Chapter 3

60 3 0
                                    

When I thought of avoiding him, I really mean it. Sa natuklasan ko kanina ay hindi ko alam kung paano ko pa siya patutunguhan.

Doon ay narealize ko na anlayo nga ng agwat naming dalawa at siya yung tipong mapaglaro lang kasi hindi niya pa nakukuha.

Pagkaalis ko ay dumiretso agad ako ng uwi. Gusto ko nalang yakapin ang anak ko dahil paniguradong hindi ko maibibigay ang gusto niya. He wants a complete family and I don't think I can give it to him.

Pagkarating ko ay sinalubong agad ako ng boses niya at doon ay biglang nawala ang inaalala ko kanina.

"Mommy, you're here!" ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap.

"How's your day, Nikko?" I asked him sweetly.

"It's good naman, Mommy. But I'm sad because we didn't play" anito at nagpacute pa.

Napangiti ako sa paglalambing niya at bahagyang ginulo ang buhok nito. Inaya ko na siya sa loob ay dumiretso siya ulit sa sala para maglaro.

Gaya ng dati ay nagbihis muna ako saka hinanda ang kakainin namin. Umalis na rin ang nagbabantay sa kaniya at nagpaalam na hindi ito makakarating bukas.

Pinakain ko muna si Nikko saka ko tinawagan ang kapatid ko para kausapin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang pumayag siyang magbantay.

Pinuntahan ko agad ang anak ko na tahimik lang na nanonood sa sala.

"Let's watch a movie, Nikko. What do you want to watch?" I asked him.

Excited naman nitong sinabi ang gusto niyang panoorin kaya nanood na kami agad.

As much as possible, I want to give him a better life that he deserves. Ayokong magfail as a mother kaya ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya.

I know that I'm not perfect pero nagsisikap ako para sa kaniya. I'm lucky because he always undestands me kahit minsan ay nararamdaman kong may tampo siya dahil hindi na kami masyadong nakakapag-bonding.

"Nikko" I called him.

Nakuha ko naman ang atensyon niya at agad itong lumingon sa akin.

"Yes, Mommy?"

"Where do you want to go this weekend? Let's go somewhere we could have fun"

Agad na nagningning ang mga mata niya sa sinabi at agad akong niyakap.

"Really, Mommy? We'll go out this weekend?" he exclaimed.

Nangingiti akong tumango sa kaniya at agad niya ulit akong dinamba ng yakap. Natutuwa ko siyang niyakap pabalik at hindi na nga kami nakapanood nang maayos dahil agad niyang sinabi ang gusto niyang gawin.

Minemorize ko agad sa isip ko ang mga gusto niya habang nag-iisip ng plano. Kita ko ang excitement sa mga mata niya at ayaw ko na nga itong matanggal. His happiness is also my happiness.

Nang mapagod at antukin siya ay inaya ko na agad siyang matulog. Hanggang sa patulog na nga kami ay hindi pa rin mawala sa kaniya sa excitement na nadarama.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda dahil ihahatid ko pa siya sa kapatid ko. Nang magising siya ay nag-ayos muna kami saka kumain.

Habang nasa hapag ay nagke-kwento pa rin ito ng gusto niyang puntahan at tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

Matapos naming makakain ay hinatid ko na siya sa kapatid ko na malugod naman siyang winelcome.

"Ikaw na muna ang bahala sa kaniya, ha. Hindi kasi makakapunta yung nagbabantay sa kaniya eh" pakisuyo ko rito.

"Ayos lang, Divi. Namiss ko rin naman itong pamangkin ko eh" anito sabay kurot sa pisngi ni Nikko. Napangiti ako at panatag na iniwan sa kaniya ang anak ko.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon