[CHAPTER 13]
SISIGURADUHIN ko na magiging maayos ang lahat-lahat na mga plano na gusto kung mangyari hindi pwede mauwi ang lahat ng paghihirap na ginawa ko para makaganti sa kanya at ngayong araw na magkakikita na kaming lahat.
"Sigurado ka po ba madam na hindi nyo na kailangan ng babantay sa inyo?"binaba ko ng shade ko.
"Kaya ko ang sarili ko bumalik na kayo sa kompanya"saad ko at binuksan ng pintuan ng kotse. Napapikit ako pagkababa ko sa kotse dahil pakiramdam ko ngayon lang ako nasinagan ng araw at nakalanghap ng hangin.
"Sige po pag may problema tumawag kayo!"minulat ko ang mga mata ko at muling sinuot ang shade. Binigay nya sakin ang maliit na maleta. Nasa beach ako ngayon at nandito rin sila celebration sa kaarawan ni Phantom at hindi na ako pwedeng mawala doon. Ang kaso na isinampa sakin ni Xavier ay tinapon ng court at hindi ko alam kung paano ginawan ni kuya ng solusyon iyon. Hinawakan ko maleta ko at naglakad sinasayaw ng hangin ang floral dress na suot ko ganun din ang mahaba kung buhok na para na itong umaalon dahil sa hangin.
Kung sakali man na magkikita kami madali namang sabihin may inaasikaso akong business at hindi sila sinusundan pero alam kung hindi sila maniniwala sa sasabihin ko. Bigla akong napangisi mas magiging interesting ang lahat kung nandito ang dalawa. Pagkatapos kung makuha ang susi ng kwarto ko na sinadya ko na makatapat ang kwarto ni Hidalgo ay agad akong pumasok at tinawagan si Emerald at Olivia sinabi ko nandito yung mga lalaking sumira sa buhay nila. Minura pa ako ni Olivia dahil wala syang balak sumunod ganun din si Emerald pero sinabi ko ito ang chance nila na ito para makapaghiganti at lalo na hindi lang si Hidalgo na may kasamang babae meron din akong dalawang babae na nanakita na nakakandong sa tatlong gago.
Binigay ng isa kung tauhan ang mga larawan na nakunan nya. Hindi naka imik ang dalawa sa linya kaya naman binaba ko na ang telepono. Bahala sila kung ayaw nilang gumanti basta ako gaganti ako.
Lalo na ang daming kasalan ni Hidalgo sakin. Tangina nya niloko nya ako, sinaktan at inuto. I'm not sweet Innocent anymore kung yan ang inaakala nya. Nagpalit ako at sinuot ang blue swimsuit. Sinuklay ko ang mahaba at itim kung buhok. Maslalong pumuti ang kutis ng katawan ko, kahit din papano ay tumangkad din ako.
Kinuha ko ang manipis na kulay na puti na robe at sinuot iyon. Naglagay din ako ng kunting lipstick sa mga labi ko bago lumabas ng kwarto. Ang alam ko ay nasa swimming pool silang lahat maliban kay Phantom na bukas pa ang dating nito. Kahit papano ay hindi ko mapigilang kabahan. Nasa hagdan na ako ng makasalubong ko ang dalawa napangisi ako.
"Tangina!"saad ni Olivia walang emosyon na tinignan lamang ako ni Emerald. Sinamahan ko na sila sa kanyang kanya nilang kwarto na hindi nila alam na katapat ng kwarto nila ang kwarto ng mga ex nila. Tulad ko ay nagpalit din ang mga ito. Naka white black swimsuit si Emerald dahil morena sya at si Olivia naman ay red dahil ito ang paborito nyang kulay.
Napatingin ako kay Olivia na merong tumawag sa kanya pinauna na kami dahil anak nya lang pala ang tumawag. Napatingin ako kay Emerald ang pagkakaalala ko ay matanda lang sya sakin ng dalawang buwan at si Olivia naman ay taon ang tanda sa aming dalawa ni Emerald.
"Are you excited to see him again?"napalingon sya sa sinabi ko pero minura nya lang ako umiling nalang ako at ngumisi. Napahinto sya ng paglalakad at madilim ang mga matang nakatingin sa harapan tinignan ko rin ng tinitignan nya. Para na syang papatay sa itsura nya merong maputi at kulot na payat na babae ang nakakandong kay Xavier ganun din kay Lazarus. Nag tiim bagang ako ng makita nasa swimming pool si Hidalgo at ito ang babaeng nakita ko nakasama nila ni Phantom.
"Madam"sigaw ng nito kay Emerald dahilan para mapalingon ang ito sa amin. Kita ko sa peripheral version ko ang gulat sa mukha ni Hidalgo. Pinagmasdan ko lang ang lalaki na beki pala nakipag beso ito kay Emerald.
"Hindi ko ine-expect na pupunta ka dito ano bang gusto nyo at sino sya?"napalingon ito sakin.
"Kamukha nya yung artista na si Anna Hathaway"saad nito sakin at nakipag beso rin sakin.
"Dito po kayo!"at sinamahan kami sa kabilang cottage nakinig nalamang ako sa usapan ng dalawa sa harapan ko.
"Dito na po kayo ano pong gusto nyong inumin?"tanong nito tumingin sakin si Emerald.
"Wine!"saad ko.
"Juice at dalawang wine lang Ian!"tumango ito at bumulong kay Emerald narinig ko naman.
"Nandito si Xavier at si Valentina"saad nito tumango lang si Emerald. Napatingin ako sa maliit nyang bag at kinuha ang isang kahon ng sigarilyo nilahad nya iyon sakin at tinanggap ko.
"Mukhang naaliw na si Olivia!"saad ko tumango sya at sinindihan ang sigarilyo kinuha ko ng lighter ganun din ang ginawa ko.
"Ka ano-ano mo ang beky na iyon?"
"Kaibigan ko ng highschool"tumango ako pareho kaming naging tahimik. Pareho naming ramdam ang titig nila. Dahil nasa harapan naman sila. Binuga ko ang usok mula sa sigarilyo
"Fuck"saad ni Olivia ng dumating ito ng malaman nyang katapat namin ang cottage ng mga ito. Mabuti nalang ay nasa gitna ang malaking swimming pool.
"Bakit dito tayo sa tapat pa talaga!"inis nyang singhal sa amin hindi na namin sya sumagot. Agad kung kinuha ang wine at ininom iyon. Para kaming mga legal na asawa na sumugod bigla.
"Namumutla si Lazarus!"saad ni Emerald nagmura si Olivia. Umiling nalamang ako. Tumayo ako at nagpaalam na mag babanyo lang ako.
Inayos ko ang sarili ko ng makapasok ako sa banyo nang biglang bumakas ang pinto kaya napatingala ako doon. Hindi ko pinahalata ang gulat ko.
"What are you doing here Margaret?"galit nyang singhal sakin.
MoonLoverPrincess2
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETE
RomancePLEASURE SERIES 2 SIMULA nang makilala nya si Hidalgo ay naging magulo ang buhay nya hindi sya nito tinigilan hanggang hindi sya maangkin ng binata. Pero naghiwalay din silang dalawa at sa muling pagkikita nila ang lalaking maamo at mabait sa kanya...