Chapter 4

55 4 0
                                    

"Tingnan natin kung hindi ka magsawang iblock ang number ko"

I sighed nang maalala nanaman ang sinabi niya. Feeling ko ay nababaliw na talaga siya kung sakaling mag-iinvest nga siya sa company ng sim card.

Alam ko naman na madali lang sa kaniya ang magwaldas ng pera pero sa ganong rason? Ewan ko nalang talaga.

Nagsasawa na nga ako kakablock ng kung anong number nag nagtetext sa akin na panigurado kong siya naman. Konti nalang talaga ay masusugod ko na siya at bubulyawan na tigilan na ang kakatext sa akin.

Gustuhin ko mang magpalit ng sim card ay paniguradong aksaya lang ito sa oras dahil madali lang din niya itong malalaman.

Nang pauwi na ako ay muntik ko na nga siyang makasalubong pero buti ay nakaiwas agad ako. Hindi ko talaga siya kayang harapin ngayon.

Nahihiya ako sa mga pinaggagagawa ko sa kaniya. Iniisip ko na nga lang kung matatanggal ba ako sa trabaho.

Hindi ko na binuksan pa ang phone ko dahil maii-stress lang ako kapag nakabasa ako ng text niya.

Dumiretso nalang muna ako sa bahay ng kapatid ko para sunduin si Nikko. Pagkarating ko run ay nakapag-usap muna kami sandali bago kami umuwi.

Habang nasa daan ay pinapakwento ko si Nikko tungkol sa ginawa nila ng Tita niya. Anito ay nanood daw sila ng movies saka nag-aral at naglaro. Natuwa naman ako dahil mukhang nag-enjoy naman siya pero nasasabi pa rin nito ang tungkol sa naipangako ko sa kaniyang pamamasyal namin.

Ilang araw nalang ay weekends na at sabay din nito ang araw ng sweldo kaya mati-treat ko siya sa labas.

Balak kong mamasyal kaming dalawa sa mall at mabilhan din siya ng mga iba pa niyang gamit at laruan.

Hindi naman siya mahirap pasayahin dahil kwentuhan at samahan mo lang siya maglaro ay madaling malalapit ang loob mo sa kaniya. May times lang talaga na mailap siya maging sa tita niya at sa akin lang naglalambing.

Sa daan nga ay tinanong ko na rin siya kung may gusto ba siyang kainin. Nang sinabi nito na gusto niya ng chicken ay nagtungo muna kami sa drive thru para mamili. Medyo pagod na rin kasi ako at hindi ko na magagawang makapagluto.

Pagkauwi nga namin ay nagbihis lang kami saka kami kumain. As usual, hindi naman nawala ng mga kwento niya. I'm just listening to him habang sinasagot siya sa tanong niya minsan.

"Mommy, why Tita Faye isn't with us?" tanong nito.

"Your Tita Faye wants to live in her own, Nikko. She's independent in her own way that's why she managed to live on her own" sagot ko rito.

"Can't she just stay with us? I always miss Tita Faye" he said cutely.

"Your Tita Faye has her own life, Nikko. She'll stay with us if she wants to, though"

Nikko is actually a bright kid. He always understand things and he's not the type that make tantrums over a simple things. I'm glad that he's not like that to be honest. He's a good kid and I want him to stay like that.

Lumipas ang mga araw na kontento na ako sa aming dalawa. Sumapit ang Linggo kaya ngayon ay naghahanda na ako sa pamamasyal namin ni Nikko.

Nagluto muna ako ng almusal namin habang tulog pa siya. Nang matapos akong makaluto ay sakto namang nakita ko itong pupungas-pungas na palapit sa akin.

"Morning, Mommy" he said in his cute voice.

"Good morning, baby. Come here so we can eat na"

Lumapit naman na ito at pinaghandaan ko na siya saka kami nagsimulang kumain. Tahimik lang siya habang kumakain kami dahil wala pa siguro siya sa mood.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon