CHAPTER 10

1.2K 26 2
                                    

[CHAPTER 10]

NAKAYUKO ako habang umiiyak kasalan ko ang lahat ng ito kung sana ay lumayo nalang ako at hindi pumayag sa alok nya sa pagtakas ay hindi sana sya madadamay. Pinanganak talaga ako na may dalang kamalasan sa buhay kasalan ko rin kung bakit namatay ang mga magulang ko kasalanan ko rin kung bakit nalayo si Phantom sa totoong pamilya nya. Alam ko na ang sagot kung bakit kahit anong pagtratrabaho ko ay hindi iyon naging sapat kasi kinakarma ako sa mga kasalanan ko.

Wala na ang lahat sakin wala na at hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang bukas sa tuwing nagigising ako na ang alam ko lang ay umiyak ng umiyak buong magdamag. Nasa kulungan ako ngayon umuusad na ang kaso tungkol sa ilang taon na lumipas sa aksidente sa hospital.

Wala na akong laban lalo na ang kalaban ko ay ang kaibigan ni Hidalgo na si Xavier nakausap sya ko kanina. Kung hindi pa dumating si Lazarus baka patay na ako dahil sinakal ako nito at tinutukan ng baril. Hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat kay Lazarus dahil niligtas nya ako sa kamay ng kaibigan nya o hindi nalang nasana hindi nalang sya dumating at hinayaan nya nalang ako patayin ng kaibigan nya. Para saan at kanino pa ako nabubuhay wala na ang lahat sakin. Panatag narin ang loob ko dahil nasa kanila si Phantom na alam kung pro-protektahan nila ito. Ang pagkakaalam ko ay natuloy ang pag-alis ni Phantom papuntang America hindi ko nga lang alam kung sino ang kasama nya baka isa sa mga tauhan ni Xavier.

Sana maging successful ang operation!

Pakiramdam ko kahit buhay pa ako ay para na akong sinusunog sa mga kasalanan ko dahil ultimong kulangan din ito ang syang nagpapahirap sakin habang nanatili ako dito. Dahil hindi na ako aasa na makakalaya pa ako sa pagbabanta palang ni Xavier ay sinisigurado nya na dito ako sa kulungan mamamatay. Pinulot ko ang mga pagkain na nagkalat sa lamesa ng sinadya ng isa kung kasamahan na italisod ako. Parang umatras ang lahat ng tapang ko na ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kung kulang pa ito sa dami kung kasalanan sa mga pamilyang nangulila ng madamay ang pamilya nila sa sunog sa hospital.

"Siguro ako na hindi yan tatagal ang buhay nyan dito"at muli akong binuhusan ng tubig nagtawanan ang mga ito.

"Anong nangyayari dito!"saad ng pulis na babae na dumating.

"Wala officer!"tawanan ng mga ito inalalayan ako nitong tumayo. Kakaiba ang pagtitig nya sa akin bumitaw ako sa paghawak nya sa akin hindi ko kailangan ng tulong kahit kanino dahil malas ako. Pumanta ako ng banyo at nilisan ang sarili ko ng pagkalabas ko ng banyo nandoon ang pulis na babae na tumulong sakin.

"Anong kailangan mo?"malamig kung sabi ngumisi ito at hinila ang braso ko at dinala ako sa liblib na parte ng presinto.

"Ayoko ko man na tulungan ka pero ito ang utos ni Supremo!"malamig nyang sabi napatingin ako ng sinindihan nya ang sigarilyo sa labi nya.

"Hindi kita maintindihan"inalis nya ang sigarilyo sa labi nya.

"Do you still remember your brother!"nanlaki ang dalawang mata ko ng marinig ang sinabi nya.

"Matagal ng patay ang kapatid ko!"galit kung sabi pero tumawa sya.

"Yun ba ay totoo?"bumagq sya ng usok sa sigarilyo at pinagtuloy ang mga sasabihin nya.

"Binebenta sya ng tatay mo sa sandikato at alam mo yun nagkukunwari kang walang alam sa lahat sinasabi mo na patay na ang kapatid mo kahit ang totoo may alam ka!"napayakap ako sa sarili ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"sigaw ko sa kanya habang yakap ang sarili ko.

"Your fucking sick Margaret"pagpapaintindi nya sakin.

"Wala akong sakit!"sigaw ko pero tumawa sya.

"Nilagay mo sa record mo na namatay ang pamilya mo yung sa hospital tatay mo ang sumunog kahit hindi naman sya"sabay iling nya.

"Grabe Margaret paano mo nagagawa ang lahat ng mga iyon ikaw mismo ang nagsunog sa hospital dahil hindi inuna ng doctor ang nanay mo kaya nagalit ka nagkataon din na nandoon ang mga tauhan ng kapatid mo na balak din na magsimula ng sunog sa kwarto ni Phantom pero nakita ka nilang nakangisi ang mga labi habang pinagmamasdan ang bata at may dalang gasolina kaya hinayaan ka ng mga tauhan ng kapatid mo na ikaw nalang pumatay sa bata pero hindi mo ginawa kinuha mo sya at pinalabas na namatay sa sunog ang galing-"tumawa sya at pumalakpak

"Aksidente walang aksidente Margaret dahil ang kamay mo ang gumawa non sinakal mo ang nanay mo dahil ayaw mo na syang nakikitang nahihirapan at ang tatay mo naman ng muntik ka na nyang pagsamantalahan ay pinatay mo sya"napahawak ako sa ulo ko.

"Hindi totoo ang sinasabi mo"sabay iyak ko at tila may kung anong bumubulong sa isip ko.

"Ikaw ang pumatay sa kanila ikaw!"sumabat nya sakin.

"Hindi ko nga alam kung bakit ka pa tinulungan ng kuya mo pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya nyo!"

"Hindi ako ang gumawa non!"napayakap ako sa sarili ko at may hinahanap na para bang may nagkasunod sakin.

"Dissociative identity disorder or (DID) is a mental health condition. People with DID have two or more separate identities. These personalities control their behavior at different times. Each identity has its own personal history, traits, likes and dislikes sakit ng mga taong may sira sa ulo"pagpapaliwanag nya sakin pero wala akong maintindihan dahil saring-sari ang emosyon ang nararamdaman ko.

"Magkapareho lang tayo Margaret na magulo ang buhay!"mapait nyang sabi .

"Lumabas ang sakit mo nayan dahil mga nangbu-bully sayo at pinagsasamantalahan ka kahit bata ka pa!"napaluhod ako sa lupa at umiyak.

"Kaya naman gusto ng kapatid mo na tulungan kita na makatakas para magamot yang sakit mo dahil kung hindi mananatili kang ganyan"lumuhod sya sa harapan ko.

"Hahayaan mo ba na maging masaya ang mga taong niloko ka lalo na si Hidalgo-"naiangat ko ang tingin ko sa kanya nakangisi ang mga labi niya"Naniniwala ka na aksidente si Hidalgo-"lumapit sya sakin at bumulong"Pinagkaisahan ka nila Margaret pinaniwala ng lalaking iyon na namatay sya dahil balak nyang itakas si Phantom sayo habang kasama ang babaeng mahal nito at hindi ikaw iyon"para akong natulala sa sinabi nya.

"Hahayaan mo nalang ba silang maging masaya habang ikaw ay sinisisi ang sarili mo!"para syang demonyo na bumubulong sa tainga ko lumayo sya sakin.

"Pareho lang tayo ginamit ng mga lalaking iyon Margaret!"sabi nya.

"Sino ka ba?"tanong ko.

"Ako! I'm Emerald ex wife ni Xavier"sabi nya.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon