Chapter 14

58 2 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong umuuga ang kama. Pagdilat ko ng mata ay naroon nga si Nikko na tumatalon sa ibabaw ng kama habang tinatawag ako.

"Mommy wake up na. The sun is already up so you should wake up na, Mommy"

I smiled and I reached my arm na agad naman nitong kinuha. He used his forced to lift me up at napaupo naman ako. Naupo naman siya sa hita ko saka kumapit sa akin at pinugpog ako ng halik sa mukha.

I laughed dahil hindi niya tinigilan ang paghalik sa akin kaya naman hindi ko mapigilang mapahiga ulit. Yun ang nadatnan ni Lucas na may dalang pagkain na nakalagay sa tray.

"Good morning, Divi. Let's have breakfast na? Sorry kung pinakaalam ko yung kitchen mo sabi kasi ni Nikko na nagugutom na siya kaya nagluto na lang ako"

Nilapag na niya ang tray sa table malapit sa kama at doon na kami kumain. Ngayon ay nasa kandungan na niya si Nikko habang sinusubuan niya ito ng pagkain.

Nagsimula na rin akong kumain habang nakamasid lang sa kanila. Matapos niyang subuan si Nikko ay saka siya susubo ng pagkain para sa sarili.

Hanggang sa matapos ang pagkain namin ay ganon lang ang naging routine nilang dalawa.

Pagkakain nga ay kinuha na rin ni Lucas ang pinagkainan namin at siya na rin ang nagpresintang maghugas kahit na sinabi kong ako na. Hinayaan ko nalang din siya dahil si Nikko ay ayaw rin akong paalisin sa higaan.

Ilang minuto nga rin ang lumipas at bumalik na rin si Lucas sa kwarto. Tumabi siya sa amin at nasa pagitan na namin si Nikko na nakasandal sa akin.

"Mommy do you have a work again today?" nalulungkot na tanong ni Nikko sa akin.

"We don't have work today, buddy. We'll just have our bonding session today" si Lucas ang sumagot.

Bigla namang sumigla ang bata at agad kami nitong niyakap. Mas lalo siyang nagsumiksik sa aming dalawa at hindi naman namin mapigilang mapangiti sa kaniya.

"Yeheyy! Mommy can we go to mall today? I want to play there just like what we did before. I also want to play with you and Daddy there"

Tumingin agad ako kay Lucas para tingnan kung ano ang magiging reaksyon niya. He's smiling and he looks like he's going to agree at what Nikko said pero bigla nalang nag-ring ang phone niya.

He excused himself para sagutin ang tawag at hindi rin naman ito nagtagal. He then look at Nikko sadly saka niya in-explain kung anong nangyari.

"Nikko, Daddy needs to do an emergency work so I don't think I can come with you today" mahinahon niyang sabi sa bata.

Agad namang naging malungkot ang expression ni Nikko sa sinabi ni Lucas. He is about to say his sorry to Nikko pero ngumiti naman ito sa kaniya at kalaunan ay tumango.

"I understand, Daddy. Maybe we can go to mall some other time kapag hindi ka na po busy. Maglalaro nalang po kami dito ni Mommy sa house po"

Sa sinabi ni Nikko ay hindi na napigilan ni Lucas na yakapin ito. Niyakap naman siya pabalik ni Nikko at nagpaalam na rin para umalis sa bahay.

Bumaling sa akin ang anak ko na may malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. Alam ko na gusto niyang maranasan na magawa ang mga paborito niyang bagay kasama ang Daddy niya kaya ngayong sinabi nito na busy siya ay hindi na rin naitago ni Nikko ang disappointment niya sa nangyari.

"Nikko, are you mad at Daddy?" I asked him.

He immediately shook his head at me and he smiled at me assuringly.

"Daddy needs to go to work today so I understand it naman po, Mommy. We still have so much time to do it kaya ayos lang po yun"

Napangiti naman ako sa sinagot niya. He seems to mature while he's talking to me and I can't help but to proud of him.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon