22

2K 21 1
                                    

Nakalabas na ng Hospital si Tomas pero hindi ko naabutan dahil pag pasok ko sa hospital room nya ay wala na sila, umalis na raw sabi ng nurse na inaayos ang naging kama ni Tomas.

Hindi man lang ako hinintay ah. Katibay talaga ng mga 'yon.

Dumaan na lang ako sa mini Mart para bumili ng needs. Hindi naman marami, yung sakto lang. Bumili na rin ako ng babaunin ni Cali kapag pumapasok. Need nya mag baon, mahal paninda sa canteen nila.

Matapos ang pag uusap namin ni Caleb, unti unti ko na naintindihan. Hindi ko totoong kapatid si Martin, ginamit lang sya ng ama ni Caleb. Pinaikot lang nila ako para kamuhian si Caleb.

Ang tita Sonya ko ay hindi ko pala totoong tita, nag panggap lang sya. Kaya pala ganoon na lang kung magalit sya sa'kin, dahil wala lang pala ako sa buhay nya. Ginamit lang rin ako.

Isa pa ang tinuring kong parang tunay na kapatid, si Sunny. Isa lang pala syang laruan ng ama ni Caleb. Lahat sila, pinag laruan ako at pinaikot.

Napailing na lang ako sa nangyare at nalaman. Para bang katapusan na.

Si Heart. Ang babaeng inakala Kong babae ni Caleb, kapatid pala nya. Lintek na yan! Hindi muna kase ako nag tanong bago umalis. Pero hindi naman nila ako masisisi dahil wala akong alam.

Nakarating na ako sa mansion. Nakita ko ang anak ko kasama si Manang. Nakakapag taka lang dahil walang gaanong tao sa mansion. Para bang nawala sila bigla.

"Mommy!!" Malakas na sigaw ni Cali. Niyakap ko naman ito ng mahigpit. Sobrang ganda ng anak ko, parang pinag halo yung mukha namin ni Caleb. Pero mas lamang Ang nakuha kay Caleb.

"Hey baby, what you doing?" Tanong ko sakanya. Sobrang saya kase nya, iba yung ngiti sa labi nya. Para bang may gusto sya tapos nakuha agad.

"Nakita ko na po si daddy,mommy! Diba matagal na natin sya hinahanap? Now, kilala ko na sya mommy!!" Tumalon talon pa Ang anak ko.

Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko naman pinag kait si Cali kay Caleb. Palagi ko pinapakita ang larawan ni Caleb sa anak ko, pero kahit kailan hindi nya nakilala sa personal. Siguro lumapit na sakanya si Caleb at kusa nag pa kilala sa anak.

"Really? Nasaan?" Kunwareng tanong ko.

"Nandoon po sa bed nya, nilalagnat po." Malungkot na sabi ng anak ko. Kinabahan naman ako bigla. Hindi basta basta nilalagnat yung mokong na 'yon.

"Tara, puntahan natin si Daddy." Sabi ko sa anak ko. Hinawakan ko ito sa kamay pag ka tapos ay inalalagayan pumasok sa mansion.

Hinanap ng mata ko ang mag asawang Sol at Tomas pero wala, hinanap ko ang ibang tauhan sa mansion pero wala rin. Umakyat na ako sa taas habang bitbit ang anak ko.

Pag bukas ko ng pintuan ay nakapatay ang ilaw, binaba ko ang anak ko at hinanap Ang switch ng ilaw. Napaka dilim sa kwarto ni Caleb. Sobrang kulob. May bintana nga sarado naman.

Pag bukas ko ng ilaw ay syang pag putok ng red petals. Nag kalat ang mga tulips at may pa heart shape pa. Lahat sila nandito sa loob, hinanap ng mata ko si Caleb. Sobrang ayos nya, malakas at matibay.

"Akala ko ba.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang nagka gulo sa loob ng kwarto.

Namatay nanaman ang ilaw, nakarinig ako ng kaguluhan kaya kinabahan ako, nandito na ba ang ama ni Caleb? Yung anak ko!

"Cali..anak, nasaan ka?!" Natataranta na ako, gusto ko na maiyak sa nangyayare.

"Mommy!!" Narinig Kong umiiyak ang anak ko. "Help mommy!" Sigaw nito. Agad kong hinanap ang switch ng ilaw at sinindi. Nakarinig ako ng putok ng baril.

Pag sindi ko sa ilaw, gusto ko silang lahat pag babarilin dahil ayos na ayos naman sila, walang nagulo. Hinanap ng mata ko si Cali at may hawak itong cupcakes.

"Ano ba nangyayare?" Natataranta Kong tanong. "Hoy buntis!" Sigaw ko kay Sol pero kumindat lang ito.

Ang dami nilang ganap. Nasasayang lang Ang oras sa kanila.

Biglang tumunog ang violin kasabay ng mabagal na awitin. Dahan dahan tinaas ng mga maid ang hawak nilang papel, may nakita akong Will na hawak nila. Pag lingin ko naman sa kanila ay may naka taas na You kasabay ng Marry Me parang hindi ako maka paniwala sa nangyayare.

Hawak ng anak ko ang cupcake na Ang words ay Again? Humarap ako sa likod ko. Naka luhod doon si Caleb na para bang prinsipe.

"From the moment we met, my life has been brighter and more beautiful. You've filled my days with laughter, warmth, and love, and I can't imagine my future without you by my side. So, today, I want to ask you a question that holds the key to my heart: Will you marry me, again?

I promise to cherish every moment we share, to support you in your dreams, and to love you unconditionally, through every high and every low. With you, I've found my best friend, my confidant, and my soulmate.

As we continue this journey together, I can't wait to see what the future holds for us. Please say yes and make me the happiest person in the world.

Sorry sa mga nagawa ko sayo before, I love you so much, my love. You're everything and important to me. Please, Ysbel, marry me again." Mahabang litanya ng asawa ko.

Gusto kong umiyak sa saya dahil sa nangyayare. Sobrang Dami namin pinag daanan pero mauuwi sa ganitong sitwasyon. Mabubuo na ang pamilya ko, kompleto at walang kulang.

"Yes, yes Caleb. I will marry you again!" Malakas na sigaw ko. Agad rin nag sigawan ang mga tao sa loob ng kwarto. Nag palakpakan at nag tawanan.

Inaasar nila si Caleb dahil Hindi sila maka paniwala na na witness nila ang ganoong side ni Caleb. Tinignan ko ang anak Kong Masaya habang kinakain na ang cupcake. May dumi pa sa mukha.

"Come here baby." Tawag ko rito kaya naman lumapit ito sa'min. Sabay namin syang niyakap ni Caleb at hinalikan sa pisnge.

"Iloveyou mommy" kiniss ang nito sa pisnge at humarap naman kay Caleb. "Iloveyou daddy." Niyakap kami nito ng mahigpit. At kasabay ng yakap nya ang pag patak ng luha ko sa mata.






















A/N: last chapter. 😛

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now