Zane Alistair
Pumasok ako sa opisina ni blaze at naabutan ko ang secretary nitong prenteng nakaupo sa swivel chair ni blaze? Ganito ba umakto ang isang sekretarya lamang?
"Where's Blaze?" Agarang tanong ko.
Tinaasan naman ako nito ng kilay? Ow wow such an attitude.
"And who are you? Hindi ba ikaw yung kasama niya kahapon?" Ang mataray nitong tanong.
"Ako? Isa akong engineer dito. And I need blaze right now! Wala akong panahon para makipag usap sa tulad mo." I looked at her from head to toe. Tsk, a clingy leech. Halatang halata.
"Sorry? Busy ang boyfriend ko, bawal siyang istorbohin." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. What boyfriend?
"Excuse me? Boyfriend? Ha, masyado naman atang mataas ang lipad mo." I smirked.
"Yes, I'm his girlfriend."
"HAHAHAHAHAHAHA. Keep on dreaming honey." Ang natatawa kong sabi dito.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si blaze. Tanginang lalaki 'to
"Yes, sweetie?" Agad na sagot nito sa kabilang linya.
"Pumunta ka nga rito sa office mo, may mahalaga lang akong sasabihin."
Napatingin naman ako sa sekretarya niya na bigla nalang umalis sa kinauupuan niya at natarantang bumalik sa kung saan ang office niya. Which is nasa loob pa rin ng office ni blaze.
"Hi."
Agad naman ako lumingon kay blaze at walang pag aalinlangan na hinalikan siya sa harap ng secretary niya, Nakita kong nagulat ito sa ginawa niya pero kalaunan ay tumugon din.
Kung hindi ko pa hinampas sa braso ay hindi pa ito titigil. Tumingin naman ako sa secretary niyang nakatulala sa amin.
"Really blaze? Ganitong uri ng babae ang gusto mong maging girlfriend. Ang pangit ng taste mo."
"What are you talking about?" Ang naguguluhan nitong tanong sa akin.
"Hinahanap kasi kita at saktong nandito pala ang hitad— este secretary mo kaya tinanong ko. And guess what? She said wala rito ang boyfriend niya that you're busy at bawal istorbohin." Umigting naman ang panga ni blaze ng marinig ang mga sinabi ko.
"S-Sir, he's lying Hindi ko po sinabi yun."
"Siya pa nga po ang kini-claim kang boyfriend niya e." Ang naiiyak nitong paliwanag
"Tignan mo, binabaliktad pa ako."
"Sino ka ba ha?" Biglang sigaw niya. Unlimited ba ang babaeng 'to at paulit ulit ang tanong
"Sinabi ko na sayo diba? I'm an engineer here. And oh! I forgot."
"You want to know me that bad ha? Well, I'm Zane Alistair Marquez-Montelvan. Yes, montelvan kasi asawa ko itong kini-claim mong boyfriend mo."
Nakita ko naman ang gulat sa kanilang mga mata.
Tumitig ako kay blaze na ngayon ay may luha na sa mga mata na nakatingin sa akin. Parang hindi pa ito makapaniwala sa sinabi ko.
"Yes, blaze. Sinasagot na kita and I'll marry you again. Handa na ako, kahit anong pagsubok ang dumating sa atin, kakayanin ko. Malalampasan natin ng magkasama. I love you so much Blaze."
Inisang hakbang niya ang pagitan namin at niyakap ang ng sobrang higpit. Naramdaman ko pa ang panginginig ng balikat niya hudyat na umiiyak ito. Naiiyak na rin ako, tama ang desisyon kung pumayag na magpakasal ulit sa kanya. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko ang isang tulad niya.
"I love you Zane. You don't know how happy I am right now. Fuck! Sa mga oras na 'to, I feel like I am the happiest man alive."
He cupped my cheeks and claimed my lips again. We kissed passionately like we were the only person in his office.
"I love you so much and our sons."
Pagkatapos ng nangyari sa office ni blaze ay hindi na ako nito tinantanan. Jusko, ang cliny ng lalaking 'to. Pinaalis na rin niya ang secretary niya. Lalaki ang bagong sekretary nito, pero parang hindi. He's like a boy. Just like me, balingkinitan din ang katawan nito, medyo may katangkaran. He is Aiden Cortez, naging kaibigan ko agad 'to dahil napakagaan ng loob ko rito. Ang hinhin niya, I heard na siya nalang mag isa ang bumubuhay sa sarili nya. His parents died in a car accident. Lumaki ito sa bahay ampunan
Sa awa ng diyos na itaguyod niya ang sarili, 2nd year college lang ang natapos nito sa kursong bachelor of science in business administration.
"Let's go." Aya ni blaze sa akin.
"Okay, tara." Inabot naman niya ang kamay na tinanggap ko rin.
Pag dating sa bahay ay naabutan namin ang tatlo sa sala na nanonood ng favorite nilang slum dunk. Ang galing daw kasi noong bida na pula ang buhok.
"Dada, daddy!" Agad na tumakbo si renz blair sa gawi namin. Kinarga naman 'to ni blaze sa kabilang bisig niya. Ang kulit talaga ng isang 'to
"Hi ma, hi dad." Bati ni riley
"Hi da, Hi dad." Ganun din si rex saka kami hinalikan sa pisngi at labi.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa mga ito. Sabay sabay naman silang umuling kaya inaya ko na sila sa may kusina. Pinaghanda ko sila ng makakain nila saka na rin ako umupo para kumain. Nagkukulitan ang triplets kaya ang ingay ng hapag.
"Tama na yan." Saway ko sa kanila.
"May sasabihin si dada sa inyo."
Agad naman silang tumigil at tumitig sa akin. Ngumiti naman ako at tumingin sa daddy nila. Hinawakan naman ni blaze ang kamay ko kaya napatingin sila doon.
"YIEEE! Si daddy at dada M.U na, da gusto ko po ng baby sister!" Ang magiliw na sabi ni renz blair. Jusko, ang batang 'to talaga oo.
"Ikaw talaga ang kulit kulit mo."
"Me and your dada. We're getting married again." Ang kuhang atensyon ni blaze sa mga ito
Bigla naman nagtatalon si renz at rex na ikinatawa ko. Si riley naman ay binati lang kami sabay ngiti, ang seryoso talaga ng batang 'to akala mo matanda kung magsalita.
"YEHEY! IKAKASAL NA ANG DADDY AT DADA KO!" Ang sigaw ni renz
"Dada, daddy! Flower boy po ako ha."
"Yes love, ikaw ang flower boy namin." Ang sabi ni blaze saka ito binuhat at hinalikan sa buong mukha na ikinatawa ng huli.
"I love you daddy ko." He said. Tumingin naman ito sa akin and gave me his toothy smile. "I love you rin sa pretty at cute kong dada." Lumapit ako rito at hinalikan din ang buong mukha niya. Ganun din ang ginawa ko sa dalawa.
Ang saya ko na makita silang apat na magkakasama at nagkukulitan. Wala na akong mahiiling pa kundi ang kaligayahan nila.