BAKA SAKALI

10 1 0
                                    

Lumapit ka
Pagmasdan ako't nakangiti nga
ngunit bakas ang pruweba ng kalungkutan sa mata.

Kumilos ka,
maari bang Isang beses muli
ay marapatin mong maitanong kung ako ba'y ayos lamang?

Magiliw kong babanggiting kaya ko
Kahit na kalahating bahagdan
ay nagbabadyang ilantad na nahihirapan talaga ko

Maghihintay ako...
Baka sakaling sa paraang ito,
Ay maalala mong Mahal mo ako.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now