Special Chapter

229 16 1
                                    


(5 years later)

"Mimi! Big boy na po ako!" Reklamo ng anak kong makulit habang pinapaliguan ko siya. His name is Alexus Zein. 

"Anong big boy?! Hoy, hoy, you are only three years old at hindi ka pa big boy." Sabi ko sa kanya tsaka muling pinaliguan ang katawan niya.

Pagkatapos ng honeymoon namin ng asawa kong si Blaze ay nalaman naming buntis ako sa pang apat naming anak. My family was so happy na mayroon na namang panibagong blessing na dumating sa amin. 

Biniyayaan kami ng isang makulit na batang lalaki na magpapaliya pa sa buhay namin lalo na sa tatlong kambal. Silang tatlo ang nagpangalan sa bunsong kapatid nila. Umiyak pa nga dati si Renz Blair noong nalaman niyang lalaki ang magiging kapatid niya. Pero kinalaunan ay natanggap niya rin ito at hindi na mawalay sa tabi ng kapatid napaka overprotective niya. 

"Mimi, baka makita mo si litte Alexus. Daddy told me I should hide it from big girls, because it's not big, small pa." Ang katuwiran niya.

"Bakit, I'm you're mimi naman atsaka we're both guys baby. Kung anong meron ka, meron din si mimi." 

"Huwag kang makinig don sa Daddy mo. Kung ano ano sinasabi sa'yo." Naiiling na sabi ko rito.

"Mimi, kapag ba big boy na ako pwede na ako maghanap ng chika babes." Tanong niya sa akin habang nilalagyan ko ng shampoo ang buhok niya.

"What?! Who told you that huh? Ang bata bata mo pa para matutunan ang mga bagay na 'yan." 

"Narinig ko po kasi ang usapan nila kuya pati ni Daddy. Daddy said they're going to find chika babes, mimi. I'm so excited to be a big boy mimi and find chika babes." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng anak ko. Jusko, lagot ka sa'kin mamaya Blaze.

"Baby, wag kang makinig sa Daddy mo. Jusko, lagot sa akin ang Daddy mo mamaya." 

"Okay mimi, wash mo na po ako." He said. Napangiti naman ako ron. I looked at him, he has a hazel brown eyes just like me. Yun lang yata namana niya sa akin the rest sa Daddy na niya. I must admit that my son is really handsome. Kaugali nito ang Daddy niya na hindi ko na ata mababago.

Binanlawan ko na siya tsaka binihisan ng sando na doraemon pati slam dunk short na paborito niya.

"Ayan pogi na ang baby ko." Sabi ko sa anak ko pagkatapos ko siyang bihisan. Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi.

"Talaga mimi? Pogi na rin ako?!" Tanong niya habang may malaking ngiti sa mga labi. Binuhat ko na siya at lumabas na sa kwarto niya.

"Oo naman, mas pogi ka na sa loko mong Daddy." Sabi ko sa anak ko sabay ngiti.

Dumiretso kami sa kwarto namin ni Blaze at nadatnan ang Daddy nitong tulog mantika pa rin. Humihilik pa ito.

"Gising mo na ang Daddy mo." Sabi ko sa makulit kong anak sabay baba sa kanya. Agad naman itong sumampa sa kama.

"Daddy, gising na ikaw!" 

"Hmmm."

"Daddy, gising ka na po." Gising ng anak ko sa Daddy niya habang niyuyugyog 'to.

"Kiddo, later." Sagot naman ni Blaze kay Alexus. Lumapit ako sa anak ko at may ibinulong.

"Daddy, Mimi is going on a date." Bulong ni Alexus sa Daddy niya na agad namang nagpabangon kay Blaze.

"What?! No!" Sabi ni Blaze sabay tayo. Nagulat naman ang anak ko sa inasal ng Daddy niya. Nakakatawa ang reaksyon ni Blaze.

"Ayun, bumangon ka rin." Sabi ko na natatawa sa kanya. Sumimangot lang siya saka pabagsak na naupo sa kama namin.

His Possessive WaysWhere stories live. Discover now