07

297 22 0
                                    


Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. I'm disappointed for not seeing him in the morning. Aaminin ko malaki na ang epekto nito sa akin noon pa man pero mas dumoble at kakaiba yung ngayon. His touch, his kisses, his voice, and his stares. Pakiramdam ko ay mas nahulog ako sa kanya na hindi ko na magawang umahon pa.

"Zane, gising kana pala. Halika, kumain kana rito. Nauna na si blaze dahil may importante pa raw na pupuntahan, ang batang yun talaga pagpasensyahan mo na." Paliwanag ni manang rose sa akin. I saw her preparing food.

"Good morning Nay." Bati ko sa kanya bago naupo sa isang upuan.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagpalit na ng damit dahil uuwi pa ako sa bahay. Kailangan ko magpaliwanag sa mga anak ko kung bakit hindi ako nakauwi kahapon. Nagpaalam lang ako kay manang rose at umuwi na.

Pagdating sa bahay ay si yaya linda lang ang tao, nagtanong ako kung nasaan ang mga anak ko pero hinatid na raw ni kuya sa school. Umiiyak pa nga si renz blair yun ang kwento ni yaya linda sa akin. Nagpahinga lang ako at natulog. Pagkagising ko ay saktong uwian na ng mga anak ko kaya nagbihis na ako dahil susunduin ko sila.

I looked at my wrist watch. Ilang minuto nalang labasan na ng mga bata. Isang private school ang pinapasukan nilang tatlo. My brother suggested that school because they really have the credibility to teach their students very well.

Napangiti ako ng matanaw ko na si Riley at Rex na papalabas ng gate, pero parang may kakaiba sa mukha nila. May nangyari ba? Bigla akong kinabahan. Simpleng denim shorts at t-shirt lang ako suot ko, ganito kasi ang usual attire ko kapag nasa bahay lang.

"Mama? You're here!" Hinalikan ko silang dalawa ng paulit ulit sa buong mukha. Namiss ko ang mga anak ko.

"Wait, where is your brother?" Takang tanong ko ng hindi ko mahagilap si renz. Bigla namang nagbago ang mukha nila. Kinakabahan ako sa inaakto nila

"Riley? Rex?"

"M-Ma, he doesn't want to go home. Nasa playground po siya. Hindi raw po siya uuwi hangga't hindi ikaw ang sumusundo sa kanya, ma." Ang nakayukong paliwanag ni rex sa akin.

"Hintayin niyo ako dito okay? Pupuntahan ko lang ang kapatid niyo." Binigyan ko sila ng isang sulyap bago tuluyang pumasok sa school nila at hinanap si renz. Naglakad na ako papunta sa playground ng school. Agad na nahagilip ko si renz na nakaupo habang yakap yakap ang mga tuhod niya. Agad akong lumapit sa kanya.

"I told you, umalis na kayo. Hindi ako uuwi hanggat wala si dada dito. Iwan niyo na ako!" Ang nakatungo niyang sabi. Marahil nagtatampo siya kahapon dahil hindi natuloy ang date namin.

"Ano? Hindi ka pa aalis? Sinusuway mo na ba si dada?" Bigla siyang nag-angat ng tingin. Nakita kong nagulat ito ng makita ako.

"Namiss mo ba ako? I'm sorry baby, bigla kasing nagkaproblema sa site kaya nag overtime si dada e. I love you anak." Paliwanag ko rito. Walang pag-aatubiling tumayo siya at pinulupot ang maliliit na braso sa leeg ko. He buried his face in my neck and he cried. Aw ang baby ko

"D-Dada." He said while crying. Pinaulanan ko rin siya ng halik sa iba't ibang parte ng mukha niya at leeg.

"Da, they are looking at us." Ang nahihiyang sabi niya. Napatawa naman ako dito. Mahiyain kasi talaga ang isang 'to

"Don't do that again da, magtatampo ako kapag ginawa mo pa yun." Ginulo ko ang medyo may kahabaan na nitong buhok at tsaka ngumiti.

"Okay, promise ni dada." Binuhat ko na ito at lumabas. Naglakad na ako palabas ng school t pumunta sa may parking lot. Ibinaba ko muna si renz bago binuksan ang sasakyan.

"Go to your brothers, tabihan mo na sila doon." Pumasok naman siya at tinabihan ang mga kuya niya na naglalaro sa iPad na dala ko.

Pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan at pinaandar na ang kotse ko. Ang tanging hiling ko lang ay maging masaya silang tatlo. Kahit kunin na lahat sa akin. Maging masaya lang silang tatlo.

"Dada, may nagkakagusto kay kuya riley." Biglang sabi ni renz.

"So who's the lucky girl kuya?" I asked.

"Girl?" Sabay nilang tanong.

"Oo."

"Dada he is not a she! I don't think so that he is a girl, lalaki siya da pero babae raw po siya."Napatawa naman ako bigla. So may nagkaka crush na confused kay riley. Napangiti ako bigla reminiscing something.

Nakarating na rin kami sa bahay at bumaba na rin sila sa sasakyan. Pinark ko muna papasok ang sasakyan ko sa loob.

"Ang bagal mo!" Narinig kong sabi ni riley sa kapatid nitong si renz.

"Dada, nagugutom na ako." Sabi ni renz

"Magbihis muna kayo pambahay bago tayo kumain." Nag unahan naman silang umakyat sa taas.

"Careful boys!" Sigaw ko

Habang kumakain kami ay bigla namang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa non si kuya pati ang boyfriend nitong si kuya kael. Nagpupumiglas si kuya kael sa hawak ni kuya sa kanya. Kahit kailan talaga itong magkasintahan na 'to.

"Ano ba bitawan mo 'ko sabi! Hindi naman ako tatakbo Vince." Ang nagpupumiglas nitong sabi.

"Hi, namiss niyo ba si tito mga pamangkin ko?" Imbes na sagutin si kuya kael ay mas pinansin nito ang mga anak ko na nakatingin na rin pala sa kanila, samantalang si rex ay walang paki at lamon lang nang lamon. Ang takaw

"Hello, tito pogi. Hi, tito kael." Ang nakangiting bati ni renz sa kanila.

"Hi, pretty." Sabi naman ni riley.

"Psst! Hoy, he's mine." Ang sabat naman ni kuya

"Jusko naman vince pati ba naman bata pinagseselosan mo pa." Inirapan nito si kuya saka lumapit sa amin at umupo sa may bakanteng upuan.

"Sorry naisturbo pa namin ang pagkain niyo, ito kasing kuya mo nagpupumilit na pumunta dito."

"It's okay, sumabay na kayo sa amin kumain." Aya ko sa mga 'to.

Nang matapos kami kumain ay niligpit ko na ang mga kinainan namin, nagpumilit pa na tumulong si kuya kael pero sinabi ko na kaya ko na, atsaka bisita sila dito. Nagkukulitan naman sa may sala ang tatlo pati si kuya habang ang boyfriend nito ay nakaupo lang sa may sofa pinapanood sina kuya.

Bigla naman tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito. It's unknown number, hindi ko ugaling sumagot ng tawag sa mga hindi naman nakasave ang number sa phone ko pero sinagot ko parin.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. Naghintay pa ako ng ilag minuto pero wala paring sumasagot

"Hello? Magsasalita ka ba o ano? I'm busy tas tatawag tawag ka wala ka naman palang sasabihin." Ang galit na sabi ko rito.

"Love, please comeback..." Nagulat ako nang makilala ang boses na yun. At base sa tono nito ay lasing 'to, ano na naman kayang problema ng lalaking 'to. Iniwan nga niya ako kanina sa bahay tas malalaman ko naglalasing lang pala siya. Hindi na nagbago, binaba ko na ang tawag ng makarinig na ako ng mahihinang hilik. Tingnan mo tinulugan pa ako. Hay naku blaze.

His Possessive WaysWhere stories live. Discover now