Literal na naninibago ako sa inaasta ngayon sa akin ni Demitrious, dapat yata hindi ko na siya sinabihan sa tungkol sa amin dahil nag-iba ang trato niya sa akin. I mean sabi nga ni Theresa ay dapat daw akong matuwa dahil sinunod nito ang gusto ko pero parang nasborahan yata at talagang tinotoo niya ang pang-liligaw sa akin. Wala pa siyang bagong kaso na hinahawakan pero syempre pumapasok pa din siya sa trabaho at pagkatapos nga ng duty niya ay tsaka siya pumupunta sa hotel ko para sunduin ako. At parang naging araw-araw na 'yon simula ng makabalik sa Ilocos pero sinabihan naman niya ako na depende talaga sa schedule.
"Are you okay? Bihira lang ang puwedeng mag tour dito sa loob ng NBI Alyssa.." Huminto sila sa ikatlong palapag ng tanggapan kung saan naroon ang opisina ni Demitrious. Inaya niya ito na kumain ng tanghalian pero pag tapos naman nilang kumain ay dito niya muna ito dinala sa NBI para makarating naman ito dito.
"I'm good, ang laki pala nito no." Tiningnan ko pa ang buong gusali at sumilip pa ako sa hagdan at mula nga sa kinakatayuan namin ay kita namin ang lobby ng NBI. Madami palang empleyado 'to, at mukhang matagal na nga si Demitrious dito dahil halos lahat ng makasalubong namin ay kilala siya at binabati siya kanina.
"This is my home for so many years Alyssa, at ito talaga ang tinuturing kong unang tirahan." Nag-pamulsa pa ang binata habang nakikipag-usap kay Azmyrah. "Let's go, do'n tayo sa office ko." Aya niya dito.
Ngumiti naman dito ang dalaga at sumunod dito. Isang kulay brown na pintuan ang pinasukan nila at doon nga ay ang hindi mabilang na mga lamesa ang nakita niya pagpasok sa loob at madaming empleyado din ang nandoon at puro lalaki!
"Sir!" Sabi ng isang lalaki na mabilis pa sa alas kuwatro na lumapit kay Demitrious, may apilidong Santos sa suot nitong uniform pero ang tingin naman ay hindi maalis kay Azmyrah.
"Tigilan niyo ang mga ganyang tingin Santos." Saway agad ni Demitrious sa tatlong tauhan niya na lumapit sa kanya. Ito 'yong mga tine-training niya pa at tinuturuan pa kung ano ba ang mga dapat gawin sa trabaho. Mga baguhan sa NBI pero sumusunod naman ito sa kanya at mga kasundo niya.
"Hi.." I smiled on the three men infront of us, and even waived my hand on other men who greeted me as well. Parang ang gulo sa office nila dahil ang tataas ng mga papel na nakapatong sa bawat lamesa pero mukha namang mababait ang mga lalake na nandito.
Agad naman inilahad ng tatlong lalake ang kani-kanilang kamay kay Azmyrah pero bago pa makipag-shake hands si Azmyrah ay pinagsalikop na ni Demitrious ang kanilang kamay.
"Do'n tayo sa office ko." Ani ni Demitrious na itinuro ang isa sa pintuan na nasa loob din ng kuwarto. Aalm niyang nagulat ang mga kasamahan na may kasama siya lalo pa at ito ang unang beses na nagdala siya ng babae sa ahensiya nila tapos babae pa.
Kaya naman ngumiti na lang ako sa mga kasamahan niya sa trabaho at sumunod na lang din kay Demitrious.
Pinagbuksan ng binata si Azmyrah ng pinto, maliit lang ang opisina niya pero ang habol niya kase dito ay may privacy siya. Pero syempre hindi naman siya kaagad nagka-ganito dahil tatlong taon pa lang ang office niya na 'to. At noon doon lang din siya sa mga lamesa sa labas nagtatrabaho pero dahil tumataas ang ranggo ay nabibigyan siya ng ganitong pribilehiyo.
Naamoy ko agad ang bamboo fresh scent mula sa kulay puting humidifier pagpasok namin, maliit ang office niya pero malinis naman ito. May lamesa at upuan, mayroon din isang shelf na kulay puti din kung saan may mga nakalagay na envelope at folder. And lastly may nakita akong personal ref sa gilid ng lamesa.
"Upo ka." Turo ni Demitrious sa upuan na nasa tapat ng lamesa niya bago niya hinila ang isa pang upuan doon para makaupo naman siya. "Hahatid din kita sa hotel mo maya-maya."
"So ito pala ang office mo." Sabi ko, at hindi nga talaga siya nagsisinungaling dahil totoong NBI agent pala talaga siya.
"Yes, maliit lang pero ang habol ko kase dito ay may privacy ako at nakakapag-isip ako ng maayos kapag pinag-aaralan ko ang mga kasong hinahawakan ko."
Tumango-tango ako, totoo naman 'yon iba pa din kapag may sarili kang opisina at nakahiwalay ka sa mga katrabaho mo dahil makakapag-focus ka talaga.
Tumayo naman si Demitrious at kumuha ng inumin sa maliit niyang ref doon, dalawang pineapple juice ang kinuha niya doon at ibinigay niya ang isa kay Azmyrah pagkatapos niyang pagbuksan ito.
"Thank you." Sabi ko naman, busog pa ako dahil kakakain lang din namin. "Saan naman 'yong sinasabi mo na tinutulugan mo dito?" Tanong ko sa kanya, madalas niya kaseng sinasabi na dito daw siya natutulog sa trabaho niya pero malabo naman 'yon dito sa office niya dahil maliit nga ito.
"Sa fourth floor naman 'yon pero hindi ko na ipapakita sa 'yo dahil makalat doon." Natatawa na kuwento ng binata. Talagang makalat doon dahil hindi lang naman siya ang natuutlog at gumagamit ng headquarters nila kung hindi ibang empleyado doon.
"I see." Ani ni Azmyrah na tumingin sa kanyang rili, one thirty na ng hapon at may meeting siya ng alas tres kaya kailangan niyang makabalik sa hotel niya bago mag three. "Dapat dinala ko na lang 'yong kotse ko para hindi mo na ako ihatid."
"Why? Mabilis lang naman ang biyahe ah." Sabi pa ni Demetrious.
"Talagang mabilis kase motor ang sinakyan natin, and that's the first time I tried to ride a motorcycle Demitrious." Nakalabi na sabi ko sa kanya, hindi naman sa nagulat pero first time ko talagang sumakay sa motor kanina. At hindi ko alam na may motor pala siya dahil kapag nagpupunta naman siya sa hotel ko ay sasakyan ang gamit niya pero iba ang kanina.
"Pero maingat naman akong mag-drive diba?" Ani ni Demetrious, paano konting bilis niya lang kanina magpa-andar ay kukurutin na siya sa beywang ni Azmyrah kaya dahan-dahan lang din ang takbo niya.
Inirapan ko nga siya. "Dapat lang no, dahil lagot ka talaga sa akin kapag binilisan mo ang takbo."
"Yon nga ang maganda eh, 'yong mabilis tapos parang may hinahabol."
Mabilis na parang may hinahabol? Don't tell me he's referring about-- "Demitrious!"
#maribelatentastories

BINABASA MO ANG
Azmyrah Alyssa Ramirez
RomanceAzmyrah and Demitrious story🖤 R-18 story: Read at your own risk.