"Bullshit!" Sigaw ng Ginoo kaya nagulat ako. Bigla na lang itong nag wala sa Sala kaya naman napaatras ako ng wala sa oras.

"Cael, calm down. Omyghad!" Sigaw ng Ginang. Tinignan ko si Tomas pero nanonood lang ito at walang pakealam sa mag asawa.

"How can I calm down Claire if your son is bullshit!" Sigaw nito sa asawa. Napahawak naman ako sa bibig ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayare.

"Tomas. Call Caleb, now!" Sabi ng Ginang na pilit pinapakalma ang asawa.

Sino naman si Caleb?

Ang daming katanungan sa utak ko. Hindi ko alam kung sino ang mga taong nasa paligid ko. Para bang pinag lalaruan ako. Bigla bigla na lang ako masasangkot sa ganitong gulo.

Mas ayos pa yung buhay ko noon. Mas gustuhin ko pa alilahin ni Tiya kesa sa ganito na magulo at walang maintindihan.

"Nasa daan na madame." Sabi ni Tomas at lumapit sa'kin. "Uuwi na si boss." Bulong nito sa'kin.

Kinabahan naman ako sa sinabi nya. Ano na mangyayare nito? Baka mas lumala pa ang gulo.

Sinasabi ng isip ko na wag na pumunta ang boss nya dito dahil baka magka gulo sila ng Ama nya. Mukhang hindi maganda ang samahan nila.

Masaya naman ang puso ko dahil finally makikita ko na sya.

Ha? Anong Masaya? Hindi.

"What's wrong with you? Wag mong sirain ang gamit ko." Natulos ako sa kinatatayuan dahil ngayon ko lang nanaman ulit narinig ang boses nya na malamig.

Dahan dahan itong nag lakad at ramdam ko iyon. Hindi ako lumingon sakanya. Deretso itong nag lakad at nilagpasan ako. Dumiretso ito sa Ina at hinila.

"Stop acting like you own this house. Leave." Tumingin ito sa ama.

"Bastos ka!" Sigaw ng ama nito.

"Ayoko ng gulo. Umalis ka sa mansyon ko at wag na wag ng magpapakita pa." Sabi nito. Tinignan nya ang ina nya at sinuri kung may sugat ba.

"Kinasal ka ng hindi namin alam? Asan ang utak mo Caleb? Nasa talampakan?." Galit na ang ama nya. Nakikita na ang ugat sa leeg.

"Kailangan pa ba ng permiso mo sa kasal ko?" Tanong nito. Bastos mag salita.

"Buntusin mo na ang babae na yan." Tinuro ako ng Ginoo. Napatulala na lang ako sa narinig.

Talagang anak lang ang gusto nila sa'kin.

"I know what I'm doing. I don't need you." Sabi nito sa ama. "Tomas, ilabas mo na sya." Inakay ni Tomas Ang Ginoo palabas. Wala na itong nagawa kaya sumama na lang.

Napayuko ako at nanginginig. Pinag papawisan na ako, Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"You." Nagulat ako sa boses nito. Dahan dahan akong tumingin sakanya. "go to guests room. Nimfa. Samahan mo sya." Utos nya sa katulong.

Inakay naman ako ng katulong paakyat. Wala na rin ako nagawa kaya sumama na ako.

Anong gagawin nya sa'kin?

Pag pasok ko sa guest room umupo ako sa kama. Iniwan na ako ni nimfa dahil may gagawin pa raw sya. Nag isip isip lang ako ng kaunti kahit magulo at walang pumapasok sa utak ko.

Kalaunan, napag desisyonan ko mag shower. Pagkatapos ko mag shower nag suot lang ako ng terno na pang tulog. Lumabas na ako at nakita ko si Caleb na nasa upo sa kama at hinihintay ako.

"I'm not here because of you. I'm here because of my mother. I just want to clarify to you." Sabi nito. Tumango naman ako. "How old are you?" Tanong nya.

Hindi ba nya nakita sa certificate ng kasal namin ang edad ko? Hindi ko pineke ang edad ko.

"Hindi na ako nag aba tigna dahil sayang ang oras ko kung titignan ko pa. Hindi ka naman importante sa'kin." Sabi nya.

"21." Tumango sya pagkatapos ay hinila ako at hinahis sa kama.

"Naaalala mo ba ang sinabi ko sayo nakaraan lang?" Sabi nito at kinubabawan ako. "After I gave birth of my son, I will..." Inalis nito ang suot kong panjama. "Kill you." Pagkatapos ay hinalikan ako nito ng madiin.


















:))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now