Agad akong napatayo at napalingon sa likod. Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinatak na agad ako nito. Wala akong magawa kung hindi ang magpahatak, nasasaktan man ay wala parin akong magawa. Wala akong ideya kung bakit galit na galit ito.
Pagkapasok namin sa executive elevator na tanging mga opisyal lang nakakagamit. Agad niya itong isinara nang makapasok kami. Ramdam na ramdam ko ang galit niya at para bang may nakabalot na apoy sa paligid niya. Alam ko galit siya, pero ako ba ang dahilan? Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko kaya bakit ito magagalit ng walang dahilan. Bipolar ba ang lalaking 'to.
"Give me a valid reason." Mariing sabi niya.
"W-What reason?" I said. Kinakabahan ako. Kakaiba ang tingin niya, pinaghalo-halo ito. Pero nangingibabaw ang galit at selos?
"For fuck sake zane! Don't fool me around." Ang galit nitong sigaw sa akin. What did I do para magalit siya ng ganito sa akin.
"I-I." Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Wala akong masagot dito
"Why you did not report in my office for three days?" Nanlilisik ang mata nitong tanong sa akin.
"I-I was sick, pero nagpadala ako ng sulat. Hindi ba nakarating sa'yo?" I asked. Natahimik naman ito.
"Wala akong natanggap at kung meron man bakit ko aaprobahan. Ang sabihin mo nanlalaki ka lang." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Wag mo akong igaya sayo blaze. At kung nanlalaki man ako wala ka ng pakialam don, matagal na tayong tapos. Ikaw mismo ang sumira at tumapos kung ano man ang meron sa atin noon." Ang sumbat ko rito, ang kapal ng mukha niyang sabihin yun sa akin. Pumayag na akong wag mag resign sa company niya tapos ito pa ang mapapala ko?
"Akala mo ba hindi ko alam ang kababuyang ginawa niyo ni claire? That night, I saw you two in bed naked. Ang sakit blaze, ang sakit sakit ng ginawa mo. Bakit, may pagkukulang ba ako may nagawa ba akong mali para gawin mo sa akin ang bagay na yun ha?!" I was so devastated, halos ikamatay ko na ang nasaksihan ko ng gabing yun. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa akin. Kaya wala siyang karapatan diktahan kung ano man ang ginagawa ko.
"M-Mali ang nakita mo, walang nangyari sa amin, at kahit kailan hinding hindi kita magagawang lokohin. I was drunk that time, wala akong alam sa nangyayari."
"And you're expecting na paniniwalaan kita?" Ang malamig kong sagot dito.
"Kung wala ka ng sasabihin, pwede na ba akong lumabas? Marami pa akong gagawin na worth my time. So, please excuse me Mr. Montelvan." Binangga ko pa ito sa balikat niya para makaganti man lang. Mabilis akong nagtungo sa office ko at naupo. Nakaka-stressed si blaze jusq, ewan ko ba sa lalaking yun.
Dumiretso ako sa Architecture Department dahil may trabaho pa akong naiwan. I saw him, kaya lumapit ako sa kanya.
"Sorry Mr. Conrad, kinausap ko lang si sir." I said pagkaupo ko sa harap ng table niya.
"Continue." He said. I tackled about the suggestions at porma ng itatayong building. We both shared our ideas at nakagaanan ko naman siya ng loob. Pero ramdam ko pa rin ang cold niyang aura. Kung si Blaze may apoy sa paligid, siya naman punong puno ng yelo. He's a great architect. I told him some mistakes pero ako pa mali.
"We need to see the site." Suggest ko rito.
"Indeed." Ang tipid sumagot.
Nakita ko naman itong kanina pa nakatingin sa dibdib ko. Bigla naman akong nahiya.
"Hey, where are you looking at?" I suddenly felt uneasy.
"That necklace." He said while looking at my necklace. My best friend gave this to me noong nasa states pa lang ako.
"It was a gift from my best friend when I used to live in state." I told him.
"It's mine." He said in a low and cold voice. I was suddenly stunned because of him.
"He was my fiance who left me years ago. Balak na naming magpakasal but he was suddenly gone." He said in pain. I smiled, so he's the lucky guy who was my best friend talking about? He used to tell me stories about him years ago. It's really a small world.
"This is yours." Sabay abot sa kanya ng necklace. I stood up
"Thanks, I'll just see you around." He smiled and I did the same.
Bumalik na ako sa cubicle ko pero nagulat ako nang wala na ang mga kagamitan ko roon.
"Kath, bakit wala na rito ang mga gamit ko?" Kunot noong tanong ko sa katabi ko.
"Sabi ni sir Jerome binigyan ka raw ng board ng sariling office." Kaswal niyang sagot.
"Saan daw?"
"Second to the last floor." She said, Tumango lang ako bago naglakad sa floor na sinasabi niya. Nagtanong pa ako sa receptionist ng floor kung saan ang bagong office ko. Tinuro niya ang isang pinto. I was surprised when I open the door. The room is okay, relaxing, at may mahabang sofa. I was checking the whole room nang biglang tumunog ang telepono sa may table. I answered it
"Hey, that's your new office. Ayokong may nakakasalamuha kang iba. What's mine is mine zane." Then he hung up.