Chapter 13

48 2 0
                                    

I feel so comfy when I opened my eyes the moment I woke up. Nakasuot na ako ngayon ng komportableng pajamas habang nakabalot sa malambot na kumot na inihanda ko kagabi para kay Lucas.

Wala na si Lucas sa tabi ko at inexpect ko na maaga siyang nagising at nakauwi na rin ito sa kanila. Bumangon na agad ako dahil baka gising na si Nikko pero paglabas ko ng kwarto ay nakita ko silang dalawa sa kusina na naghahanda ng pagkain.

Humahagikhik pa nga ang anak ko habang si Lucas ay nakaambang kikilitiin ito. Doon na ako pumasok at nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa.

"Good morning, Divi"

"Good morning, Mommy. We made you breakfast oh right, Daddy?"

I was about to greet them back nang marinig ko ang itinawag ni Nikko kay Lucas. Binalingan ko naman ng tingin si Lucas at ngiti lang ang isinukli nito sa akin.

Natapos na rin ang ginagawa nila at nagsimula na kaming kumain. Si Lucas na ngayon ang mismong nagsandok sa kakainin ni Nikko at maski ako ay inasikaso pa nito.

Hanggang sa pagkain nga ay patuloy sa pagkukulitan ang dalawa habang ako ay lito pa rin sa ginagawa nila.

Hindi ko alam kung kelan pa naisipan ni Nikko na tawaging Daddy si Lucas pero mukhang okay lang naman ito sa kaniya dahil mukhang siyang-siya pa ito kapag tinatawag siyang Daddy.

Tinapos ko na rin ang pagkain ko at naghanda na muna ako para sa pagpasok at iniwan na silang dalawa. Binilisan ko nalang din ang pag-aayos dahil alam kong may pasok din si Lucas at kailangan pa ata nitong umuwi.

Pagkaayos ko nga ay bumalik na ako sa sala ay naroon pa rin silang dalawa at naglalaro. Pagtingin ko sa lababo ay hugas na ang mga pinagkainan naming tatlo.

Dinaluhan ko na silang dalawa at akmang aayain nang umalis si Lucas pero hindi pa pala dumarating ang babysitter ni Nikko kaya inaantay na muna namin ito.

Hindi rin naman kami matagal na nag-antay dahil nang dumating na nga ito ay nagpaalam na rin kami kay Nikko na ngayon ay nalulungkot na.

"Nikko, we'll just go to work. Babalik din naman ulit kami mamaya tulad ng dati" paliwanag ko pa rito.

Pinantayan ito ni Lucas at siya naman ang kumausap sa anak ko.

"Nikko, Mommy and I needs to go to work so you can have a good life. Don't worry because we'll be back tonight and we'll also give you pasalubong so you won't be sad anymore"

Naging maayos naman ang mood ni Nikko at tumango-tango pa ito kay Lucas. Pagkakalma niya rito ay umalis na rin kaming dalawa at doon na ako nakahanap ng tiyempo na kausapin siya.

"Did I just heard Nikko called you Daddy earlier?" tanong ko rito.

Natahimik naman siya at naiilang na tumingin sa akin. Kalaunan ay tumango ito sa akin.

"We've talked earlier, Divi. He asked me why he didn't have a daddy just like what he's watching in the movie. Malungkot siya kanina at hindi ko kayang nakikita siya nang ganon kaya sinabi ko na pwede naman niya akong tawaging Daddy. Gusto ko lang naman siyang mapasaya pero kung ayaw mo naman pwede ko siyang sabihan na tawagin ulit akong Tito Lucas. It's just that gusto ko ring tawagin niya akong Daddy dahil parang anak na rin ang turing ko sa kaniya" paliwanag niya.

I smiled and shook my head at him. He's confused kaya naman nagpaliwanag agad ako.

"I was just confused earlier, Lucas. I know na gusto niya talagang magkaroon ng ama pero hindi lang ito nagsasabi sa akin. I was just concerned earlier kung paano iyon nangyari at baka hindi ka rin handa para doon—"

He hugged me at hindi ko na naituloy pa ang sinabi ko. I hug him back at nanatili lang kaming ganon nang ilang segundo.

"Thank you for letting us, Divi. I know na nadadalian ka sa nangyayari sa atin pero gusto ko talagang mas mapalapit pa sainyo ni Nikko" saad pa nito.

Her Astonish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon