PANIBUGHO

7 1 0
                                    

Sa malamyos na himno ng bawat liriko
nagsilbing saliw sa bawat hikbing patago
nasanay sa prosesong huwag ng kumibo
sapagkat, hindi na rin naman mababago.

Ako'y alipin ng sarili kong damdamin
dahil kahit na piliting minsang tumigil,
atuhin ang isip na muli sanang unawain
pilit na hinihimok na ang puso ang unahin.

Sa labanan pagitan ng puso at isip?

Puso'y di madidiktahan na huwag masaktan
sapagkat ikubli pa man ng paulit- ulit,
hindi matatabunan ng rasong
gusto ko lamang ng katahimikan.

L . A . P . I . SWhere stories live. Discover now