Zane Alistair Pov
Blaze insisted na ihatid kami sa bahay pero tumanggi ako, hindi dahil sa ayaw ko pero kasi nandito ang kuya sa bahay. Baka magkainitan pa, malaki pa naman ang galit ni kuya kay blaze.
"Dada, kailan po ba namin makikita ulit si tito blaze po. I like him po, sana ligawan ka niya dada."
"Super cute at pretty kayo tapos po, handsome at mabait po siya. Bagay kayo da, I love my other daddy ha. Pero po gusto ko siyang maging daddy. Sana siya nalang ang daddy namin." Napangiti nalang ako sa pinagsasabi ng anak ko. Sobrang kulit
"Magkikita kayo ni Mr. Ibibili ka ng candy pag hindi ka na nag cry, kung matutulog ka ng maaga. Malay mo bukas magkita kayo, ayaw pa naman noon ng batang nagpupuyat."
"Talaga po magkikita kami bukas?" Ang excited nitong tanong. Ngumiti ako rito at tumango.
"Oo, kaya mag brush kana ng teeth mo at matulog. Sabayan mo na ang mga kapatid mo."
Humalik muna ito sa pisngi ko bago nagtatakbo sa loob ng banyo. Sinubukan ko pa nga na humalik sa labi nito pero hindi pumayag at baka bad breath daw siya.
Bumalik na rin ako sa kwarto ko at naligo dahil nanlalagkit na ako. Pagkatapos maligo at magpatuyo ng buhok ay nagbihis na ako ng pampatulog. Maagang pupunta si blaze bukas.
Gusto pa nga nito na dito matulog pero ang kuya ko naman ang problema. Buti nga tulog na ito nang makarating kami. Andami pa kasing itatanong yun kung sakaling gising pa siyang maabutan namin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, naabutan ko pa si kuya na nagkakape. Magluluto ako ngayon ng marami dahil pupunta si blase hindi ko lang alam kung anong oras.
"Aalis ka kuya?" Tanong ko rito habang naghahanda ng mga ingredients para sa lulutoin ko.
"Yeah, may business trip ako bukas. Uuwi lang ako kay kael."
"Kailan mo ba balak mag propose sa kanya kuya? Sige ka baka maunahan ka pa. I heard pa naman sa isang friend niya na nagpaparamdam na naman ang ex nitong si James." Ang biro kong sabi. Nag iba naman agad ang timpla ng mukha nito haha. Ang bilis talaga magbago ng mood.
"Fuck him! Akin lang si kael. I'm just waiting for the right time, pero baka dahil sa gagong ex niya pakasalan ko na bukas. Tangina aagawin pa yung love of my life ko e." Ang galit nitong sabi. Natatawa nalang ako sa mukha ng kuya ko. Ang bilis talaga mapikon.
"Paano pag tumanggi kuya?" Natatawa kong tanong dito.
"Edi kikidnappin ko, tutulungan mo naman ako diba? Tangina naiimagine ko pa lang na tatanggi siya parang hindi ko na kaya." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, minsan baliw talaga itong kuya ko. Jusko
"I love him so much, zane. Tangina, pangarap ko lang yun e. I used to be a badboy and a playboy when I was in college. Babae dito babae doon. But, everything change when he came into my life. The moment I saw him, I told myself na magiging akin 'to. But fuck! Ang hirap niyang kunin, siya lang ang lalaking kayang kaya akong sagutin ng pabalang." Seryoso nitong kwento sa akin.
"Araw-araw niya akong binabaliw. Tangina, makita ko nga lang na may lumalapit na lalaki sa kanya kumukulo na dugo ko. Possessive right? Pero wala e, binaliw niya ang nag iisang heartthrob at playboy ng MU. Kahit sinusungit na ako kinikilig parin ako. I courted him, I thought that's the happiest day of my life when he gave me chance pero may mas ikakasaya pa pala yun. When he told me that he's in love with me at sinasagot na niya ako. Fuck it! I'm head over heels for him." Ang nakangiting kwento nito. Halatang in love na in love ang kuya ko. I'm happy for him, deserve niya ang lahat ng 'to.
"I'm happy for you kuya. You deserve it." I said. I hugged him tightly na sinuklian naman niya.
Umalis din si kuya, hinintay lang niya na magising ang mga anak ko para magpaalam, 1 week business trip yun.
Pinaliguan ko lang ang tatlo at sila na ang nagbihis dahil big boy na raw sila.
I sighed, sana maging masaya silang apat Yun lang tanging hiling ko. Ang maging masaya ang apat na pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko.
Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni blaze. God, I'm so nervous. Nag-unahan namang bumaba ang mga ito. This is the right time para makilala na niya ang mga anak niya at ito na ang tamang panahon para maranasan naman ng mga anak ko ang magkaroon ng ama.
"Ma/Dada!" Tawag nila sa akin. Napalingon naman sila ng makita nila si blase sa may pinto. Agad tumakbo si renz kay blaze at niyakap nito.
"Tito blaze!" Ang masayang salubong nito sa huli.
"What is he doing here ma?" Tanong sa akin ni Riley.
"Nak, Renz. Come here, I have something to tell you guys." Tumingin naman sila sa akin na nagtataka at hinihintay kung ano man ang sasabihin ko.
"Boys, di ba sabi ko sa inyo one time na darating ang daddy niyo kasi miss na miss na niya kayo?" Sabi ko sa kanila. Sabay naman tumango ang tatlo.
"Yes dada, you told us po na busy si daddy mag work kaya hindi siya nakakadalaw sa atin po. Pero pupuntahan naman niya tayo kasi he misses us po." Ang inosenteng sabi ni renz. Marahan akong tumango habang naiiyak. Nilakasan ko ang loob ko at buong tapang akong tumitig sa kanilang apat.
"Siya ang daddy niyo." I finally said. Sabay na napatingin ang tatlo sa kanya.
"Daddy?" Renz Blair stares at his father's face na para bang hindi ito makapaniwala nasa harap na niya ang ama.
"Yes baby, I am your father." I could see tears flowing in his cheeks. Walang pag-aatubiling niyakap ng tatlo ang ama nila. Mahigpit na pumulupot ang maliliit nilang mga braso kay Blaze na para bang ayaw na itong pakawalan.
"Daddy! Daddy!"
Mas lalo akong napaiyak nang makita ang mga anak ko na kayakap ang ama nila. Na makita ang apat na pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko na magkakasama at masaya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to
"Ikaw po ba ang daddy namin? Bakit ngayon mo lang po kami na-miss?" Ang umiiyak na tanong renz sa ama.
"I'm sorry baby, promise ni daddy na hindi siya aalis at dito nalang ako, hindi na tayo magkakahiwalay." Niyakap niyang muli ang mga anak ko.
"Promise mo ba daddy na hindi ka na aalis?" Tanong ni Rex kay Blaze.
"Gusto niyo bang dito na lang ako?"
"Yes daddy!" Magkasabay na sagot ng tatlo. Napangiti naman ako
I'll talk to him about sa triplets and I'll introduce them to his family. I am ready.
Kanina, wala silang ginawa kundi maglaro lang at mag-kwentuhan, at manood ng TV. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Blaze, parang hindi ito makapaniwalang may anak siya at tatlo pa. Masaya na ako na mapanood silang masayang nagku-kwentuhan at mag usap. Kitang kita ko rin sa mukha ng tatlo ang saya. Lalong lalo na kay Riley Blaze. Hindi ko lubos akalain na mapapadalas ang pag ngiti nito. Masayang masaya ako na sa wakas nagkaroon na rin ng ama ang mga anak ko. I'm happy for Blaze. He deserve to be happy and father my children.