A day passed and today is now Nikko's birthday. Matapos ang itinext ni Lucas ay hindi na ako nagkukusang tumawag dito unless si Nikko ang may hawak ng cellphone.
Hindi na ako nakikinig pa sa usapan nila at mas pinili ko nalang ang dumistansya. He needs space so I'm giving him one.
Kapag nag-uusap sila ay tanging si Nikko lang ang inaalala ko. Ilang beses din kasi nitong pinapaalala kay Lucas ang birthday niya na hindi ko naman alam kung makakapunta ba.
Aside from us, narito rin naman sa bahay si Meraiah na siyang tutulong sa akin sa paghanda ng celebration sa bahay. Wala rin nanan daw itong ginagawa at mukhang may problema rin siya.
Umaga pa lang ay naghanda na agad kami. Dalawa naman kaming kumikilos kaya kahit papaano ay mas napapabilis na ang ginagawa namin.
Nang magising na nga si Nikko ay inasikaso ko muna ito saka ako bumalik sa paghahanda ng pagkain para sa magiging bisita mamaya. I'm sure kung marami bang pupunta but I'm hoping na kahit gabihin ay makarating si Lucas.
Pagsapit ng tanghali ay nagsimula ba ring magsipuntahan ang mga bisita kaya naging abala na rin kami. Maraming bumati kay Nikko at nakatanggap rin ito ng mga regalo.
He's smiling but I can guess that something is bothering him and I know that it's because hindi pa rin nito nakikita si Lucas.
"Nikko" I called him.
Lumapit naman ito sa akin habang nakangiti dala ang mga regalong natanggap nito.
"Mommy I have so many gifts oh I'm so happy po" saad nito sabay pakita sa akin ng mga dala niya.
"I'm glad that you're happy, Nikko. Anyway, do you want something to eat?"
Umiling lang ito at sinabing busog pa at bumalik na rin siya sa sala. Pumunta na rin muna si Meraiah sa kwarto niya kaya ako nalang muna ang naiwan sa pag-aasikaso sa mga bisita.
Kapag may dumarating ay hindi ko maiwasang umasa na si Lucas na ang darating pero hanggang sa makaalis na lang ang mga naunang bisita ay hindi ko pa rin nakita maski ang anino niya.
Nang kaming tatlo nalang ulit ang nasa bahay ay naglaro nalang muna sina Meraiah at Nikko.
Nagpunta na muna ako sa kusina para maghanda ng kakainin namin. I then look at the two na nasa sala at mukhang enjoy na enjoy naman sila. Nakakandong si Nikko kay Meraiah habang naglalaro ang dalawa.
I reached my phone in the counter at agad itong tiningnan. I want to text him so I can ask if he's coming here pero napangungunahan ako ng hiya.
I sighed at tinabi nalang ang phone ko saka nagpatuloy sa paghahanda. Pinipigilan ko nalang muna ang isipin siya nang bigla ko namang marinig ang excited na boses ni Nikko.
"Daddy!"
Nang mag-angat ako ng tingin ay kita ko naman itong naglilikot at umalis sa kandungan ni Meraiah. Tumakbo ito at nang sundan ko siya ng tingin ay sinalubong pala nito si Lucas.
Pagkalapit nga nito ay agad niyang niyakap si Lucas na agad naman siyang binuhat at hinagkan.
"You came, Daddy. Just like what you promised" excited niyang sabi rito.
He smiled at muli itong tumango. "Of course, kiddo. Daddy promised that I'll be in your birthday celebration so here I am"
Tinuro naman ako ni Nikko at doon ay nagkatagoo ang tingin namin ni Lucas. He smiled at me and I found myself smiling back at him.
Dumiretso ang mga ito sa akin at hindi ko nalang maiwasang kabahan.
"Let's talk later, hmm?" anito.
I nodded at sinamahan ang mga ito para ipakilala kay Meraiah na nakamasid lang sa amin. Nang palapit naman kami ay agad itong ngumiti kay Lucas.
BINABASA MO ANG
Her Astonish Wish
RomanceHWR Side Story Lucas Almodarez is being pressured to have his own family by his mom. He thinks that what her mom's saying is ridiculous since he doesn't want to have one. But when he saw Divina Grace Oliva, his world went upside down because the onl...