7

1.9K 21 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula ng mawala sa'kin ang pagkababae ko at tatlong araw na rin na wala ang kumuha nito sa'kin.

Naalala ko na hirap na hirap ako tumayo dahil sobrang sakit ng bandang ibaba ko. Bukod sa masakit kapag mag lalakad, mahapdi rin kapag iihi.

"Goodmorning Manang." Naka ngiti kong sabi sa Mayordoma ng mansyon.

Unti unti nasasanay na ako, nasasanay na ako sa mga katulog at nagiging kaclose ko na rin sila.

"Goodmorning ija. Kumain ka na ba?" Umiling ako. "Halika, nag luto ako pancake." Inakay ako nito patungo sa dining area at tsaka pinag handaan ng isang basong gatas at pancake with chocolate syrup.

"Thank you po manang. Sabay ka na po sa'kin, wala akong kasabay." Naka ngiti Kong sabi sakanya. Tumango naman sya at umupo sa harapan ko.

Masaya kaming nag aagahan ni manang ng may pumasok at parang nag aaway. Nagkatinginan kami ni manang at sabay na pumunta sa Sala.

"Ano bang kailangan mo sa'kin? Hindi ba't naibigay ko na ang gusto mo?" Galit ang boses ng babae.

"Hindi ako naniniwala na nalaglag ang anak natin." Malamig naman ang boses ng lalaki.

"What!? Andon ka noong dinugo ako." Pag labas namin ni manang nakita namin si Tomas at sino yung naka talikod sa'min?

"Alam kong nailigtas ang bata. Nawala ka sa hospital kaya alam ko, alam ko na buhay ang anak ko." May anak si Tomas? Akala ko binata pa sya?

"Bullshit naman Tomas! How many times do I need to tell you na wala na ang anak ko. Pareho tayong nawalan kaya wag kang umasta na parang kasalanan ko." Galit ito. "Kung titignan natin, Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko." Sabi nito.

Lumakad ako papunta sa kanila dahil hindi na magandan ang lagay nilang dalawa. Mas mabuti na pumagitna ako at suwayin sila.

"Tomas." Tawag pansin ko. Lumingon naman sya sa'kin.

"Ysbel." Tinanguan ko sya at lumingon sa babaeng kanina pa naka talikod sa'kin.

"If too have a problem you need to talk. Hindi nyo kailangan mag sigawan, hindi kayo magkakaintindihan kung sigawan kayo nang sigawan." Mahinahin Kong sabi.

Humarap ang babae at ganon na lang ang gulat naming dalawa ng namukaan ang isa't isa.

"Sole?!" Gulat kong tanong.

"Ysbel.." parang hindi nya alam ang sasabihin nya.

Unexpected na mag kikita kami ngayon dahil mula noong ikasal ako, wala na akong Balita sakanya. Pinilit ko syang hanapin pero wala. Wala akong nakikitang Sole.

"How are you? Hindi na kita nakita. Saan ka nag punta?" Tanong ko.

"I'm good, thank you." Naka kita ito pero maliit lang. Halatang pilit.

"Kaano ano mo si Tomas, Sole?" Takang tanong ko.

"He's nothing but a shit." Nakatitig kay Tomas. Nilingon ko si Tomas at nakita ko sa mata nya na parang nasaktan sya.

"I see. Tara akyat sa kwarto ko kwentuhan mo ako." Naka ngiti kong sabi. Hindi na sya naka tango o salita dahil hinila ko na lang sya agad.

Umakyat kami sa pagka haba habang hagdan. Binuksan ko ang kwarto ko kaya naman pumasok sya.

Umupo ako sa kama at umupo naman sya sa swivel chair ko.

Hinihintay ko sya mag salita pero hindi sya nag sasalita. Kaya naman namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hinayaan ko muna dahil baka nag iisip pa sya. Pero makalipas ang isang minuto ako na ang nag salita.

"Sole?" Tawag ko. Tumingin naman sya sa'kin. "Ano ang nangyare sayo?" Tanong ko .

"Kapag ba sinabi ko sayo, tayong dalawa lang ang makakaalam?" Tanong rin nito. Tumango naman ako.

"Yes. Magkaibigan na tayo Sole. Simula noong patirahin mo ako sa apartment mo, kaibigan na ang tingin ko sayo. Hindi nga lang kaibigan eh, parang kapatid na rin." Naka ngiti Kong sabi sakanya. Ngumiti naman sya. Ito ang kauna unahang nakita ko syang ngumiti.

"Nag titinda ako sa karendirya ng pumunta doon si Tomas. May pinag usapan kami pero hindi nya nagustuhan kaya naman pinasok nya ako sa sasakyan nya." Tomas? Yung driver ng asawa ko? "Dinala nya ako sa rest house nya. Sa gitna ng dagat." Sabi nito kaya nagulat ako.

"May resthouse sya? Hala." Sabi ko.

"Bakit gulat ka naman dyan?" Tanong nito.

"Akala ko mahirap si Tomas kase namamasukan sya dito bilang personal driver." Sabi ko. Yoon talaga ang una Kong naisip, na baka kaya namamasukan si Tomas dahil mahirap lang rin sya katulad ko.

"Tomas is rich Ysbel. Isa syang Sartori." Sabi ni Sole kaya nagulat ako. Kung Sartori sya ibig sabihin Ina nya rin yung magandang babae?

"Sartori sya? Paano?" Takang tanong ko.

"Kapatid sya ni Caleb Sartori. Anak si sa labas." Sabi nito. Anak si Tomas sa labas? "Father." Sabi pa nito ng makita ang pag tataka sa muka ko. Tumango naman ako bilang sagot.

"Kaano ano mo si Tomas?" Tanong ko.

"Asawa." May asawa si Sole?! "Pinakasal ako sakanya ng Ama ko. Pang bayad sa mga Sartori." Sabi nito at tumingin sa baba. Tumayo naman ako sa pagkaka upo at dinamayan sya.

"Sorry for that." Ngumiti lang sya ng malungkot.

"Ikaw? Paano ka napadpad sa Mansyon no Caleb Sartori?" Paano nga ba?

Hmm..pagkakatanda ko nag hahanap ako ng trabaho tapos nabunggo ako. Pag gising ko nag hintay lang tapos kinasal na.

Kinuwento ko sakanya ang nangyare. Simula noong umalis ako sa apartment hanggang sa napadpad ako dito.

"Wala talagang puso ang Ama ng mga Sartori. Kahit Ikaw dinamay." Napailing pa ito. Mukang marami syang nalalaman sa mga Sartori. "Kamusta kayo ni Caleb?" Tanong nya.

Naalala ko nanaman ang nangyare sa pagitan namin. Namula ako muka ko at ramdam ko iyon.

"Hindi sya umuuwi. Isang beses ko lang sya nakita." Sabi ko. Actually dalawang beses na pero yung unang kita hindi counted dahil hindi ko naman nakita ng buo ang mukha nya.

"Kilala si Caleb bilang maraming babae." Sabi nito at napa bunting hininga. "when he's bored he pick girl to fvck." Parang nakaramdam ako ng inis sa sinabi nya.

Kaya ba nya ako kinuha dahil na bored sya?

"Wag na wag kang mahuhulog sakanya Ysbel. Dahil kapag nahulog ka sakanya, kawawa ka." Sabi nito.

"Hinding hindi ko sya magugustuhan Sole." Niyakap ko sya.

Nag kwentuhan pa kami at nalaman ko na galing pala si Sole sa isa sa mayaman na pamilya, Ang kaso lang lumubog ang kompanya nila kaya napangasawa nya si Tomas.




















Author: yung mga typo aayusin ko. HAHAHAHAHA mwa mwa kayo sa'kin ^^

:))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now