Chapter 7

47 2 0
                                    

Every moment passed in my life is special. All I can say is I'm happy and more contented in my life now.

My son and I are doing good as well as my relationship with Lucas. I don't want to overthink but I can't help it because he's actually the standard.

Hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya ang tungkol kay Nikko dahil natatakot ako. Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko wala akong nararamdaman kay Lucas kaya ngayon ay iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kaniya na may anak na ako.

There's a lot of what ifs when I think of him. He's a sought bachelor at kilala bilang isang multi-millionaire at a young age. Habang ako, stable naman ang trabaho pero hindi ko mapigilang manliit kapag natatanaw ko ang achievements niya.

Hindi siya yung tipo na masyadong matanong na naiinvalidate na ang personal space ko. He's the type of guy na ang tanging concern lang ay kung komportable ba ako sa tuwing magkasama kami at kung ano ang nararamdaman ko.

He's the best. He's so perfect that even I feels like the luckiest girl for having him. Who wouldn't though when you have Lucas Almodarez as your suitor.

Pagpasok ko nga ng office ay nagmamadali na ang mga kasama ko. When I ask them what's going on, they told me that we'll have an urgent meeting with the CEO.

Kung dati ay kinakabahan ako, ngayon ay nagtataka nalang at gustong itext si Lucas kung bakit mayroon kaming meeting pero hindi ko nalang ginawa dahil baka busy yung tao.

Gaya nila ay inayos ko na rin ang gamit ko saka kami nagtungo sa meeting room. Pagdating doon ay nagkaniya-kaniya na kami ng upo at hinihintay nalang ang CEO.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Lucas kasama ang secretary niya. Binati muna namin siya saka kami nagprocede sa agenda ng meeting.

"Tell me what are the updates in your department" he seriously said.

Inexplain naman ng head namin ang tungkol doon at nakahanda na rin pala itong presentation about the updates and the upcoming works and projects.

Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa head namin dahil napaka-productive niya sa trabaho at hindi niya inaasa sa mga katrabaho niya.

"And who's assigned to that project you're talking about?" usisa ulit ni Lucas.

"Sheryll will be assigned to that project since she knows more about it as well as Jenna"

"And you?"

"I'll be their guide with that but I'm assigning that work to them since I'll be out for the seminars, Sir"

Napatango-tango si Lucas at kalaunan ay napatingin sa akin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin nang magtagal ang tingin nito sa akin. Muling nitong ibinaling ang tingin niya sa head namin.

"I'll talk to you for some details. Come to my office after this. Meeting adjourned" anito saka lumabas ng meeting room.

Nagsilabas na rin kami at bumalik sa office. Kaniya-kaniya pa rin sila ng kwentuhan pero hindi na ako nakikisali pa.

Pagkabalik ko sa cubicle ko ay ginawa ko na ulit ang naiwan kong trabaho. Hindi naman ako nakatanggap ng message mula kay Lucas kaya hindi na ako nag-abala pa.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang head namin. Nagtungo ito palapit sa akin saka niya ako tinawag.

"Come to my office, Ms. Oliva. I want to talk to you" anito.

Sumunod ako sa kaniya. Ramdam ko ang tinginan ng ilan kong kasamahan sa akin na hindi ko naman pinapansin.

Pagpasok namin sa office niya ay naupo agad ito.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon