Chapter 16

49 2 0
                                    

"Your Mommy is tired, buddy. Better not to wake her up yet" I heard Lucas' voice.

"Why is she tired, Daddy?"

"It's because of the trip, Nikko"

"Oh okay, Daddy"

Bigla nalang nawala ang ingay na naririnig ko kaya minulat ko na rin ang mga mata ko.

Walang tao sa room kaya naman bumangon na ako at nagtungo sa cr para makapag-ayos.

Hindi na rin ako nagtagal pa at nang matapos nga ako ay lumabas na rin ako ng kwarto. Naabutan ko sina Lucas at Nikko sa kusina habang naghahanda ng pagkain.

"Good morning" I greeted them.

Nabaling naman sa akin ang atensyon nilang dalawa. Agad naman akong sinalubong ni Nikko dala ang pagkaing hinanda nila.

"Good morning, Mommy. Daddy and I made you some breakfast" anito at binigay sa akin ang tray na puno ng pagkain.

Kinuha ko na ang bigay niya at dinala ito sa table na malapit sa amin. Sumunod naman sila at kita mo ang kasiyahan sa kanilang mga labi.

"How about you two? Kumain na kayo?"

"Yes po, Mommy. Nagutom na po kasi ako kanina kaya nauna na kaming kumain ni Daddy" sagot ni Nikko. Nang tapunan ko naman si Lucas ay tumango lang ito sa akin.

Nagsimula na akong kumain habang nagkukulitan naman sa gilid ko ang mag-ama. Sila lang naman ang nag-uusap habang nakikinig lang ako sa kanila.

"Daddy, can you let me have a playmate?" biglaang tanong ni Nikko rito.

"What do you mean playmate, kiddo? Like brother or sister?"

Halos maibuga ko na ang mga kinakain ko dahil sa sinabi ni Lucas. Nang bumaling ako sa kaniya ay seryoso siyang nakatingin kay Nikko pero kita ko ang misteryosong ngisi nito.

"No po, Daddy. I want to have a puppy po" sagot ni Nikko rito.

Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nito. Tumango naman sa kaniya.

"We can have that if you want but you should ask your Mommy first if she's agree with it"

Napunta naman sa akin ang atensyon ni Nikko. He's giving me his signature puppy eyes kaya naman napatango na lamang ako.

"Yeheyy" he said in so much glee.

"I'll buy you when we get back to Manila" sabi pa ni Lucas kaya mas lalo namang na-excite si Nikko.

Tinapos ko na ang pagkain ko saka kami naghanda para sa pamamasyal namin ngayon. Hindi naman na matigil sa paglikot si Nikko at sabay na sila ni Lucas nag-ayos.

Naligo na rin ako saka nag-ayos ng pang-alis saka ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko na sila sa sala na nakabihis na at ako nalang ang hinihintay.

"Let's go na po, Mommy. I want to visit the places here po" saad ni Nikko at kumapit na siya sa kamay ko.

Umalis na kami at nagtungo na sa kotse para simulan na namin ang pamamasyal. Pinagbuksan na kami ng pinto ni Lucas nang makarating kami sa sasakyan niya. Kalong ko na ngayon si Nikko sa passenger seat saka nagtungo si Lucas sa driver's seat saka na siya nagsimulang nagdrive.

Dahil maaga pa ay napagpasyahan naming mag-road trip muna at mamasyal sa ibang lugar dito sa Laguna dahil mamayang hapon pa kami pupunta sa amusement park.

Habang nasa daan nga ay nagplay pa sila ng music na sinasabayan pa nila kaya hindi naging boring ang trip namin.

You're on the phone with your girlfriend, she's upset
She's going off about something that you said
'Cause she doesn't get your humor like I do

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon