Chapter 7

30 2 2
                                    

Someone's POV

"Castle of the Knights, Shadow at Blue Howl ang dapat nating bantayan. Dahil anumang oras ay maaari nila tayong mapalitan sa pwesto natin. And I'm pretty sure na tayo ang tinatarget nila ngayong nalaman nilang tayo ang nangunguna." saad ng isang lalaking purong puti ang buhok. Nakasuot ito ng salamin at makikita ang kaayusan sa porma nito.

Kasalukuyang nagkakaroon ng pagtitipon ang grupo ng Blazing Starz. Dali-dali kasing nagpatawag ng meeting ang leader nila matapos malaman na sila ang nangunguna sa leaderboard.

"Ang dapat nating iwasan sa Castle of the Knights ay ang tumatayong leader nila dahil isa itong Nullificator. Kaya nitong ipasawalang-bisa ang anumang magical na Flare. Ngunit hindi nito naaapektuhan ang physical na Flare. Sa Shadow naman ay may isa silang member na kayang kausapin o utusan lahat ng mga hayop na kung tawagin ay Mimic. Malaki ang advantage niya dahil maraming gubat dito sa buong mapa ng laro." mahabang litanya ng isang lalaki habang kinakalikot ang isang rubiks cube. Saktong pagtapos din nitong magsalita ay nabuo rin ang laruang hawak.

"At saan mo naman nalaman yang mga sinabi mo?" tanong dito ng isang babae habang nakataas ang mga kilay. Tumingin naman sakaniya ang lalaki at tinaas-baba ang balikat.

"Maybe my Flare?" sagot nito na parang nang-aasar.

"Sa Blue Howl? Wala ka bang impormasyong nakuha tungkol sa grupong yan?" sa wakas ay nagsalita na rin ang tumatayong leader ng grupo. Lahat ay nanahimik nang ibuka nito ang bibig. Isang bagay na nagpapatunay na karespe-respeto ang taong ito. Sa malamig at malalim palang nitong boses ay kahit na sino siguro ay tatayuan ng balahibo sa katawan. Dagdag pa ang tono ng boses nito na puno ng awtoridad.

Tumikhim muna ang lalaki bago muling magsalita. "Wala pa, Leader. Masyadong tago at maingat ang grupong yan. Ngunit may nakapagsabi sakin na maingat daw silang magtrabaho at karamihan daw sakanila ay may Flare na."

Napuno ng tensyon ang buong silid dahil sa nalaman. Ngunit nanatiling tahimik at kalmado ang leader nila. Tila may iniisip na kung ano.

"How about Class 18? Anong masasabi mo sa grupong yan?" mahihimigan ang kakaibang tono sa boses ng leader. At muli, nagkaroon ng ingay sa buong silid.

"Permission to speak, Leader." pagtatanong ng isang babae. Tumango naman ang lalaki at nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kahapon ay naglilibot kami sa gubat dahil kami ang naatasan na maghanap ng makakain. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad non nang may makita kaming dalawang grupo na mukhang may pinagtatalunan. Hanggang sa ilang sandali pa ay naglaban ang dalawang grupo at sa huli ay natalo ng Class 18 ang Brainwasher." mahabang paliwanag nito.

"Isang babae lang ang lumaban sakanila at yung lalaking may kakaibang espada. Hindi namin alam kung Flare niya ba yon pero alam naming hindi yon basta espada lang." sabi pa ng isang lalaki. "Yung isang babae naman ay talagang nakakagulat dahil kapareho niya ng Flare yung isang babae sa kabilang grupo. Hindi na rin namin narinig yung mga pag uusap nila dahil medyo malayo kami sakanila." dugtong pa nito.

Kita ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi ng nasabing leader. Hindi niya rin alam sa sarili niya pero nung marinig niya ang tungkol sa lalaking may kakaibang espada ay parang nag-iba ang takbo ng kaniyang pag-iisip. At ngayon nga ay hindi niya na mapigilan ang sarili sa pag ngiti.

Smash Ruis' POV

"Di ako makatulog." reklamo ko matapos bumangon sa pagkakahiga. Bagsak na ang iba samin habang may iilan namang nililibang ang mga sarili at mukhang hindi rin makatulog tulad ko.

Tumayo ako at lumapit kila Xavier na nasa bukana ng base namin. Kasama niya sila Hannah at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

"Anong topic?" tanong ko. Mukhang nagulat naman sila sa biglaang pagdating ko kaya natawa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Peculiar's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon