8

1.9K 23 2
                                    

"uuwi si boss Ysbel, dito na sya mamamalagi." Sabi ni Tomas. Tumango naman ako bilang sagot.

Kung uuwi na sya ibig sabihin araw-araw ko na sya makikita? Ibig sabihin kung araw-araw ko na sya makikita awkward sa'kin.

"Kamusta na kayo ni Sole?" Tanong ko sakanya.

"Ayos naman kami, nag uusap pero hindi ganoon kaayos." Mahihimigan sa tono nya ang hinayang at sakit.

Kung ano ba naman kase ang pinag gagawa ni Tomas.

"Kapatid mo pala si Caleb?" Tanong ko. Nagulat ito dahil sa sinabi ko. "Sinabi lang sa'kin ni Sole noong araw na nag usap kami." Sabi ko kaya dahan dahan syang tumango.

"Yes. Pero namamasukan ako sakanya bilang driver." Bago kumagat ng tinapay.

Nandito kami ngayon sa kusina.

Tumango na lang ako at pinag patuloy ay niluluto. Nag luluto lang ako ng kare-kare.

Maya maya lang ay pumasok si Sole sa kusina at tumingin sa'kin pag tapos tumingin kay Tomas. Medyo katagal ang pag tingin nya rito pero umiwas rin agad ng makitang naka tingin ako sa kanya.

Something fishy.

"Anong niluluto mo?" Tanong nito sa'kin. Inamoy amoy pa ang niluluto ko at nagkaroon ng hint. "Marunong ka pala mag luto?" Takang tanong nya.

"Taga luto ako sa amin noon." Sabi ko.

"Ahh." Tumango ito. Kumuha sya ng bread sa cabinet at tinoast. Na timpla rin sya ng coffee. Sakto naman na tumunog na Ang toaster kaya kinuha na nito at nilagay sa lamesa. Katapat ni Tomas.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Walang sino man ang nag balak mag salita. Lumipas ang ilang oras at wala pa rin nag sasalita hanggang sa tumunog ang cellphone ni Sole.

"Hello?" Rinig ko. "Yes...okay wait, lalayo lang ako." Narinig ko ang yapak nito palayo sa amin.

Hindi ko na lang yon pinag tuonan ng pansin at ang niluluto ko na lang ang binigyan ko ng atensyon.

"Ano oras uuwi si Caleb?" Tanong ko kay Tomas. Hindi ako concerned, gusto ko lang malaman kung anong oras.

"I don't know. Maybe 6pm." Tumango namab ako.

Maaga na lang ako kakain para makatulog rin ako ng maaga, ayoko sya makita. Matapos ang nangyare sa amin ayoko muna makita ang taong iyon.

Narinig ko ang tunog ng sasakyan kaya medyo kinabahan ako, nagka tinginan kami ni Tomas pero tumayo na ito at umalis. Mag isa ko na lang sa kusina.

Nag sandok na ako ng ulam na niluto ko at kanin. Mag aagahan na kami. Dinamihan ko ang kuha dahil sasabay sa'kin kumain ang dalawa.

"Manang.." tawag ko.

"Ano yon ija?" Nakangiti ito sa'kin.

Mabait sa'kin si Manang. Tinuturing ko na syang Ina habang sya ay tinuturing akong parang tunay na anak.

"Sumabay na po kayo sa'min kumain, marami po akong niluto." Naka ngiti kong sabi. Umiling iling naman sya habang naka ngiti rin.

"Ikaw talagang Bata ka napakabait kahit kailan. Hindi mo katulad si Heart." Sabi nito.

Napakunot noo naman ako kung sino ang Heart na binanggit ni manang.

"Sino pong—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok si Sole, Tomas at kasunod ang taong hindi ko inaasahan na ganoon kaaga darating.

"Oh, Caleb ijo napaaga ata ang uwi mo?" Tanong ni Manang.

Lumapit si Caleb kay manang at nag Mano.

"May pupuntahan rin po ako agad manang, may kukunin lang ako dito sa mansyon." Magalang na sabi nito.

"Ganoon ba? O sige maupo kana riyan at kumain. Saluhan mo ang asawa mo, Siya ang nag luto." Sabi ni manang at tinapik ng tatlong beses ang balikat ni Caleb bago umalis.

Hindi ako nito tinignan at dumaan lang sa harap ko. Parang hangin lang ako.

Tinignan nito ang niluto ko bago umalis. Parang ayaw nya tikman ang niluto ko. Pero ayos lang, hindi naman para sakanya lang ang niluto ko.

Umupo na ako sa upuan. Nasa gitna ako habang ang dalawa naman ay nasa magka bilang gilid ko.

"Wag mo sana sukuan si Caleb." Sabi ni Tomas. Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi ang words na boss ang ginamit nya.

Hindi ko na lang sya pinansin at kumain na lang. Medyo naparami ang Kain ko dahil kahit papaano masarap naman ang luto ko.

Nangmatapos na kami kumain ako na rin ang nag prisinta na mag huhugas dahil wala naman na akong gagawin. Ayoko naman na kahit may katulong sila pa Ang mag huhugas, eh pinag kainan naman namin iyon.

Lumabas ako ng bahay pag tapos mag hugas. Pumuwesto ako sa garden. Malapit sa gate pero medyo tago dahil natatakpan ng Puno. Gusto ko dito sa garden dahil bukod sa mahangin ay maaliwalas.

Bumukas ang malaking pinto ng mansyon kaya napatingin ako doon. Nakita Kong lumabas si Caleb habang may hawak na malaking tumpok ng bulaklak.

"Saan sya pupunta?" Takang tanong ko. Tinitigan ko lang sya na sumakay sa kotse nya at pinag buksan naman sya ng gate.

Saan nya dadalhin ang bulaklak? Eh pake ko ba?

Nakaramdam ako ng inis ng makita ko ang hawak nya na bulaklak. Hindi ko nakita iyon sa loob kahit na andoon lang naman ako at hindi lumalabas.

Nakatulala lang ako habang iniisip kung saan nya dadalhin ang bulaklak. Baka naman dadalawin ang Ina nya.

Huling kita ko sa mommy nya ay last month pa yata. Medyo matagal tagal na, kaya baka sa mommy nya lang idadala ang bulaklak. Baka dadalawin nya ang mommy nya dahil miss nya.

Binuksan ko na lang ang libro na hawak ko at nag basa. Pero makalipas nanaman ang isang oras nililipad nanaman ang utak ko at naalala ang sinabi ni Tomas.

'wag mo susukuan si Caleb'

'wag mo susukuan si Caleb'

'wag mo susukuan si Caleb'

Ano bang meron kay Caleb? Bukod sa pagiging cold ang personality at bastos sumagot sa Ama nya, anong Meron sakanya?

Kung bakit ba kase nasangkot ako sa pamilyang ito eh. Bukod sa magulo. Wala akong maintindihan.

Pumasok na lang ako sa loob ng mansyon. Nagulat ako sa nakita ko kaya nalaglag ko ang libro na hawak ko.

"S-shit. S-s-sorry." Minadala kong damputin ang libro na nahulog ko. "Akyat na ko." Paalam ko kay Sole at Tomas na naka hubo't hubat.

Ibig sabihin may nangyayare sa kanila? Baliw Ysbel. Malamang may mangyayare sa kanila, mag asawa nga sila eh.

Nilock ko na lang ang kwarto ko at inisip ulit si Caleb.

Bakit ko ba sya iniisip? Nakakainis.































:))

My Possessive Fake Husband Where stories live. Discover now