Zane Alistair Pov
Balik trabaho na kami ni Blaze. Sabay na kaming pumunta sa Montelvan Empire dahil yun ang gusto niya. Hinatid muna namin ang mga bata sa school, bago dumiretso dito sa company. Ngayon din ang interview for blaze new secretary. Pansamantala lang naman dahil nagleave si Kath. Nagka-emergency kasi sa kanila kaya kinailangan niyang lumuwas sa probinsya.
Nasa may conference room lang ako habang nakatingin sa mga in interview. Wala na rin kasi akong trabaho dahil patapos na ang building na itatayo kaya malapit na rin matapos ang kontrata ko sa company ni Blaze.
Karamihan sa mga nag a-apply ay mga babae, bihira lang ang lalaki. Bigla namang sumulpot ang isang matangkad na babae, maganda ito, morena ang kutis at may ipagmamalaki. Bigla naman niyang inunahan ang isang aplikante. Maganda nga wala namang manners.
Yumuko ito nang nasa tapat na siya niya Blaze animo'y pinapakita na ang kaluluwa. Higad. Nandilim naman ang paningin ko ng haplusin niyo ang braso ni Blaze at parang inaakit ito. Tumayo na ako at pumunta sa katabing upuan ni Blaze.
"Mag a-apply ka ba o ano?" Ang naiinis kong tanong dito. Napa-ayos naman ito ng upo at tinignan ako ng nakataas ang isang kilay. Aba! Sinusubukan ba ako nito?
"Hindi ba obvious? Nandito ako kasi mag a-apply ako bilang secretary ni Blaze." Ang mataray nitong sagot. Aba! Sino siya para tawagin niya ang pangalan ni blaze nag a-apply lang naman ang haliparot na 'to.
"Ay mag a-apply ka pala bilang secretary? Sorry ha, akala ko kasi sa bar ka mag a-apply. Yung mga babaeng tinatable." Ang nakangiti kong sabi dito. I saw blaze smirk of what I said. Ngumiti ka lang diyan humanda ka sa akin mamaya. Nakita ko naman na parang naiirita na ang babae na kinatuwa ko naman. Ayaw ko sa kanya.
"Sino ka ba? Hindi naman ikaw ang CEO nitong company na 'to e." Ang sigaw nito sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. Maganda sana malandi naman. Tsk
"Me? Engineer lang ako dito." Ang sabi ko na ikinatawa naman ng mga ibang aplikante at mga empleyado ni Blaze.
"You!"
"Good luck sa interview girl. Sana pumasa ka." Sabi ko rito at umalis na nilingon ko pa si Blaze na nakatingin na pala sa akin. Tiningnan ko naman ito and mouthed him "You're dead pag tinanggap mo yan." And smiled at him bago tuluyang lumabas.
Dumiretso na ako sa may office ko at nadatnan ko si vlad na parang modelo kung makatayo sa labas ng office ko. Lumapit naman ako sa kanya at ngumiti.
"May kailangan ka ba Vlad?" Tanong ko rito nang makalapit ako sa tabi niya. Inalok ko pa itong pumasok pero sabi niya madali lang naman siya.
"C-Can I have Calli's number? Please?" Aniya sa nakikiusap na boses.
"Vlad napag-usapan na natin 'to. Give calli a space muna."
"Please zane, I just wanted to see him. I have to see him. Mababaliw ako pag hindi ko siya nakita o nakausap man lang. I promise, I won't do anything." He said. Dahil sa awa ay nabigay ko rin ang number ni Calli at ang location nito kung nasaan 'to ngayon.
Siguro naman tama ang desisyon kung magkita na sila at makapag usap ng maayos. Alam ko namang mahal na mahal pa nila ang isa't isa. Hindi naman ata iiyak si calli sa akin at si vlad na nakikiusap na ibigay ko ang number at location ni calli kung hindi diba?
"Good luck Vlad! Please be patience with him. Bibigay din yan, he still loves you. Nakikita ko yun sa mga mata niya."
Pumasok na ako sa loob ng office ko at nag muni-muni. Wala rin naman akong gagawin pa. I suddenly remember my brother. Patay hindi ko pa nasasabi sa kanya na nalaman na ni Blaze na may mga anak at ayos na kami.
Malapit na rin ang uwi ni kuya kasama ang nobyo niya. Kakausapin ko na lang si Blaze patungkol dito. Maya maya pa ay tumunog ang phone ko at sinagot ito
"Hello?"
"Hi babe, come into my office. Eat lunch with me." Aniya sa kabilang linya.
"Tapos na ba ang interview?" Ang tanong ko dito.
"Of course, it's lunch time hon."
"Okay, papunta na. Wait for me, bye." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Agad na rin akong pumunta sa office niya. Naabutan ko naman itong may tinitignan sa laptop niya, seryosong seryoso ang mukha nito. Ang gwapo gwapo talaga, ang hot niyang tingnan kapag seryoso. Napatingin naman ito sa gawi ko at ngumiti.
"Done checking me out sweetie?" He smirked. Namula naman ako dahil sa hiya, jusko nahuli pa akong nakatingin sa kanya.
"A-Ang feeling n-nito, kumain na nga tayo."
"Yeah." Ang umiiling nitong sagot.
"May nakuha ka na bang bagong sekretarya mo?" Tanong ko rito habang kumakain kami. Naptingin naman ito sa akin.
"Hmm, I haven't. My boss is strict. Seloso pa." Ang natatawa nitong sabi. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, alam ko ako ang tinutukoy nito.
"Blaze!" Ang saway ko rito
"Why? Gusto mo sumama ka na lang sa akin. I'll decide for you to choose, you're the boss babe."
"T-Talaga?" I asked while blushing. Kinikilig ako sa mga pinagsasabi ng mokong na 'to
"Yes hon."
"Oka—" My words were suddenly interrupted by someone. Bigla na lang may lumingkis na babae sa mga braso ni Blaze. She's cute, singkit ito at ang puti.
"Babe, who is he?" I was shocked ng tawagin nitong babe si Blaze. What the hell? May relasyon ba sila? Kumirot naman ang puso ko sa posibilidad na may karelasyong iba si blaze while courting me.
Agad na akong tumayo at umalis na sa room na yun. Hindi ko ata kakayanin ang mga nakikita ko. Walang hiya siya, akala ko ba mahal niya ako. May paligaw ligaw pa siyang nalalaman may girlfriend naman na pala siya.
"Zane! Babe! Wait, it's not what you think. Talk to me please."
"Ewan ko sa'yo. Doon ka na sa babe mo, liar." Sabi ko dito at tumakbo na palabas ng company.