CHAPTER 04

16.5K 281 3
                                    


M.A series 04 Rios Sandoval book 02 is now completed on patreon and vip group.




"So ano na ang gagawin mo niyan ngayon? my god hindi ko talaga naisip na kaya mong makipag-one night stand." Parang nanenermon na sabi ni Theresa sa kaibigan, sino bang mag-aakala na magagawa ng kaibigan niyang hindi makabasag ng pinggan na sumama sa lalakeng kakakilala lang at makipag-sex pa? She recieved a call from her and got worried when she heard her crying over the phone. Nagpasundo ito ilang street mula sa kanyang bar at akala niya pa nga noong una ay na-rape ito dahil maliban sa nakayapak ang kaibigan ay wala din ang pouch nitong dala kagabi ng makita niya kanina. "So ano na? Hindi ka ba mag-aaya sa police station para ireport ang tungkol diyan?"




Sa police station? No way na pupunta ako do'n. "Anong police station? That the least thing I will do okay, hindi ako pupunta do'n." Sabi ko sa kanya, anong sasabihin ko sa mga pulis? May naka-sex ako na pari? Nahhh no way! Hindi ko mapapayagan 'yon! Nakakahiya!

"N-Nothing, ano pa bang gagawin ko?" Naiiyak na sabi ko, hindi ako umuwi ng bahay dahil baka magbigti na lang ako dahil sa kagagahan ko kagabi, at alam ko hindi naman 'yon mangyayari sa akin kung hindi dahil sa kalasingan.





"Don't feel guilty, gaya ng sabi mo hindi mo din naman alam na pari pala ang lalake kagabi." Gusto pa sanang sermunan ni Theresa ang kaibigan pero dahil umiiyak ito at parang tuliro pa ay hindi na lang muna. Kasama niya ito kagabi sa bar niya, silang magkakaibigan pero nawala na lang ito bigla. Akala niya tuloy ay umuwi na 'to kaya naman hinayaan niya na, but she was surprised seeing her car on the parking lot of her bar when she went around four in the morning. Kaya ilang beses din niyang tinawagan ito pero hindi naman nagri-ring hanggang sa inabot na ng umaga at ito na mismo ang tumawag sa kanya pero gamit ang ibang numero.





"N-Nakakahiya, hindi ko naman kase alam tsaka paanong ang isang pari na gaya niya ay nandoon din sa bar?" Tanong ko kay Theresa, masakit na nga ang ulo ko dahil sa alak tapos mas sumakit pa dahil sa nalaman ko. Para akong nangdidiri sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala na nakipag-sex ako sa isang pari! And I know it was really a sin.






"Magpahinga ka muna Azmyrah, come on 'yong driver ko na lang ang magda-drive ng kotse mo." Sabi ni Theresa, nasa bar niya kase siya ngayon at matapos nga na sunduin niya ito kanina ay dito muna sila dumiretso. Pinahiram din niya ito ng jacket para naman matakpan ang nakalantad nitong mga balikat.





Tumango ako sa kanya, tama hindi ko dapat isipin na kasalanan ko dahil unang-una ay hindi ko naman talaga alam na pari pala ang kasama ko kagabi. And I'm also drunk last night kaya wala talaga ako sa sarili ko. But I'm worried because I forgot my belonging on the hotel room earlier, nando'n pa naman ang susi ng kotse ko, cellphone at ilang ID and I know that priest might saw my things! At kung sakaling makita niya nga ang gamit ko malamang ay bigla na lang itong sumulpot sa harapan ko.





Pinahatid ni Theresa ang kaibigan sa driver niya, kung hindi lang siya may hinihintay na tao para makausap ay siya mismo talaga ang maghahatid dito pero mamaya ay pupuntahan na lang niya siguro 'yon.





Tiningnan ng maigi ni Demitrious ang bahay na nasa harap niya, base sa nakalap niyang impormasyon tungkol kay Alyssa ay dito ito nakatira. Pinakelaman niya na din ang cellphone nito at kahit pa nga sabihin na may password 'yon ay nabuksan din naman niya. He saw some selfies of her, at mga kaibigan nito siguro ang ibang kasama sa iba pang litrato na nasa telepono nito. But what really matters is he found out her address and now gusto niya itong makausap dahil hindi niya palilipasin ang araw na 'to ng hindi niya nakakaharap ang dalaga.





"Ano bang sabi ko sa inyo ha? Diba sabi ko at bilin ko kanina ayoko tumanggap ng bisita?" Ang boses ni Azmyrah ang narinig ni Demitrious habang pababa ito ng hagdan, nauunang naglakad dito ang nakausap niyang kasambahay nito kanina. Ayaw pa nga sana siyang papasukin ng guwardiya kanina at maski ang dalawang bodyguard na naroon ay pinigilan din siya. Alyssa have a security guard and after knowing her identity he knew now that she's not a simple woman or a damsel in distress like he thought.





"Pero Ma'am mapilit po kase 'yong lalake kanina at maski nga po 'yong securities niyo ay walang nagawa eh." Kinakabahan na sagot ng kasambahay ni Azmyrah, alam naman niyang ayaw na ayaw pa naman ng amo niya na inaabala ito kapag ganitong nagpapahinga.





Nahihilo akong napahawak na lang sa gilid ng hagdan, matapos akong ihatid ng driver ni Theresa kanina dito sa bahay ay nagpahinga agad ako. Masakit kase ang buong katawan ko at ang akala ko kanina na lalagnatin ako ay tuluyan ng nangyari dahil mainit na ang pakiramdam ko ngayon tapos bigla namang may darating na ganito. At hindi ko pa alam kung sino ba ang lintek na bisita ko daw na dumating ngayon dito sa bahay.






Agad namang tumayo si Demitrious mula sa pagkakaupo ng magtama ang tingin nila ni Alyssa, he's right she's really living here. At mukhang tama lahat ng impormasyon na nakuha niya dito. "Hi.."





Surprised is not the right word to explain Azmyrah's reaction when she saw Demitrious but she looked so frighten when she saw him. "A-Anong ginagawa mo dito? P-Paanong--?" Pero hindi na natuloy ng dalaga ang sasabihin niya dahil bigla na lang itong bumagsak sahig. Naging mabilis naman ang kilos ng binata at bago tumama ang ulo ni Azmyrah sa tiled floor ay nasalo niya na ito.





#maribelatentastories

 Azmyrah Alyssa RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon