TULALA

3 0 0
                                    


Hayaang maglakbay ang diwa
Baka sakaling sa paglalayag
Ay mahanap ang puwang
na matagal mo ng nais maramdaman.

Hayaang magtagpo ang puso at isip
Sapagkat masusumpungan ang tunay mong hangarin.

Patuloy lang!
Isang araw, matatagpuan mo ang sarili
na unti-unti  na palang nabubuo.

Darating ang araw mapagtatanto mo
Hindi "lutang" ang pagiging tulala.

Minsan sa pagbubulay-bulay pa natin matatagpuan ang kapahingahan.
Madalas sa paraang ito pa natin matutuhan
na ang buhay ay mahiwagang tunay.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now