12

238 18 0
                                    


Zane Alistair Pov

"B-Blaze, I-I don't know, hindi ko alam Blaze. Hindi pa ako handa." Kitang kita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mukha ni Blaze. How his face turned into disappointment.

"I see. Hindi naman kita pipilitin. But, Can I court you? Gusto kitang ligawan hanggang sa pumayag ka ng pakasalan ako."

"O-Okay." Tanging sagot ko dito. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya ng marinig ang sagot ko.

"Really? Yes! Thank you, zane. Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong 'to. Mapapasagot kita no matter what. I promise." He said at nagulat nalang ako ng bigla ako nitong halikan sa aking mga labi. Napalo ko pa ito sa braso dahil sa ginawa niya.

"Hoy Blaze! Tandaan mo, nanliligaw ka palang." Taas kilay kong sabi dito.

"Sorry, nadala lang." He said. Napapakamot pa ito sa batok niya

"Ewan ko sayo, dyan kana nga." Tumalikod na ako habang may ngiti sa mga labi ko.

Papunta ako ngayon sa Montelvan Empire dahil marami na akong trabaho na nakatambak. Hinatid ni Blaze ang mga anak ko sa school at sinabing mauna na ako. Gusto ko nga sanang sumama sa kanila pero nag text sa akin Vlad. May urgent meeting kami kaya nagmadali na akong pumunta dito.

Pagkatapos ng meeting ay sabay na kaming bumaba ni Vlad sa first floor para kumain, inaya niya ako. Hindi naman ako makatanggi dahil ito ang unang beses na inaya niya akong mag lunch kasama niya. Hindi ko nahagilip si blaze buong maghanapon, baka maraming tambak na pipirmahan kaya nakastay sa office niya.

"I'll order for us, wait for me here."

"Okay."

Kinuha ko naman ang phone ko at nag facebook muna. Habang nag i-scroll ako ay biglang may tumakip sa mata ko.

"Who are you?"

"Ang pinakamagandang lalaki sa balat ng lupa." Napalingon naman agad ako sa likod ko at laking gulat ng bumungad sa harap ko si Calli habang malalaki ang ngiti na nakatingin sa akin.

"O my god! Calli.." Niyakap ko 'to agad ng sobrang higpit. Jusko, miss na miss ko ang lalaking 'to

"I miss you, Calli.. Bakit hindi ka nagsabi na ngayon pala uwi mo edi sana nakapagfile ako ng leave at nasundo kita sa airport." Medyo naluluha kong sabi habang nakatingin dito.

"Ano ka ba, edi hindi na surprise pag sinabi ko sayo."

"I miss you too bakla. Ang ganda ganda mo pa rin, hindi kita masapawan amp." Ang kunwaring nagtatampo nitong sabi.

Bigla namang may tumikhim sa likod namin at sabay pa kaming napalingon ni Calli doon. Kitang kita ko sa mukha nilang pareho ang gulat. Naalala ko bigla ang napag-usapan namin ni Vlad noong nakaraan.

"Calli?"

"Vladimir." Sabay pang sabi nila

Makikita sa mukha ni Vlad ang gulat, sakit, pangungulila at galit. Nakatingin lang ang kaibigan ko sa kanya, gulat na gulat pa rin itong nasa harapan na niya ang lalaking minsan ng minahal. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid nila at palipat lipat ang tingin.

Bigla namang tumakbo si Calli at dali daling lumabas ng Montelvan Empire. Sinubukan ko pa itong pigilan pero mabilis din siyang nakalayo. Bumalik naman agad ako kanina kung saan naiwan si Vlad na nakatayo pa rin sa kinatatayuan kanina.

"I'm sorry, kausapin mo na lang siya pag maayos na ang kalagayan niya. Maybe give him space muna. Kakagaling lang sa sakit e. And also, he's a cancer survivor." Paliwanag ko rito. Napatingin naman 'to sa akin ng may gulat na expression sa mukha.

"What did you say?"

"Umm, he's a cancer survivor."

Nang masabi ko yun ay dali dali na rin siyang umalis palabas ng Montelvan Empire. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko at dineal ko ang numero ni Calli, nag aalala ako sa lalaking yun. Ring lang nang ring ang phone nito. Tumigil na rin ako, baka kailangan niya talaga ng space para makapag-isip isip.

Dinala ko nalang ang lunch ko sa taas at doon ko balak kumain. Nadatnan ko naman sa may mesa ko ang isang kumpol ng iba't ibang kulay ng tulips, it's one of my favorite flower. Bukod sa mabango ito ay sobrang ganda rin pag masdan. Nahagilap naman ng mata ko ang isang sulat kaya agad ko itong kinuha at binuksan. Napangiti naman ako sa nakasulat

Beautiful flowers for a beautiful man like you my love.

"So, this is how you'll make me say yes." Para na akong baliw na nakangiti at kinakausap ang sarili na mag isa. 

Tinapos ko na ang pag kain at nag focus nalang ako sa mga bagong design na pinasa kanina lang. Alas kwatro na ng hapon ako natapos at binalak ko na rin umuwi. Nag text sa akin si blaze na nauna na silang apat sa bahay, hindi kasi ako sumabay kay blaze dahil nga marami pa akong trabahong tatapusin, nagpumilit pa siyang sabay na kami.

Nang makarating sa bahay ay nadatnan ko si Blaze na mahimbing na natutulog sa may sofa.

"Hmm..." I gently poked his cheeks.

"Gising na." Marahan kong sinundot ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya, kahit na nakapikit ito ay bagay na bagay pa rin sa kanya. Ang gwapo gwapo niya.

"Mamaya na." Kinuha nito ang unan at pinantakip sa mukha niya sabay talikod sa akin. Aba

"Kakain na tayo kaya bumangon ka na riyan. Uuwi ka pa sa inyo." Sabi ko.

"Atsaka mag bihis ka nga, naaalibadbaran ako sa hubad mong katawan kaya mag bihis ka na." Utos ko sa kaniya. Wala kasing damit pang itaas 'to.

"Why? Wala naman problema sa katawan ko ah." Reklamo nito.

"Basta mag bihis kana. Tatawagin ko pa ang mga bata."

"Hindi naman maakit ang lalaking 'to." Narinig ko pang bulong niya sa sarili niya na ikinailing ko nalang, kahit kailan talaga.

His Possessive WaysWhere stories live. Discover now