"Dada?" Nagising ako sa sunod sunod na katok sa labas ng pintuan sa kwarto ko. Boses ni Renz na tumatawag sa akin. Napatingin naman ako sa katabi ko na sobrang himbing ng tulog. Madaling araw na kaming natapos kagabi dahil ayaw magpaawat ni Blaze.
"Dada!"Narinig ko na namang sigaw ni Renz sa labas. Sinubukan ko namang gisingin si Blaze dahil kanina pa tumatawag ang anak namin. Hindi ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit ng balakang at pwet ko.
"Blaze." Tinapik ko 'to sa pisngi niya. Nakayakap na ito sa akin pero nanatiling nakapikit pa rin.
"Hmm." He groaned.
"Blaze gising na." Tinapik ko siya ulit sa pisngi pero wala pa rin.
"Dada! We are hungry na po. Tumutunog na ang tummy ko dada." Rinig kong sabi ni Renz sa labas. Napatingin naman ako sa may orasan ng kwarto ko and it's eight in the morning.
"Baby, lalabas na ako okay? Wait niyo nalang ako sa baba. Magbibihis pa ako." Ang sabi ko rito. Kahit nahihirapan ay tumayo na rin ako at nagbihis.
"Opo, dada." Napabuntong hininga nalang ako ng umalis na si Renz. Tumingin naman ako sa katabi ko. Tulog pa rin 'to
"Pag hindi ka pa bumangon diyan blaze sinasabi ko sayo. Hindi ka na makakaulit bwesit ka." Ang naiirita kong sabi dito at binato ng unan na nasa tabi ko lang.
Agad naman itong napabalikwas ng bagong at nakangiting tumingin sa akin. Parang baliw
"Good morning hon." He said and then kiss me. Napalo ko ito sa braso ng pinasok nito ang dila sa bibig ko.
"Blaze! Isa, wag kang makulit. Bumangon ka na diyan at nagugutom na ang mga bata."
Tumayo na ako kahit na wala ako ni isang saplot na suot. Agad akong kumuha ng damit pamalit.
"Shit! You're so sexy hon. Can we do it? I'll make it quick, I promise." Sabi nito habang nakatingin sa pang-upo ko. Ang bastos talaga umagang umaga.
Tinignan ko naman ito ng matalim na kinayuko nalang niya at napakamot pa sa may batok. Kahit kailan talaga ang hilig.
"Tigilan mo ako blaze, nagugutom na ang mga anak natin. Ganyan pa iniisip mo. Hindi kapa ba nagsawa kagabi?" I said.
"Hinding hindi ako magsasawa sa'yo. I won't" He said while hugging me from behind.
"Oo na ang dami mong alam. Magbihis kana, hihintayin kita sa baba. Papakainin ko muna ang mga anak mo." Ang sabi ko rito bago nauna ng bumaba
Pinaghanda ko lang sila ng makakain at tinawag na. Balak naming ipakilala ni Blaze ang mga bata sa mga magulang niya. Napag usapan na rin naman 'to kagabi.
"Okay mga baby ko. Tapusin niyo na ang pagkain niyo at aalis tayo." Bigla namang lumiwanag ang mga mukha nila. Pinaligpit ko na ang kinainan nila at pinapunta sila sa taas para maligo.
Naligo na rin ako sa cr ng kwarto ko. I heard the door opened. Nakita ko namang pumasok si Blaze. Huli na para maitago ko ang hubad kong katawan sa likod ng kurtina dahil hinawi niya lang 'yon at tiningnan ang kabuuan ko.
"Don't hide it, you're so beautiful, hon. I love you." He said then gave me little kisses in my shoulder.
"Blaze..." I can't help myself but moan.
"Hindi mo alam zane. You don't know how beautiful you are Zane. You're perfect." He said then claimed my lips na agad ko naman tinugunan.
"I am yours." I said.