CHAPTER 19

1K 19 0
                                    

[CHAPTER 19]

PAGKATAPOS kung magpahinga ay nag-ayos na ako dahil ngayon ang kaarawan ni Phantom. Hindi ko palalampasin ang hindi sya makausap at batiin ng Happy Birthday kahit alam kung galit ang isasalubong nya sakin. Sinuklay ko ang mahaba kung buhok habang mapait na napangiti sa harap ng salamin. Nanlalabo ang mga mata ko bakit nangyayari ang lahat ng ito sakin. Ano ba ang ginawa ko ako na ang naging biktima simula bata pa ako kaya lumabas ang katauhan na iyon sa isipan ko dahil sa mga pinagdaanan ko pero sobrang malas ko.

Pero hindi naman magiging magulo ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Hidalgo kung hindi sya pumasok sa buhay namin ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Ngunit ng dahil din sa kanya ay naintindihan ko ang mga bagay na naging sikreto ko at nakalimutan sa mahabang panahon. Ngayon ay unti-unti naman bumabalik ang masamang si Margaret sa isipan ko. Napapikit nalang ako at pinigilan ang sarili na mag-isip. Tumayo na ako at inayos ang nagusot kung pulang dress nakitang-kita ang likod ko, hindi rin aabot ito sa tuhod ko. Makapal na siguro ang mukha ko dahil hindi naman ako imbitado ay pupunta ako. Hindi naman ako tanga na gagawa ng eksena pag may pagkakataon ako na makita si Phantom na mag-isa ay kakausapin ko sya na kami lang na dalawa.

Hindi na ako sinubukan pigilan ng dalawa na pumanta sa venue. Pinakita ko ang invitation sa nagbabantay, na binayaran ko pa ito para makakuha. Pumasok na ako sa loob maraming tao. Masyadong pormal ang lahat ang iba ay napatingin sakin pero hindi ko sila pinapansin. Sa gilid ko piniling tumayo agad kong kinuha ang wine na merong dumaan na waiter. Ilang segundo pa nawala ang ilaw maliban sa stage.

"Good evening everyone!"saad ng emcee.

"Ito na ang pinakahihintay nating lahat ang makilala ang anak nina Mr. Phineas David Cole and Mrs. Samantha Dela Rosa hindi man natin sila nakasama ng ganung  katagal at lalo na si Mrs. Cole na hindi manlang natin nakilala sa personal ay alam nating na naging mabuti syang asawa sa boss natin, ng dahil kay Mr. Cole ay nagkaroon tayo na maayos na buhay pantay ang trato at malaki ang sweldo kahit hindi man natin sya madalas na nakikita sa opisina dahil sa trabaho nya bilang pulis ay alam nating naging maganda ang trato nya sa ating lahat kaya naman biglang kapalit nya ay nandito ang anak nya upang ipagpatuloy ang mga sinimulan nya! let's welcome the new president and the birthday man Mr. Phantom Jr. Dela Rosa Cole"napangiti ako ng umakyat sya sa stage. Pormal ang suot nito marami na ang nagbago sa kanya nakangiti na ang mga labi nito kahit paano hindi tulad noon masyado syang mailap.

"His still minor kaya wag namuna girls!"nagtawan ang mga emcee, napangiti naman ako.

"Thank you!"saad ni Phantom na linahad sa kanya ang microphone.

"Good evening everyone I'm thankful sa kabila ng lahat ng pinagdaan ng pamilya namin ay nandito parin kayo I know kung nasaan man ang parents ko ay masaya nasila of course for my twin brother na naunang nawala hindi ka na nag-iisa dahil kasama mo na ang parents natin and especially for my three Uncle"lahad nya sa unahan kung nasaan naka upo ang tatlong tukmol kasama ang mga babae nila.

"Binigyan nila ako ng full support and everything that I deserve of course-"napalunok sya tila nahihirapan syang sabihin ang susunod.

"Sa babaeng kinuha ako sa pamilya ko at kahit papano ay naging mabuti din sya akin, binigay nya ang lahat para mabuhay ako but I think I'm not deserve that kind of woman who ruin my life in 4 years"nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mg sinabi nya at tinawag nya sakin.

"Mr. Cole sa tingin mo nasaan na sya?"matagal syang sumagot at mapait na ngumiti.

"Baka patay na!"nabitiwan ko ang wine na hawak ko dahil sa gulat. Kaya nawala ang atensyon ng lahat sa kanya napunta iyon sakin. Dali-dali akong umalis sa venue.

Patay!

"Ahhhh!"sigaw ko at wala na akong pakialam kung merong mag makaranig sakin at pagkamalan akong lasing o baliw.

"This is your fault Hidalgo fuck you!"sigaw ko at pinagmumura ang pangalan nya.

"Kung hindi kita nakilala ay hindi mangyayari ang lahat ng ito!"galit na sigaw ko habang umiiyak. Mapait akong napangiti na naglakad papunta sa dagat. Tama lang ang alon nito pero  tsak na paglumusob ako doon ay mamatay ako dahil madilim ang parte na iyon.

Umiyak lang ako ng iyak naging mahina na naman ako pero hindi para kay Hidalgo para kay Phantom. Dahil kahit anong gawin kung paglimot sa kanya ay hinahanap ko parin sya. Sa punto na gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hindi man kami magkadugong dalawa ay para sakin totoo ko syang kapatid. Sya ang naging sandigan ko sa tuwing uuwi ako sa bahay na pagod at makita ko lang sya ay nawawala na ang lahat ng pagod at problema ko. Maramdaman ko lamang ang maliliit nyang kamay na humahaplos sa pisngi ko ay masaya na ako at panatag.

Pero nawala ang lahat ng yun simula na dumating ang gagong iyon. Ginago nya ako at ginamit para makuha nya sakin si Phantom na dapat ay intindihin ko na ginawa nya lamang iyon para maging maayos ang buhay ng anak ng kaibigan nilang namatay. Pero kahit anong gawin kung isiksik sa utak ko na tama rin si Hidalgo ay hindi iyon tinatanggap ng utak ko at sikmura ko sinusuka lang non ang katotohanan.

Sa nakalipas na taon ay hindi ko na maalala kung ilang beses ko naba sinubukan tapusin ang buhay ko. Pakiramdam ko ako na yata ng pinakamalas sa buong mundo dahil sa mga problema na pinagdaanan ko ngayon. Hindi naging maganda ang kabataan ko noon at ang pagiging dalaga ko dahil sa sakit ko sa pag-iisip, trauma sa sexual harrassment ng bata pa ako, rape at mamatay tao.

Dapat pa bang mabuhay ang ang isang katulad ko pagkatapos kung pagdaan ang mga iyon sa tangin ko hindi na talaga. Mapait akong napangiti na lumublob sa dagat. Bahala na kung saan man ako mapunta.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon