Chapter 18

52 2 0
                                    

"You're Nicholas, right? I'm Justin, baby. Your TRUE FATHER"

Nikko looked at me confusingly. Bumaling ako kay Lucas at sinenyasan siya na bumalik sila sa taas ni Nikko na agad naman niyang nakuha.

Nang kaming dalawa nalang ni Justin ang naiwan ay agad ko itong tiningnan nang masama. Naroon pa rin ang nakakalokong ngisi niya na mas lalo kong ikinairita.

"Why the fuck do you need to do that, Justin? Ano ba kasi ang kailangan mo?"

Hindi niya ako sinagot at nanatili lamang siyang nakatingin sa akin.

"I said what do you fucking want, Justin?" I hissed at him. Nanatili lang siyang kalmado habang ako ay gusto ko na siyang sampalin.

"I told you that I want you back, Grace. Ngayong nalaman ko na may anak pala tayo mas lalo ko lang ginusto na makipagbalikan sayo. Ayaw mo bang bigyan ng kompletong pamilya ang anak natin?" he's so confident at tila ba'y magagawa niya akong kontrolin.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na hindi na tayo magkakabalikan pa? And complete family? Nikko already have that with me and Lucas. Sa tingin mo ba matatanggap ka niya ni hindi mo nga nagawang maging ama sa kaniya?"

"That's because you didn't tell me about him, Grace. Kung sinabi mo sana sakin noon ay baka masaya na tayo ngayon"

He still looks so arrogant at hindi ko man lang nakita ang sincerity sa sinasabi niya. Ngayon ay alam ko nang hindi na talaga siya magbabago pa.

"Sa tingin mo ba sasabihin ko sayo ang ipinagbubuntis ko noon matapos kong malaman na niloko mo ko? No, Justin. Kaya wag ka nang umasa pa na magkakabalikan pa tayo"

I saw him gritted his teeth and he's now looking at me madly.

"That doesn't change a fact na may anak na tayo, Grace. You better tell our son about me kung ayaw mong guluhin ko kayo ng pinagmamalaki mong tatay ng anak natin"

Matapos niyang sabihin yon ay umalis na siya. Naiwan akong nakatulala sa kawalan habang nakatanaw sa papalayong bulto niya.

I don't know what I should do now. Ngayong alam na ni Nikko ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya. I'm worried about him as well as Lucas' feelings.

Kung nahihirapan ako ay paniguradong mas nahihirapan siya. Hindi man niya sabihin sa akin ay ramdam ko na may bumabagabag na rin sa kaniya. I want to give him the assurance that he needs pero kailangan ko munang unahin ang anak ko.

I sighed at napagpasyahan nang bumalik sa condo ko. Pagpasok ko ay nakaupo silang dalawa sa sofa at tahimik lang na nakahilig si Nikko kay Lucas. Agad ko silang nilapitan at doon nga ay kita ko ang kaguluhan sa mga mata ng anak ko.

"Nikko" I called him.

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakahilig pa rin siya kay Lucas. His eyes are now questioning me and I can't keep myself calm in this situation.

"Mommy is that true? Is he my real father?" he asked.

Natulos ako sa kinatatayuan ko at bigla nalang nablangko ang isip ko. I looked at Lucas and he's just staring me with no emotion in his eyes.

I slowly nodded at him and his eyes immediately watered. Nilapitan ko agad siya pero mas nagsumiksik ito kay Lucas.

"Nikko, baby let me explain" I pleaded.

Lucas calm him down and he's now crying in his chest. Maski ako ay hindi ko na rin mapigilang maluha habang tinitingnan siyang umiiyak.

"Nikko, let your Mommy explain, please. She has her reason about it" Lucas whispered in his ears.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon