KABANATA 17

486 20 0
                                    

Bumilang ng tatlong araw bago naging maayos ng tuluyan ang kalagayan ko. Palagi akong nakahiga at hindi nila pinapagalaw sa bahay.

Pero ngayong maayos na ang kalagayan ko ay nagprisinta akong maglinis ng bahay. Hindi naman siya nakakapagod gawin dahil maliit lang naman ang bahay kubo na ito, at isa pa sanay ako sa malalaking kwartong nililinis sa mansyon ni Senyor Xavier.

Wala akong kasama ngayon sa bahay na ito dahil may trabaho si Thiago kasama si Amang Marlou, si Talisa naman ay tindera sa isang maliit na pamilihan sa bayan.

Itong bahay kasi ay nasa kagubatan. Hindi ko pa natatanong sa kanila kung bakit nasa kagubatan itong bahay nila. Para silang may pinagtataguan.

Pero hindi ko naman masabi iyon dahil pumupunta sila ng bayan minsan, kasi kung may pinagtataguan sila hindi sila lalabas ng gubat na ito.

Matapos kong maglinis ng buong bahay ay lumabas ako upang tingnan ang paligid. Sobrang tahimik ng labas dahil tanging pagbubungguan lamang ng mga dahon ang maririnig syaka mga huni ng ibon.

Lumapit ako sa katabing kulungan ng bahay. Doon mga nakatira ang iilang mga alagang hayop ni Amang Marlou. Buti na lang hindi mga nawawala tuwing gabi. Kalimitan kasi ganoon ang nangyayari e'.

Pinakain ko ang alagang biik ni Amang Marlou, pati iyong isang maliit na ibon na ubod ng tinis ng boses, mayroon pa roong kuting. Grabe halo-halo, buti hindi mga nag-aaway itong mga ito.

Pagkatapos ko silang pakainin ay pumasok na ulit ako sa bahay. Pumasok ako sa kusina para tingnan kung ano ang maaaring iluto roon. Uuwi kasi si Amang Marlou syaka si Thiago. Paniguradong parehas silang gutom kaya bilang kapalit ng pagtira ko rito ay pagsisilbihan ko sila.

Nagluto ako ng simpleng tanghalian. Ginawa ko ng pang-apat dahil minsan umuuwi si Talisa at kumakain din. Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako ng pagkain sa maliit na lamesa.

Habang naghahanda roon ay narinig ko ang pinto na bumukas. Sinilip ko kung sino iyon at maliit na napangiti nang magtagpo ang mga mata namin ni Thiago. Ngumiti rin siya pabalik sa'kin bago tanggalin ang suot na sumbrerong gawa sa pawid.

Sabay silang naglakad ni Amang Marlou papalapit sa'kin. "Mukhang magaling ka na talaga, iha. Nagawa mo nang maglinis ng bahay at magluto." Nakangiting bungad sa'kin ni Amang.

"Ayoko naman pong maging pabigat sa inyo kaya po ginagawa ko ang kaya kong gawin. Ito po ang kapalit ng pagpapatira niyo sa'kin." Sambit ko.

Tumango naman siya sa'kin. "Tara na, Amang, baka lumamig pa ang luto ni Kayen." Yaya ni Thiago sa Ama.

Umupo naman kami roon at nag-umpisang kumain. Tahimik kaming kumakain nang biglang magtanong si Thiago.

"Nga pala, Kayen, kailan mo balak umuwi sa inyo? Hindi sa gusto na kitang pauwiin pero sabihin mo lang kung kailan para maihahatid ka namin sa inyo. Baka kasi nag-aalala na sa iyo ang mga magulang mo." Mahaba niyang saad.

Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. May nag-aalala sa'kin? Sa tingin ko naman ay wala.

Kung umuwi si Azazel ng mansyon marahil sinabi niyang patay na ako, dahil gusto niya namang mawala ako sa landas nila ni Senyor Xavier. Syaka kung nag-aalala sila sa'kin siguro naman kalat sa bayan ang pagkawala ko dahil ipapahanap ako ni Senyor. Pero halata namang wala siyang paki sa pagkawala ko.

"Kayen?" Untag sa'kin ni Amang kaya naman napabalik ako sa lupa.

"A-Ano po. Wala na po akong magulang. Umalis po ako ng bahay namin magmula ng mamatay sila, bago lamang din po ako rito kaya wala akong bahay." Nauutal kong wika.

"Kaya ka siguro nasa kagubatan kasi bago ka pa lang dito." Wika naman ni Thiago, tipid naman akong tumango.

"Ako naman ang magtatanong." Pareho silang napalingon sa'kin, parehong may nagtatanong na mga mata. "Paano niyo po nakasama rito si Talisa?" Tanong ko.

The Past And Future (Nagpapatuloy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon