22

156 15 0
                                    


Zane Alistair

Love...

This is what I am feeling right now. The best feeling in the world is when you look at that special person you're in love with, smiling looking at you, just like Blaze right now.

When my gaze met with him, he was already looking at me with those soft grin on his face. I immediately looked down. Nakakahiya nakita niya ang mukha kong namumula.

Nandito ang pamilya ko sa bahay, preparing for my brother's wedding. Oo, mauunang ikakasal ang kuya ko kaysa sa akin, akala ko nga ako ang mauuna but he suddenly announced his wedding with kuya Kael. I'm happy for him though.

"What are you thinking, hon?" Biglang sulpot ni Blaze sa harapan ko. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"Wala, nothing important. Though, i'm happy for my brother, akalain mo yun mauuna pa pala siya sa atin." Ang natatawa kong sabi.

Naglakad naman ito sa may likod ko bago ako niyakap patalikod, hinalik halikan niya ang batok ko. Kahit nakikiliti ako sa ginagawa niya ay pinigilan ko.

"B-Blaze." Mahinang halinghing ko ng kagat-kagatin niya ang batok ko.

"Blaze, we can't." Ang sabi ko dito. Tumigil naman ito at tumingin sa akin bago ako hinalikan ng mabilis sa labi.

"Taas muna ako." Paalam nito na sinang-ayunan ko naman.

Bumalik na ako sa loob at pinuntahan ang mga anak ko na nasa sala at nanonood ng TV. Tumabi ako kay renz bago nahiga sa mga hita niya, hindi naman ito umangal o nagsalita bagkus hinaplos pa niya ang buhok ko. Bumangon ako at humarap sa kanila.

"Nak, kiss niyo nga si dada." Ang paglalambing ko sa tatlo. Humarap naman si renz sa akin at binigyan ako ng napakalaking ngiti bago ako hinalikan sa noo, pisngi, at labi.

Lumapit din ang tatlo sa gawi ko at ganun din ang ginawa. Pinugpog ko naman sila ng halik sa mukha na ikinatawa nila. Masaya kaming nagkukulitan ng biglang dumating si kuya vince at kuya kael.

"Hi mga pamangkin ko." Bati ni kuya sa tatlo. Agad naman nilang sinalubong ng yakap ang kuya vince ko pati na si kuya kael.

"Hello po paborito kong tito." Pambobola ni renz dito.

"Hi kuya, congrats nga pala. Ikakasal ka na bukas." Tumabi ako dito at humalik sa pisngi niya. Ngumiti naman ako sa kasama niya na nakatingin lang sa amin habang may ngiti sa mga labi.

"Yeah."

"Pasok kayo, may pagkain sa loob." 

"Sakto, nagugutom na ako. Kanina pa kami sa mall hindi man lang ako pinakain nitong kuya mo." Anang sabi ni kuya kael. 

Nakakunot noo na tumingin si kuya sa gawi namin na pinanlakihan lang ng mata ni kuya kael. Pagdating talaga kay kuya kael tiklop 'tong kuya ko haha. 

"Hey...Tell me everything what he will do to you tomorrow night." I said while wiggling my eyebrows. 

"W-What do you mean?" Ang nagtatakang tanong nito sa akin. 

"Don't act innocent. You know what I mean. I'm sure hindi ka tatantanan ni kuya bukas ng gabi." Ang natatawang sabi ko rito na ikinalaki ng mata niya ng marealize kung ano ang ibig kong sabihin.

"Nothing will going to happen, okay?" He said.

"Sus, hindi papayag yung kuya ano. The desperation in my brother's eyes are everything, his eyes to make you his tomorrow night, anyone can see that and the way he looked at you, ready to devour you anytime. O my god, good luck kuya hahaha." Napatulala naman ito sa mga sinabi ko na ikinatawa ko.

"But don't worry, he will take care of you. Gentleman naman yang kuya ko, palalakarin ka pa naman siguro." I said with a smile.

He nodded and smiled at me but I can see a terrified in it. 

____

Lumapit naman sa gawi ko si kuya at parang tangang nakatingin sa akin. Anong problema nito

"Anong sinabi mo kay kael? Bakit ganun nalang bigla ang pananahimik niya." Ang nagtatakang tanong ni kuya sa akin.

"Wala, binigyan ko lang ng advice." Ang pigil tawang sagot ko rito.

"You sure?" 

"Oo nga." Ang sabi ko rito bago siya iniwan doon. 

Nagkakatuwaan lang ang mga magulang ko at mga magulang ni kuya kael sa may sala. Botong-boto kasi talaga ang mga magulang ko kay kuya kael. Matagal na ngang gusto ni mommy at daddy na ikasal ang dalawa kaso ayaw pa ni kuya kael dahil hindi pa raw sila handa sa kasal na yan. 

Kaya noong nalaman na mga magulang ko ang pagpayag ni kuya kael sa alok na kasal ni kuya vince ay laking tuwa ng mga 'to.

Nakita ko namang bumaba si Blaze kaya tinatawag ko ito na agad din naman niyang sinunod. Pumunta ito sa gawi ko at nagawa pang humalik sa harap ng mga magulang ko. Jusko, hindi na nahiya

"Naayos ko na ang damit ng mga bata para bukas." 

"Thank you." I said

"Where are they?" Ang tanong nito habang palinga linga sa paligid hinahanap ng mata niya ang mga anak namin.

"Ayun, nanonood na naman." Sabay nguso ko sa gawi nila.

"Okay, puntahan ko lang." Paalam nito and gave me a peck on my lips.

Habang busy ang lahat sa pag uusap ay bigla namang kumalabog ang pintuan sa labas ng bahay. Napatingin naman kami roon, pupuntahan sana ni Blaze yun pero sinuway ko siya. Ako na lang ang nagbukas at nakita ang babaeng umiiyak habang nakahawak sa may tiyan niya. Buntis ito.

"May kailangan ka ba hija?" Aang nag aalalang tanong ko rito. Sa tingin ko ay napakabata pa nito para magdalang tao.

"Nandito ba si Blaze?" Ang naluluhang tanong niya. Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. Wag mong sabihing? Jusko, wag naman sana.

Kahit kinakabahan ay pinanatili kong maayos ang boses ko.

"B-Bakit?" Ang mahinanong tanong ko.

"Ilabas niyo siya, kailangan niya akong panagutan. Buntis ako kita mo naman at siya ang ama nitong dinadala ko." Doon na ako nanghina ng husto. Parang hindi ko kaya ang mga naririnig ko mula sa dalagang kaharap ko.

"Noong gabing nalasing kami ay may nangyari sa amin at nagbunga ang gabing 'yun." Unti-unting tumulo ang luha ko sa mga naririnig. Bakit, bakit ngayon pa na malapit na kaming ikasal. Bakit ngayon pa na masaya na kami at buo na ang pamilya namin. Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya na walang kapalit na sakit? Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko kung bakit nagawa ni Blaze 'to sa akin. 

Sumulpot naman sa likod ko si Blaze pero hindi ko na pinansin at tumakbo papasok sa bahay. 

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa baba, umakyat lang ako sa kwarto namin para doon umiyak. Para itago ang kahinaan ko, para sarilihin ang sakit na nararamdaman. 


His Possessive WaysWhere stories live. Discover now