Hi! 2 days pala akong walang update, wed and kahapon paano kahapon lang natapos yung pa-siyam namin kay tatay tapos may inasikaso pa kami sa museleo sa San juan. And sa Sunday na namin siya dadalhin do'n. Again salamat ng marami sa mga nagpaabot ng tulong, thank you thank you so much! By Monday na ako update ulit, punta pala kayo bukas sa book signing ng psicom sa national bookstore q.ave hehe.
Ramirez hotel..
Nakasimangot na tiningnan ulit ni Azmyrah si Demitrious na kanina pa nakatingin ng masama sa kausap niyang si Julius, isa ito sa engineer ng kanyang hotel na tatlong taon lang naman ang tanda sa kanya. At oo ilang beses na itong nagsabi sa kanya na gustong mang-ligaw pero dinededma niya lang dahil nga hindi din naman niya type ang binata. Isa pa ayaw niya talaga hinahaluan ng ganong klaseng relasyon kung sakali ang negosyo niya, dahil para sa kanya ay malas ang gano'n. Pero ngayon habang nandito si Demitrious sa opisina niya ay siya namang pagpunta dito ni Julius na may dala-dala pa talagang bulaklak para sa kanya.
"Oh paano, una na ako Azmyrah, basta sana sumama ka man lang sa akin lumabas or mag-dinner man lang." Sabi ni Julius na tumayo na sa pagkakaupo, hindi niya alintana ang presensiya ni Demitrious doon kahit kanina pa niya halata na parang naiinis ito sa kanya.
"Ewan ko sa 'yo, sige na basta sa Friday mo na lang idaan dito sa office 'yong proposal mo sa project na gusto ko." Sabi ko naman sa kanya, balak ko kase magpagawa ng isa pang pool dito sa main branch ng Ramirez hotel, at syempre hindi naman basta-basta lang 'yon na magbubungkal ng lupa dahil may proposal pa 'yon na tinatawag kung saan ba mas maganda ilagay at kung gaano kalalim lang ang puwede. At lahat ng desisyon ay sa akin mang-gagaling.
"Don't worry aagahan ko pa ang pagtapos no'n, malakas ka sa akin eh." Pabirong sabi ni Julius na akma pa ngang kukurutin sana sa pisngi si Azmyrah. Pero bago niya pa magawa 'yon ay agad na silang nakarinig ng pag-tikhim mula sa kanilang likuran. Kaya sabay silang napatingin ni Azmyrah doon.
Pero wala naman imik si Demitrious at seryoso lang na nakatingin sa dalawa ng tingnan siya ng mga ito. Kaya naman naglakad na papunta sa pintuan ng opisina si Azmyrah.
"Sige na Julius, tawagan mo na lang ako if may update na sa pinapagawa ko." Sabi ko sa kanya, ako ang hindi komportable sa ginagawang tingin ni Demitrious kay Julius na akala mo ay malaking kasalanan ito.
Pero bago tuluyang lumabas si Julius sa loob ng opisina ni Azmyrah ay tiningnan pa niya si Demitrious mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri pa ito.
Sinara ko ang pinto at ni-lock na din 'yon pagkalabas ni Julius sa opisina ko. "You're so rude." Inis na sabi ko kay Demitrious bago bumalik sa swivel chair ko.
Doon naman na sinundan ng binata si Azmyrah sa may lamesa nito at tsaka naupo sa dulo ng lamesa at hinawakan ang binigay ng lalake na kausap nito kanina na bulaklak. "Tsk, flowers? ang panget naman nito." Walang preno na sabi niya sa dalaga.
Napataas talaga ang kilay ko tsaka ko siya tiningnan, inagaw ko din ang bulaklak na hawak niya. "Shut up, wag mo ako ganyan-ganyanin dahil ngayon ka lang nagpakita sa akin." Naiinis kong sabi sa kanya, ito 'yong klase ng tao na susulpot na lang dito sa opisina ko o kaya naman sa bahay ko matapos hindi magpakita ng ilang araw sa akin. At akala niya ayos lang sa akin 'yon, hindi no!
Doon naman sumilay ang pilyong ngiti ni Demitrious, parang natuwa siya sa sinabi ni Azmyrah. So hinahanap niya ako siguro? Or hinihintay gano'n? "Why? Did you miss me huh?"
Natawa ako ng mapakla sabay tingin sa kanya, ang kapal din talaga ng lalakeng 'to. Three weeks siyang hindi nagpakita sa akin tapos ngayon lang sumulpot at ang lakas pa ng loob magsabi ng ganito ha. "In your dreams Demitrious, ang kapal mo no." At inirapan ko pa siya sa inis ko.
At dahil matigas din ang ulo ng binata at hindi din magpapatalo basta-basta ay umalis na siya sa pagkakaupo sa lamesa at hinila si Azmyrah hanggang makatayo ito sa harap niya. "Hindi mo naman kailangan itanggi kung namiss mo ba ako o hindi. Na-assign kase ako sa Ilocos, may hinawakan akong kaso kaya hindi ako nakapunta sa 'yo." Paliwanag niya dito, hindi naman niya puwedeng tanggihan ang kaso dahil siya ang mismong humahawak no'n. At hindi na nga din niya pinaalam pa kay Azmyrah pero mukha ngang hinintay siya nito dahil ni kontak sa text o pagtawag ay hindi niya ginawa. And the way she's acting now proved it so..
I looked at him, mukha naman siyang hindi nagsisinungaling pero kahit na diba? Dapat nagsabi man lang siya sa akin! "Teka nga, bitiwan mo nga muna ako." Piksi ko sa pagkakahawak niya sa braso ko. He's really touchy, mahilig talaga siya mang-hawak eh.
Pero hindi naman nagpatinag si Demitrious at mas lalo lang hinila palapit sa kanya ang dalaga at dahil doon ay naamoy niya ang pabango nito na manamis-namis. "I miss you, seryoso namiss talaga kita kaya pagdating namin dito sa Manila ay dito agad ako sa 'yo dumiretso." Pag-amin niya dito, ni hindi pa nga siya nakakauwi sa bahay niya at dito niya talaga binalak na dumiretso.
Para namang namula ang mga pisngi ni Azmyrah dahil sa sinabi na 'yon ng binata. But she need to be fierce right now or else ay iisipin ng lalake na 'to sa harap niya na okay lang ang ginawa nito sa kanya. "Tigilan mo nga ako puwede? At huwag mo na ako bolahin pa." Sabi niya dito.
Itinaas ni Demitrious ang baba ni Azmyrah at tiningnan ito sa mata nito. "Hindi kita binobola no, minadali ko nga matapos ang kaso na hinawakan ko dahil gusto na kita makita." Totoo 'yon dahil talagang tinutukan niya ng husto ang kaso na hawak para matapos niya agad. Tungkol sa drugs naman ang kaso na katatapos lang nila hawakan ng kanyang team, kung saan mga pulitiko at mga ilang pulis pa ang kasali. And they solved it after three weeks, kaya siguro makakapag-pahinga siya ng ilang araw bago ulit humawak ng panibagong kaso.
"Totoo na kung totoo, pero bintawan mo muna ako dahil hindi pa ako tapos sa ginagawa ko." Mag aalas kuwatro pa din naman kase ng hapon at hindi pa din talaga ako tapos sa mga binabasa ko na report galing sa H.R department.
"Tutulungan na lang kita sa ginagawa mo, pero ngayon pa-kiss muna ako." Ani ni Demitrious bago siniil ng halik si Azmyrah.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
Azmyrah Alyssa Ramirez
RomanceAzmyrah and Demitrious story🖤 R-18 story: Read at your own risk.