11

256 19 2
                                    


Alas diyes y media na ng gabi pero hindi pa rin ako inaantok. There's something in my mind na bumabagabag sa damdamin ko at hindi maalis sa isip ko.

Bumaba ako para magtimpla ng kape na nakasanayan ko na tuwing hindi ako makatulog. Coffee is my medicine for everything. Tumingin ako sa kalangitan habang sumisipsip sa kape na tinimpla ko. Alam ko magiging iba na ang takbo ng buhay ko at lalong lalo na ang triplets dahil mayroon na silang kinikilalang ama. I don't know what will happen next, kung magiging normal pa ba ang lahat o mas magiging komplikado pa.

"Zane." I suddenly heard a familiar voice. Hindi na ako lumingon dahil alam ko namang si blaze yun.

"Blaze." I gulped as I saw him walk in my place. Wala itong suot pang itaas at tanging short lang. Hindi siya pinayagang umuwi ng mga bata, gusto raw nilang makita ang dad nila pag gising nila sa umaga.

"It's late. Why are you still awake?" Tanong nito sa mababang boses. Namayagpag ang katahimikan sa paligid namin.

"H-Hindi kasi ako makatulog. You, bakit gising ka pa?" I asked.

"I'm just finishing my coffee."

"Ang kukulit pala ng mga anak ko." He suddenly said. Nakatingin ito sa kumikislap na mga bituin sa kalangitan.

"They are." I simply replied to him.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak pala ako at triplets pa." Napabuga ako ng hininga at tinignan siya. Hindi ko alam kung may hinanakit ba 'to sa tono ng boses niya.

"It's been four years at wala akong alam. Wala akong kamalay malay na may tatlo na pala akong makukulit na anak."

"I-I'm sorry." Iyon nalang ang nasabi ko at napayuko.

"No, it's not your fault. Marami akong tanong na gustong malaman about my kids, but I know it's not the right time for that."

"N-No, you can ask me anything, handa akong sagutin ang mga tanong mo blaze. You deserve to know an answer." Ang sabi ko rito.

"Tell me, hindi ba masyadong pasaway ang mga anak natin?"

"No, I can handle them. They have limits naman. Alam nila ang tama at mali. Matatalino rin sila just like you." Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata na sinuklian ko rin.

"You raised them very well, how you manage to raise them e halos hindi ko makaya ang kakulitan ng mga anak natin samantalang lalaki ako." Tumawa siya ng mahina.

"Mababait naman silang tatlo. Minsan lang talaga may pagka-pilyo, tulad mo."

"Makulit ba ako noon? Akala ko hindi e."

"Oo kaya, lagi mo nga akong kinukulit noon e, para kang bata."

"Nasanay lang ako, iniispoiled mo kasi ako." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Iba ka kasi magtampo kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo. You are very much the same just like Riley. Masungit, matampuhin at laging gustong makuha kung ano gusto."

Lumapit ito sa akin and he both cupped my face.

"Alam ko Riley is just like me. But I assured you one thing maaaring makuha nila sa akin." Napalunok ako ng maramdaman ang init ng katawan niya.

"A-Ano yun?" I asked stammering.

"Kissing the man I loved the most." At doon ko naramdaman ang pagdampi ng labi nito sa mga labi ko.

"Dada?" Dahil sa gulat ay bigla kong naitulak si blaze nang marining ko ang boses ng anak ko. It's Renz. Pinagdarasal ko na sana hindi niya nakita ang ginagawa namin ni Blaze.

Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap niya. Marahan kong hinawi ang medyo may kahabaan na nitong buhok at inipit a may tainga niya.

"Da, I had a bad dream." He said.

"Shh, it's okay. It is just a dream baby, hindi yun totoo. I'm here, I'll protect you." I said. I caressed his back.

Iniwan ko na si Blaze sa may baba para patulugin ulit ang anak ko. Nang makatulog na ulit ito ay saka na ako lumabas at pumunta sa kwarto ko. Bigla ko namang naramdaman si Blaze sa likod ko.

"Blaze."

"Let me hug you. Zane, thank you. Because you gave my name to them. You let them use my name. I am so proud of them because they are my little Montelvan." He said habang nakayakap sa likod ko

"Zane, pakasalan mo ulit ako. Pakasalan mo ako." He suddenly said at pinaharap ako.

Nakatingin lang siya ng diretso habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Tila tumigil ang lahat ng sa paligid ko at tanging boses niya lang ang naririnig ko. Malinaw na malinaw

"Zane, please marry me again."

His Possessive WaysWhere stories live. Discover now