Wala na sigurong gugulantang at pinaka hindi inaasahan si Azmyrah na balita para sa kanya ng magkaroon ng drug operation sa hotel niya. Unang-una ay hindi niya inaasahan na may gano'n na nangyayari sa loob ng hotel niya lalo pa at very hands on siya pagdating sa negosyo at alam din niyang mahigpit ang security ng team niya. Kaya hindi niya talaga inaasahan na malulusutan siya ng ganitong kalaking problema.
"I-I swear hindi ko alam ang tungkol diyan okay, yes I'm the owner of the hotel but it doesn't mean alam ko na may ganyang nangyayari sa hotel ko." Mariin ko ulit na paliwanag sa tatlong pulis na nasa harap ko, natural na ako ang tanungin nila dahil sampung milyong halaga ng droga ang nakita at nakuha nila sa isa sa theme room ko sa hotel.
"We just need your cooperation Ma'am for further investigation." Sabi naman ng isa sa pulis na kaharap ni Azmyrah.
"Cooperation? Eh kulang na lang itong kaibigan ko ang sabihin niyong suspect sa drugs na 'yan kahit may nahuli na kayo." Mataray na sabi ni Theresa, binisita niya kase ang kaibigan sa hotel nito kanina at nandoon siya ng mangyari ang drug operation sa pagitan ng mga pulis at PDEA. May nahuli naman na mga suspect kung saan dalawang Pinoy ang nakita na nasa loob ng kuwarto na siyang may-ari ng mga drugs pero syempre dahil si Azmyrah ang may-ari ng hotel ay isa talaga ito sa maiimbestigahan. Pero hindi siya natutuwa sa nangyayari ngayon at tatahimik na lang habang kinakausap ng mga pulis ng mga ito ang kaibigan niya. Lalo pa at parang sinasabi pa ng mga ito na kasama din ito tungkol sa drugs na nakuha sa hotel kanina.
"Nag-iimbestiga lang po kami Ma'am at nandito din naman po ang abogado ni Ms. Ramirez kaya alam namin na alam din niya ang procedure." Magalang na sabi ng isa pang pulis na naroon.
I felt numb and honestly until now hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. At alam ko sa mga oras na 'to ay lumabas na sa mga news at social media ang ginawang drug operations sa hotel ko. And I'm super worried about my business dahil baka maka-apekto ang nangyari kanina sa negosyo ko.
Ilang sandali pa ay ang humahangos na si Demitrious ang dumating sa loob ng presinto, agad nitong pinakita ang tsapa sa mga pulis na humarang sa kanya at maski ang NBI id niya ay pinakita niya din.
"Demitrious.." Para akong maiiyak ng makita ko siya at nayakap ko na nga lang siya ng lapitan niya ako.
Agad namang ineksamin ng binata si Azmyrah na para bang ano mang oras ay maiiyak ngayon pagkakita sa kanya. He recieved a text message from her at sinabi nga nito na inimbitahan ito sa presinto dahil sa insidente na nangyari sa hotel nito kanina. "Are you okay? wala bang nangyari sa 'yo? Hindi ka ba nasaktan?" Sunod-sunod na tanong niya dito, he was really worried big time at halos paliparin niya na nga ang sasakyan papunta dito sa labis niyang pag-aalala.
"I-I'm good, gusto ko ng umuwi." Hindi ako bumitaw sa pagkakahawak ng kamay niya sa akin, kanina pa ako nandito at kanina pa din paulit-ulit ang tanong sa akin ng mga pulis sa harapan ko At isa lang lagi ang sagot ko sa tanong nila at 'yon ang wala akong alam sa drugs na nangyari sa loob ng hotel ko, at kung mag-iimbestiga sila ay willing naman ako makipag-tulungan sa kanila.
Si Demitrious na ang nakipag-usap sa mga pulis kasama ang abogado na naabutan niyang kasama ni Azmyrah kanina. At ilang sandali pa nga ay nakalabas naman sila sa presinto na dalawa, for investigation lang kase ang ginawa sa dalaga dahil unang-una ay siya ang may-ari ng hotel. Nagpa-iwan naman sa presinto ang kaibigan nito na si Therese kasama ang abogado na lalake.
"Uminom ka muna." Ani ni Demitrious na inabot ang inuman niya ng tubig, he knew that Azmyrah got nervous specially because this is a serious case. At sa tulad nitong isang negosyante isa na yata ito sa masasabi niyang isang bangungot na ayaw mangyari lalo pa at makakaladkad talga ang negosyo nito.
Tinanggap ko naman 'yon at uminom din talaga ako. Nakasakay na kami sa sasakyan niya pero nandito pa din kami sa parking lot ng presinto, buti din at wala na ang mga media kanina dahil nagkuha ito ng interview sa mga pulis matapos mahuli ang mga suspect.
"Are you okay now?" Tanong na naman ng binata ng ibalik sa kanya ni Azmyrah ang tubig.
"Y-yes.." Nangangatal pa din ang boses na sagot ko.
"I will help you on this okay? Pero bago kita matulungan ay tatanungin ko muna kung ano bang nangyari."
Tumango ako sa kanya, dahil maski ako ay hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari hanggang ngayon. At kung wala nga siguro kanina si Theresa ay baka umiyak na lang ako. "The police went to my hotel earlier, basta ang alam ko ay tinawag na lang ako ng isa kong bell boy at sinabi sa akin na may mga pulis nga daw na dumating sa hotel. So syempre nagtaka agad ako lalo pa at wala naman akong nakakausap na mga pulis, t-tapos 'yon na sa second floor agad sila nagpunta at nagpakita din naman sila ng search warrant. A-at first I don't really know what's happening basta ang alam ko binuksan nila yung room 210 hanggang sa lumabas ang dalawang guess doon at tsaka nila pinadapa 'yong guest at nag-search na sila sa loob." And I was really shocked when the police said they found marijuana on that room, at sampung milyon nga daw ang halaga no'n.
Demitrious held her hand before he tooked a deep breathe too. Alam niyang walang kasalanan si Azmyrah at kahit sa maikling panahon pa lang sila nagkakasama ay alam niya sa sarili na hindi nito magagawa na maki-sangkot sa gano'ng bagay.
"A-Ano bang mangyayari na sunod Demitrious? My god hindi naman siguro ako makukulong diba?" Naiiyak na sabi ng dalaga.
He wiped her tears on her cheeks, he knew that she was scared on what happened. Pero gusto niya din siguraduhin dito na nandito siya tabi nito. "Hindi ka makukulong okay? Yon ang sigurado ako dahil mag-iimbestiga pa ang mga pulis tungkol sa talagang nangyari kanina sa hotel mo. So all I want now is for you to calm down Alyssa, ihahatid lang kita sa bahay mo tapos babalik ako dito." Sabi pa ng binata, kanina niya pa talaga naiisip ang puwede niyang maitulong dito at ang unang-una ay dapat makuha din niya ang identity ng mga suspect pati na ang cctv footage sa hotel ni Alyssa para malaman niya kung ano pa ba ang ibang ginawa ng mga suspect at kung kailan pa ang mga ito doon naka check-in.
Hindi na ako nagsalita at niyakap ko na lang siya, para akong nadaanan ng tren sa kaba, sakit at takot na naramdaman ko kanina pero sana, sana lang wag itong maka-abala sa negosyo ko.
#maribelatentastories

BINABASA MO ANG
Azmyrah Alyssa Ramirez
RomanceAzmyrah and Demitrious story🖤 R-18 story: Read at your own risk.