CHAPTER 10

9.4K 214 3
                                    

Hi! On going pa din po ang M.A series Finale sa vip group at patreon apps. Mababasa niyp do'n 'yong mga special chapters na nasa libro.









"Theresa!" Saway ko sa kanya dahil kanina pa siya nakatitig kay Demitrious, at alam na alam ko 'yong mga tinginan nitong ganito. Malamang sa malamang ay kung anu-ano ng naiisip ng babaeng ito tungkol sa amin. 

"What? Para tinitingnan lang si Mr. Jackson eh." But Theresa is gawking him obviously like he did something bad towards to her friend. Matapos dumating ng lalakeng ito sa opisina ni Azmyrah ay pinakilala naman siya ng kaibigan niya dito at doon nga niya na-realize na ito ang kinukuwento ng kaibigan niya na naka one night stand nito noong nakaraan! "Pero hindi ka mukhang pari Mr. Jackson." Hirit pa niya. 

Kulang na lang ay sipain ko si Theresa sa mga pinagsasabi niya at kung wala lang talagang lamesa na nakaharang sa aming dalawa ay ginawa ko na 'yon, kaya pinang-lakihan ko na lang siya ng mata. I looked at her on a fierce way too, dahil baka kung ano ang isipin nitong katabi ko. Lumabas kase kami ng hotel ko at dito nga sa bar niya kami nagpunta pagkatapos, wala pa ngang ibang tao o costumer maliban sa aming tatlo at mga empleyado niya dahil maaga pa din naman. 

Kalmado lang na nginitian ni Demitrious ang dalaga na nasa harap niya, so this the owner of this bar. Kung saan niya nakilala mismo si Alyssa at sa tingin niya ay alam nito ang tungkol sa kanya at kaibigan nito. "Kung ano man ang kinuwento sa 'yo ni Alyssa ay ang mali lang doon ay hindi ako totoong pari." Tutal mukha namang  may alam ito ay mas mabuti na din na sabihin niya ang totoo. 

"Don't explain to her Demitrious, makulit lang talaga 'yan kaya ganyan." Sabi ko naman sa kanya, dapat kase hindi siya nag-oo kanina ng yayain siya nitong si Theresa na magpunta dito. Pero hindi at pumayag ba naman agad. 

"I'm just curious okay, tsaka wow ha. You let him call you with your second name." Ani ni Theresa, ayaw na ayaw kase nitong si Azmyrah na tinatawag siya sa pangalan din naman nitong Alyssa. Hindi daw kase ito sanay at mas gusto na tawagin sa pangalan nitong si Azmyrah. Pero mukhang nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon. 

Sumandal ako sa upuan, nginitian ko ng ubod ng tamis ang kaibigan ko dahil baka masakal ko na siya. 

"Azmyrah is like my sister Mr. Jackson kaya pag-pasensiyahan mo na ang pagiging matanong ko." Theresa drank her beer, parang hindi na kaya ng katawan niya na hindi uminom kahit isang bote ng beer sa isang araw. At hindi katulad noon na napakabilis niyang malasing dahil ngayon matagal na at talagang kailangang madami talaga siyang mainom. 

"I understand, and drop the Mr. Jackson, you can call me on my name." Ani ni Demitrious, he felt old when someone call him with his last name so.. "Wala din naman kaso sa akin dahil kahit ako siguro ay magtatanong kapag nakita ko ang kaibigan ko na may bumisitang lalake." Sabi niya sa kaharap at tsaka ininom na din ang beer na nasa harapan niya, apat na araw siyang hindi nagpakita kay Alyssa dahil may hinawakan siyang kaso at galing din siya sa ospital. At sa totoo lang kalalabas niya lang din kaninang tanghali pero pinuntahan niya talaga itong si Alyssa dahil hindi nito sinasagot ang tawag niya.

"You look perfect together, bagay kayo ng kaibigan ko. So kung ano man ang mero'n kayong dalawa ay maging masaya sana kayo." Komento pa ni Theresa, sa totoo lang marami siyang gustong itanong sa kaibigan niya pero tsaka na lang siguro dahil ito munang lalake sa harap niya ang iinterviewhin niya ngayon. 

"Theresa!" I glared at her, ang dami naman talagang komento oo!



  Azmyrah let Demitrious drank with Theresa, basta siya ang hindi uminom at hinayaan niya lang ang dalawa na ubusin ang isang bucket na beer. Nakikinig lang din siya sa kuwentuhan ng dalawa na para bang matagal ng magkakilala at close sa isa't-isa. Pero ng maubos na ang isang bucket at balak pa sanang kumuha pa ng kaibigan niya ay doon niya na ito inawat dahil gusto niya ng umuwi. 



  "I will not say sorry about my friend Demitrious dahil parang close na close kayong dalawa." Sabi ko agad sa kanya pagsakay ko ng sasakyan niya. Pinauwi ko na ang driver at dalawang bodyguards ko dahil kahit hintayin pa nila ako ay alam ko naman na magpipilit pa din ang lalakeng ito na ihatid ako. 

"She's so loquacious.." Yon lang ang nasabi ng binata matapos paandarin ang makina ng sasakyan, napahawak din siya agad sa bandang kaliwa ng kanyang tiyan ng kumirot na naman 'yon. Hindi nga yata siya talaga dapat lumabas sa ospital agad at hinayaan niya munang magpagaling ng ilang araw doon dahil ito ang nangyari. 

Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi pa kami umaalis. "Are you okay? Is there something wrong huh?" I got worried because of his reaction, na para bang may masakit ito sa katawan dahil namumutla siya. But I felt more agitated when I saw a blood! Doon sa nakahawak niyang kamay sa tiyan niya. "What the hell? B-Bakit may dugo sa kamay mo?"

"D-Don't worry wala lang 'to." Pilit pang ngumiti si Demitrious para wag mag-alala sa kanya si Alyssa pero nagsunod-sunod na ang pagkirot ng sugat niya. 

Pero tinanggal ni Azmyrah ang kamay ng binata na nakahawak pa din sa may tiyan nito at ng maalis nga 'yon ay itinaas niya ang suot nitong damit. At doon niya nga nakita na may gauze pad na nakalagay sa may tiyan nito pero may dugo naman. "N-Nabaril ka? Oh my god this is a gun wounds!" 

"Yes, napasabak kami kahapon sa isa naming hawak na kaso pero daplis lang naman 'yan." Ani ni Demitrious na kahit nahihirapan ay kinabit pa din ang seatbelt niya. "Come on ihahtid na kita sa bahay mo." Hindi naman niya hahayaan na mag-commute ito mag-isa dahil kaya pa naman niyang mag-drive. 

"No way! Anong ihahatid? Magpalit tayo ng puwesto at ako ang magda-drive, dadalhin kita sa ospital." I'm so sure tama ang hinala ko na tama talaga ng baril ang sugat niya pero bakit hindi niya sinabi kanina? At talagang uminom pa!

Hindi naman na kumontra pa si Demitrious ng lumabas ng sasakyan si Alyssa at inalalayan siya nitong maupo sa front seat at ito na ang magmaneho. 


#maribelatentastories

 Azmyrah Alyssa RamirezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon