CHAPTER 27

1.1K 19 0
                                    

[CHAPTER 27]

2 MOTHS LEFT

PAGKATAPOS ng usupan ay kinaumgahan ay bumalik na nga ako ng Maynila at sa lumipas ng dalawang buwan ay wala na akong balita kay Hidalgo para sakin tama naman ang desiyon na ginawa ko pareho lang kaming masasaktan kung pipilitin pa namin ang sarili namin sa isat-isa. Ang laking pinsalang dinulot sakin ang mga ginawa nya dagdag pa ang mga trauma ko noon. Pagkarating ko sa Maynila ay agad din akong napatingin sa doctor tungkol sa sakit ko na para bang bumabalik na naman. Ang sabi ng doctor umiwas ako sa mga bagay namagbibigay sakin ng stress at matinding galit.

Pakiramdam ko isang taon ang lumipas dahil maraming nangyari sa buhay ko nagulat na nga lang ako ng sumunod din pala si Yohan sa maynila hindi nga ako nagkamali dahil linagawan nya ako mabait at maasikaso si Yohan. Kaya naman binigyan ko ng chance si Yohan na pumasok sa buhay ko sa dalawang taon ay hindi kami lumagpas sa halik kahit ramdam ko sa mga kakaibang haplos nito sakin ay sinusubukan nyang magpigil. 

"I miss you Margaret"saad niya at niyakap ako ng mahigpit tumawa ako dahil sa sinai nya na para bang isang taon kaming hindi nagkikita at kahit ang totoo nyan ay nakatira na ako sa appartment nya. Lumayo sya sakin hinawakan  nya ang dalawang pisngi ko at masuyong hinalikan kakatapos palang nyang magperform agad nya akong sinalubong sa backstage.

"Yohan araw-araw naman tayong nagkikita para kang sira"saad ko sa kanya hinalikan nya ang pisngi ko at ngumiti syang kiniskis ang ilong namin sa isat-isa hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ginawa nya.

"Date tayo"paglalambing nya sakin at niyakap ako sumobsob sya sa leeg ko inabot ko ang ulo nya para haplusin ang mahaba nyang buhok naikagat ko ang pang-ibabang labi ko ng bigla syang pumasok sa isipan ko.

"Sige"saad ko kaya naman kinarag nya ako napakapit ako sa leeg nya dahil sa ginawa nya.

"Let's go"sabay takbo nya habang buhat-buhat ako palabas ng studio hanggang pagdating sa parking lot ay buhat nya parin ako binaba nya lang ako para buksan ang pinto ng kotse nya. Inalalayan nya akong makapasok at ina-start ang engine.

"Yohan"suway ko sa kanya ng hinawkan nya ang kamay ko at tanging isang kamay lang ang nakahawak sa manibela ngumiti syang lumingon sakin.

"Baka mabunggo tayo bitiwan mo muna ang kamay ko"saad ko hinalikan nya lamang ang kamay ko at kumanta habang ang tingin ay nasa harapan ng kalsada hinayaan ko nalang sya masyado syang malambing akala ko ang alam lang ng mga lalaki ang magsungit pero itong si Yohan sobrang sweet pagdating sakin kaya malabo na walang babae ang magkakagusto sa kanya. Dinala nya ako sa mamahaling restaurant inalalayan nya akong umupo.

"Ano sayo Margaret?"nakangiting tanong nya hinawakan ko ang menu hindi pa naman ako nagugutom binaba ko ito at ngumiti ako kay Yohan.

"Wine nalang sakin"saad ko bumasangot ang mukha nya at inabot nya ang kamay kung nasa lamesa para hawakan nya.

"Yun lang?"tumango ako sa kanya.

"Hindi pa ako nagugutom Yohan"saad ko tumango sya at wine narin ang inorder nya para sa kanya.

"Margaret pakiramdam ko ay nanaginip lang ako!"nakangiting saad nya.

"Bakit naman?

"Dahil nandito ka sasa tabi ko! kung panaginip man ito Margaret ayoko ng magising natatakot akong mawala ka"emosyonal na saad nya biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nya hindi sa gulat dahil ito rin ang mga salitang binitawan ni Hidalgo para sakin.

"Sorry kung naging emosyonal ako"pilit lamang akong ngumiti sa kanya.

"Bukas excited na akong ipakilala kita sa parents ko"muntik ko ng makalimutan ang bagay na yun mabuti nalang ay nabanggit nya ulit.

"Ako rin Yohan"matamis ang ngiti nya at hinalikan ulit ang kamay kung hawak nya. Dumating na ang wine hawak nya parin ang kamay ko hanggang sa pag-uwi naming dalawa pagkapasok namin sa loob apartment agad nya akong sinunggaban ng halik sa labi pero hindi iyon tumagal. Nagpaalam na ako sa kanya na maliligo lang ako tumango sya magkatabi kami ni Yohan sa iisang kama agad na akong pumasok sa banyo at hinubad ang damit ko. Ang dami kung iniisip ngayon kamusta na kaya sya? kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil walang araw at minuto na hindi ko sya iniisip siguro ay nakokonsensya lang ako sa ginawa ko. 

Pagkatapos kung maligo ay lumabas na ako ng banyo napatigil sa paggigitara si Yohan ng makita ako. Pumulupot sa dibdib ko ang towel na hindi aabot sa tuhod ko tumutulo din ang tubig sa sahig galing sa buhok ko. Binaba nya ang gitara at nilahad ang dalawang kamay nya.

"Come here Margaret ako na ang magpupunas sa buhok mo"ngumiti lamang akong lumapit sa kanya umupo ako sa pagitan ng hita nya hinalikan nya muna ang balikat ko bago nya punasan ang buhok ko.

"Gustong-gusto ko talagang pinupunasan ang buhok mo"malambing nyang saad.

"Lahat naman Yohan gusto mo"tumawa sya at niyakap ako ng mahigpit.

"Tama Margaret pagdating sayo ay lahat gusto ko ayoko ng kahati"naglaho ang ngiti ko ng marinig ang huling sinabi nya.

"Akin kalang Margaret"saad nya at kumalas sya para ipagpatuloy ang pagpunas sa buhok ko hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

Kinaumagahan ay pinili ko ang puting dress kailangan kung maging maayos sa paningin ng magulang nya. Hindi ko mapigilang kabahan paano kung hindi ako magustuhan ng magulang nya. Pagkababa ko sa kotse agad kung hinawakan ang kamay ni Yohan dahil kinakabahan ako hinaplos nya ang pisngi ko sabay halik sa noo ko.

"Don't worry Margaret magugustuhan ka nila"saad nya tumango nalamang ako agad kaming pumasok sa malaking mansion nila.

"Good morning everyone"masiglang anunsyo ni Yohan napatigil sila pag-uusap ng makita kami.

"Son"nakangiti ang mga labi na sinalubong ng yakap si Yohan mukhang mommy nya ito napatingin ako sa dalawang ate nya sabi nya nag iisa lang syang lalaki sumunod din ang daddy nya.

"Sya ba ang sinasabi mo Yohan hello iha welcome to our family"nagulat ako ng yinakap ako ng mommy ni Yohan nakapagbeso pa ito.

"Sobrang ganda mo pala talaga iha"saad nito sakin ngumiti ako.

"Sakto luto na ang mga pagkain"saad ng dady ni Yohan pagkalapit ko sa kapatid nya ay nakipag beso ito sakin mukhang mabait naman yung isa maliban nga lang sa katabi nito dahil tinaasan nya ako ng kilay at bumaling sa mommy nya.

"Mommy padating narin ang boyfriend ko"saad nito.

"Senorita may naghahanap po sa inyo Hidalgo daw po"bigla akong nanigas dahil sa sinabi ng katulong.

"Hidalgo'"sigaw nito dahan-dahan akong napalingon nakangiti ang mga labi ni Hidalgo na sinalubong ang kapatid ni Yohan hinalikan nya pa ito sa labi bago ibigay ang puting rosas na hawak nya. Parang may mga kutsilyo ang tumarak sa puso ko dahil sa nakikita ko ng mapalingon sya sakin ay nawala ang ngiti nya para akong maiiyak ngayon.

MoonLoverPrincess2

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon