Chapter 6

60 2 0
                                    

From: Lucas
Good morning, Divi. How's your sleep? Don't forget to eat your breakfast, ok?

Umagang-umaga pero message na agad ni Lucas ang bumungad sa akin. Naiiling akong napangiti saka bumangon na ako.

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang pagpunta namin sa kanila at dahil doon ay mas napalapit kai sa isa't isa.

He's the type of guy na seryoso kapag nasa work pero maalalahanin kapag kaming dalawa especially kapag nagte-text siya sa akin. Hindi talaga nawawala sa message niya ang pangangamusta tungkol sa ginagawa ko.

Bago ako kumilos ay nireplyan ko muna si Lucas dahil baka madatnan ko ulit siyang mainit ang ulo dahil hindi nasagot ang message. Mahirap na at baka kung sino nalang ang sisantihin niya dahil sa init ng ulo.

Although hindi naman na ito masyadong nangyayari dahil napagsasabihan ko naman siya. Para nga itong bata na napagalitan nang sabihin ko sa kaniya ang hinaing ko tungkol dito.

Gaya ng lagi kong routine ay naghanda muna ako ng almusal namin saka ako naligo para mag-ayos sa pagpasok. Hindi pa naman nagigising ang alaga ko kaya hindi muna ako kumain.

Pagkatapos kong maligo ay nagising na rin si Nikko kaya nag-ayos muna ako saka kami kumain. Wala siya sa mood ngayong araw kaya tahimik lang siya habang kumakain kami.

I'm just giving him space at mamaya ay aayos din siya. Hinandaan ko lang muna siya ng pagkain na hindi naman niya tinanggihan.

Matapos nga naming kumain ay nasa mood na siya ngayon kaya nagsisimula na siyang dumaldal. Pinaalalahanan ko muna siya habang hinihintay naming dumating ang babysitter niya.

"I'll text you later so you can update to me, ok?" tumango naman si Nikko habang nilalaro nito ang binili naming laruan noon.

"Ok, Mommy"

"Don't forget to eat on time, Nikko. Tell your Ate Abby if you're hungry so she can prepare your meal" tango lamang ang tanging naisagot nito dahil patuloy sa paglalaro.

Nang dumating ang babysitter niya ay nagpaalam na rin ako rito saka umalis na. Wala namang naging traffic sa daan kaya mabilis akong nakarating sa kompanya.

Pagkarating ko nga ay nilapag ko muna ang gamit ko sa chair ko saka nagtungo sa rooftop. Maaga pa naman at gusto kong magpaaraw.

Habang nakatanaw sa rooftop ay nakarinig ako ng yabag na papalapit sa akin. Hindi ako lumingon pero alam ko na agad kung sino ang taong ito.

"Good morning, Divi" he greeted.

Tumabi ito sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Early in the morning pero ang gwapong mukha agad ni Lucas ang nakikita ko.

"Good morning, Lucas" I greeted back.

Naglahad siya sa akin ng kape na tinanggap ko naman. Tahimik lang kaming nagkakape habang nakatanaw sa ibang mga establishment.

"Did you sleep well, Divi?"

"I did, Lucas. How about you?"

"Me too, Divi. I sleep well last night because someone texted me good night with a heart emoticon" he said proudly.

Natatawa akong napalingon sa kaniya. He actually look and acts like a kid sometimes which I find him cute.

"Really, Lucas? Kinilig ka ba?" I teased him and he looked so defensive.

"W-What are you saying, Divi? Of course not" tanggi pa niya.

Mas lalo akong natawa na siyang ikinunot ng noo niya. He pouted kaya parang gusto ko nalang kurutin ang pisngi niya.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon