02

327 24 0
                                    

Umuwi ako sa bahay na pagod. Nasa tapat pa lamang ako ng pintuan nang marinig ko na ang tilian nila. Napangiti naman ako dahil doon.

"I'm home.." Ang masayang bati ko sa kanila. Agad naman napalingon ang tatlo dahil sa pag sigaw ko. Nag-tatakbo silang lumapit sa akin at dambahan ako ng yakap. Ang cu-cute talaga.

"Naging goodboy ba ang mga baby ko?" Tanong ko sa mga ito.

"MAMA! I MISS YOU!" Ang nakangiting niya sa akin.

"Namiss ko rin ang baby ko na makulit." Yumuko ako para pantayan ang taas nito saka pinang-gigilan ang pisngi niya.

"HAHAHAHA MAMA HAHAHA. Stop na po, it tickles mama." Aniya nito habang pinipigilan ng kamay niya ang mukha ko.

"Hello sa dalawang baby ko pa, lapit nga kayo kay mama." Tawag ko sa dalawa. Agad naman silang lumapit at yumakap sa akin.

"We miss you dada." Sabay na pahayag ng dalawa sa akin. Yumakap naman ako pabalik dito.

They're my sunshine. Akala ko dati wala nang saysay ang buhay ko dahil niloko ako ng pinagkatiwalaan at minahal kong lalake, but everything change when they came into my life. The day na iniwan ko ang ama nila ay nalaman kong kaya ko palang magdalang tao kahit lalaki ako. Tinatawag nila na hermaphrodite. A hermaphrodite is a sexually reproducing organism that produces both male and female gametes.

Riley Blaze Montelvan

Rex Blake Montelvan

Renz Blair Montelvan

Sila ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni blaze, kung matatawag bang pagmamahal yun. Kung nagtataka kayo bakit montelvan pa rin ang surname nila dahil sa hindi pagpirma ni blaze sa divorce paper na iniwan ko sa kanya four years ago. Hayop talaga ang lalaking yun.

"Naligo na ba kayo?" I asked them.

"Yes po dada." Ang masiglang ani ni renz blair.

"Lets go, gusto niyo ba ng cookies?" Tanong ko sa mga 'to nang makarating kami sa may sala.

Nang matapos kumain ay pinatulog ko na rin sila. Lumabas na rin ako sa kwarto nila at nagtungo sa banyo ng aking room para maligo. Nakakapagod ang araw na ito. Bigla ko naisip ang ama ng mga anak ko. Natatakot ako na baka pag nalaman niyang may anak kami ay kunin niya ang mga anak ko sa akin. Yun ang hindi ko kakayanin, magkamatayan na pero hinding-hindi ko ibibigay ang mga anak ko. Sila ang buhay ko, sila nalang ang meron ako.

I know na hinahanap na rin nila ang isa pa nilang daddy. Hindi pa ako handa sa magiging kahinatnan kung sakaling ipakilala ko sila sa daddy nila. Ang daming tumatakbo sa isip ko na baka ipagtabuyan niya ang mga anak ko na baka hindi niya tanggap at posibleng kunin niya sa akin ang mga anak ko. Kilala ko si blaze, gagawin nito lahat makuha lang ang gusto niya by hook or by crook.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sunday ngayon kaya wala akong trabaho. Nagtungo agad ako sa kusina para ipagluto sila ng paborito nilang adobo. Ganito lagi ang tagpo namintuwing weekends, me cooking their favorite adobo, them waiting for me to serve their food at minsan ay tumutulong ang mga ito sa pagluluto ko. Nang matapos ako sa pagluluto ay inakyat ko na ang room nila.

"Good morning mga baby ko." Bati ko sa kanila bago naupo sa gilid ng kama nila. Sabay sabay pa itong napaungot.

"Gising na mga prinsipe ko, i cooked your favorite food." Ang paggising ko sa mga ito. Bigla naman itong nagsibangon. Basta pagkain talaga. My boys

"Good morning dada." Ang bati sa akin ng bunso ko na si renz blair habang kinukusot pa rin ang mga mata. Pinugpog ko ito ng halik sa buong mukha kaya parang bulate kung umiwas sa akin. Ang kulit talaga.

"Good morning ma." Bati sa akin ng dalawa. Sabay pa itong humalik sa pisngi at labi ko.

"Fix yourself na mga baby ko. Hihintayin ko kayo sa baba." Bilin ko bago bumaba para ayusin ang lamesa.

His Possessive WaysWhere stories live. Discover now